Chapter 9

13.2K 291 11
                                    

Chapter 9

ZCHYNEIL

Pinagtitinginan si Jihann pagdating namin ng VHC 1. Nagtatago ito sa likod ko. Ayos lang sana e, kaso sa palda ko kumapit. Hinampas ko ang kamay niya.

"What are you doing?" Inis kong tanong dito.

"Nandito kasi yung mga nakalindian ko dati. You know, I am a worldwide handsome." Kinindatan pa ako. Muntikan na akong mapasapo ako sa mukha ko. Mukhang dalawa na nga sila ni Sheol na tututukan ko ng baril. Magkakasundo nga sila.

"Magkakasundo nga tayo, erp! Parehas tayong handsome!" See? Tsk.

Nauna na ako sa kanilang dalawa. Bitch please, I need rest. Bukas ay aalis kami ulit papuntang VHC 3. Pagkarating ko sa S-CLASS Dorm ay agad akong pumasok ng kwarto. Baka kasi maabutan pa ako ni Jihann at Sheol sa baba, kulitin pa ako.

Sinabi ko kasi kanina kay dad na dito na rin patirahin ang dalawa para mas madali kaming makapag-usap-usap. As well as the other emperors.

Pagkaupo ko sa kama ay nilabas ko ang sulat na nakuha ko kanina sa may kotse.

Sinira ko ang seal nito at saka binasa.

      -------         
The clock is tickin'
Tick-Tock-Tick-Tock

Let's play hide and seek.

There's a cat outside my house
Tam-dum, ta-dum-tum-tum!
He is looking for a mouse
Tam-dum, ta-dum-tum-tum!

Pussycat pussycat where have you been?

I've been up to London to visit the Queen!

Pussycat pussycat what did you there?

Find me?

Es
Ie
Et
Ar
Uf
Ra
En
Es
Ru

-------

He really likes using nursery rhymes and games huh? I really don't get the code. Fck.

He is really getting into my nerves. Umupo ako sa harapan ng study table ko. There you are. My chess.

Ginalaw ko ang unang pawn ng black paunahan ng isa. Let's see Obsidian. How much you can give? Wait until I completed my emperors. Once I am done. Watch your queen 'cause it's checkmate for the win.

"Insan!" Narinig kong sigaw nito Sheol sa labas kaya tinago ko agad ang sulat pero iniwan ko ang chess sa ganoong posisyon.

"What?" Masungit kong tanong dito. "Sasama ba kami ni Jihann bukas?" Sheol asked.

"Yes, let's meet tommorow at the rooftop. We are going to use my helicopter. I asked Xos to send it here." I answered him and was about to close the door when he talk again.

"Leix, when there is something wrong or bothering you. You always know that I am here right?" He said saka niya ginulo ang buhok ko at umalis. Dahan-dahan ko namang sinarado ang pinto at sumandal dito.

He called me the way he call me three years ago. Leix from my second name Yleixlane. We are really close back then. We are like brother and sister. We are there for each other along with him. Not until a tragedy happen and I started distancing myself to other people. I purposely forget all of the good memories we shared.

I let myself be fed to anger and fear. Which lead me to do some harmful deeds to myself. I glanced at my pulse and touch the cuts I did year ago. Sa totoo lang pwede namang kalimutan ko nalang ang Obsidian and live with my dad for the rest of my life but I just can't. Everything reminds me of them. All of the memories made years ago keep hunting me.

Maybe I can't really let go with justice. I can't be at peace, all of them got injected by lethal injection. I can't just shut my mouth and don't do anything. Para ko na ring pinatay ang sarili ko.

Kinagabihan ay hindi ako bumaba. I have no appetite. Kinatok ako nina Sheol pero hindi ako sumagot. Pinikit ko nalang ang mga mata ko at unti-unti na akong nilamon ng dilim.

-------

Tunog lang ng helicopter ang maririnig ng umalis kami ng VHC 1. Tinuloy ni Jihann at Sheol ang tulog nila sa helicopter. Naharok pa nga si Jihann.

Habang ako ay nagbabasa ng files ng company namin. Naayos na ang failure na nangyari last week. Maayos rin ang takbo ng kompanya ngayon kaya wala akong problema.

It's only Obsidian and my emperors. Nag-iisip pa ako ng pwedeng ipangalan sa gang. Mahirap na. Baka mamaya, Zchyneil and Company nalang itawag samin. Hahahaha. Okay corny.

Maikli lang ang byahe namin kesa kahapon dahil nakahelicopter kami. Ilang oras rin ang inilipad namin at nakarating na kami sa wakas sa VHC 3. Marseille is here.

Maliwanag na at marami na ring estudyante sa labas. Nakaagaw pansin ang helicopter namin. Eto ayaw ko kaya hindi ako naghelicopter kahapon. Kaso mapapabagal ang pagpunta namin kung hindi pa kami maghehelicopter.

Bumaba na ako ng maglanding ito. Nilipad pa ang abo kong buhok dahil sa lakas ng pagaspas ng elisi nito. Agad naman kaming pinapasok ng gwardya. Naka-uniform kami ng pang VHC 1, ganoon rin si Jihann.

"Zchy, saan natin sisimulan hanapin si Marseille?" Tumingin muna ako rito bago tumingin ulit dahil sobrang iba ng disenyo ng VHC 3 sa 2 at 1. Magkakaiba naman lahat ng disenyo ng campus pero sa 3 ang pinakaiba ang architecture.

"Hindi ko alam." Balewalang sagot ko dito kaya napanganga ito. "Bayaan mo na yan si Insan, baliw yan." Bulong pa ni Sheol na rinig na rinig ko naman. Lumingon ako dito kaya tumingin ito sa ibang direksyon.

"Maghiwa-hiwalay muna tayo. Use your phones to contact me if you found him." I told them. Gusto kong libutin ang Campus 3. Their buildings are interesting. Naglibot-libot ako hanggang sa napadpad ako sa dulong parte ng campus.

May abandonadong building dito na tinubuan na ng halaman sa sobrang tagal nang hindi ginagamit. Hindi ko na sana papansinin ng may makita akong ilaw dito. Walang takot kong pinasok ang building.

Pagpasok ko ay agad akong namangha sa laki ng supercomputer na naririto. Ang daming screen at lahat ng ito ay gamit ng mga hackers.

Naramdaman kong may papunta sa direksyon kaya agad akong humarap at sinalo iyon.

Shuriken. So this is your base? Marseille?
-------
Credits to BLACKPINK for the song lyrics.

#VenomousHighWP or #VenomousWP

Use this hashtags to tweet your reactions about the story! I'll be checking your tweets! <3 Thank you for reading!

twitter: @nadineebautista
instagram: @nadineebautista
facebook: nadine bautista

VenomousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon