Chapter 19
ZCHYNEIL
Nasa private jet na kami lahat at naglalaro na naman sila ng uno. Hindi muna ako sumali dahil marami akong inaasikaso sa Leviste company. We are launching a new product and they are having a hard time because I am not there to give them instructions.
Nakasimangot na tumabi sa akin si Sheol. Sumandal ito sa balikat ko kaya hinawakan ko ang baril na nasa tabi ko. Nanlaki naman ang mata nito saka lumayo sa akin. Palihim akong napatawa. Hahahaha.
"What?" Masungit na tanong ko rito. He pouted like he's cute when actually he looked like a duck.
"Wala pa rin akong tiwala dun kay Zxavien. Tsk. Di namin siya nahabol nung sinambot ka niya. Ang bilis niya, Insan." Kahit naman ako ay hindi pa buo ang tiwala ko kay Vien. Lalo na at hindi ko pa alam kung paano sila nagkakilala ni kuya Primo. Pero I trust emperors.
Ito pala yung sinasabi ni Vien na 'they are too slow'.
"You know Sheol, you should learn who to trust all of them. We are now a team, but never let your guards down." Saad ko dito at muling binalingan ang mga papel na binabasa ko. I should learn how to trust them too. If not, this gang will never work out.
Inilingkis nito ang braso niya sa braso ko kaya napairap ako. Hindi ako makapagconcentrate.
"Go away, Sheol." Naramadaman ko naman na umalis na ito. Sa wakas, I can now work peacefully.
"Fck, Sheol. I am working, give me some damn peace!" Inis na sigaw ko nang may gumulo ng buhok. Pipingutin ko sana ang tenga ni Sheol pero hindi pala si Sheol ang gumulo ng buhok ko kundi si Vhirium. Nasa likod nito ang Infernum habang si Sheol ay nakasimangot na parang sinasabing hindi naman siya yung gumawa pero siya yung napagalitan. Hahahahaha. Ang cute ng pinsan kong ulol.
"Sali ka samin, Empress." Parang batang sabi ni Vhi. "Dali na, Empress." Ungot pa nito at hinila ang braso ko. Nakita kong nakatingin si Vien sa braso ko na hinihila ni Vhi na para bang gusto niyang manapak. Anong problema nito? Wala akong nagawa kundi magtinaod kay Vhi. Tsk. Hindi pa ako tapos e. Hayae na nga.
"Truth or Dare!" Sigaw ni Jiquenn at pinaikot ang bote sa lapag. Umikot ito at tumapat kay Ceruenn ang pwet ng bote ay tumapat naman kay Sheol.
Ngumisi si Sheol kay Ceruenn. "Truth or Dare?" Napakamot nalang si Ceruenn sa kilay niya. "Dare." Sagot ni Ceruenn kaya lalong lumaki ang ngisi ni Sheol.
"Takpan niyo tenga ni Empress!" Sigaw ni Sheol kaya agad naman itong tinakpan ni Vhi at Vien? Masama ang aura ni Vien. Ano bang problema ng dalawang ito? Nakita ko namang lumipat si Jihann sa likod ko at sinalpakan ako ng earphones. Ang lakas ng tutog na wala akong marinig sa pinaguusapan nila.
Napairap ako ng mabasa ko ang isinasabi ni Sheol. It's all about porn. Tsk. Parang nagpapasa si Sheol ng porn kay Ceruenn pero ayaw ni Ceruenn kahit dare iyon sa kanya. Pinatakpan pa nila ang tenga ko kung hindi naman nila tinakpan ang mata ko?
Halos limang minuto silang nagtalo hanggang sa pinaikot na ulit nila ang bote. Tinanggal na rin nila ang earphones ko.
Tumapat ito kay Glhiere na kanina pa tahimik at ang magdadare naman ay si Jiquenn. Humagalpak si Jiquenn na parang may binabalak na masama.
"Truth or Dare?" Sinamaan ng tingin ni Glhiere si Jiquenn. "Dare." Sagot nito. Parang nabaliw si Jiquenn kakatawa.
"I-kiss mo si Empress sa kahit anong parte ng mukha niya." Utos ni Jiquenn dito kaya agad kong nilabas ang baril ko. Napalunok si Glhiere. Napatingin ako sa ibang members at nakita kong nakangisi ang mga ito bukod kay Vhi at Vien na kanina pa wala sa mood at mukhang mas nawala sa mood. Napakunot ang noo ko. Baka naninibago pa sila. Pero hindi naman sila ganto kanina sa uno ah? Binaliwala ko nalang sila.
"Empress! Dare lang naman e." Ungot pa ni Jiquenn ng makita niya ang baril ko. Tinaasan ko ito ng kilay at itinutok ang baril kay Glhiere. Kitang kita naming lahat kung paano gumalaw ang adam's apple ni Glhiere kaya napahagalpak sa tawa ang lahat. Kahit ako ay nakisabay na rin.
Hindi ko inaasahan na kikilitiin ako ni Sheol na talagang lumiban pa ng pwesto kaya nabitawan ko ang baril ko. Lumapis Glhiere sa akin at hinalikan ako sa ilong. Mabilis ang pangyayari at hindi na ako nakaangal. Sinamaan ko naman ng tingin si Glhiere na ngumiti sa akin at nagpeace sign. Tumawa ulit ang emperors.
"Kawawa magiging boyfriend ni Empress!" Sabi ni Jihann. Tumatawa ito ng walang bukas. Tsk.
"Hindi siya makakascore kay Empress! Hahahaha!" Si Jiquenn naman ngayon at hinahampas pa nito si Ceruenn.
"Syempre bago magkaboyfriend ang pinsan ko, dadaan muna siya sa maskels ko." Pinakita pa nito ang braso na wala naman akong nakikita kundi kapayatan.
"Ang hirap maging jowa ni Empress." Saad naman ni Glhiere na natatawang kaunti.
Samatalang tahimik naman ang dalawa sa tabi ko.
Inakbayan ko naman ang dalawa at saka tiningnan.
"Kanina pa kayo tahimik. May problema ba? Vhirium? Vien?" Tanong ko sa mga ito. Agad namang umiling si Vhirium at nakita kong mamumula ang tenga ko. Si Vien naman ay patago ng mukha sa kanyang hoodie.
Lumapit naman ako kay Vhirium. "May sakit ka ba?" Tanong ko rito.
Tumingin naman ako sa Infernum para sana humingi ng tulong pero lahat ng ito ay nakangisi. Naningkit ang mga mata ko. May alam ba sila na hindi ko alam?
"Mag-uusap tayo mamaya, Vhirium at Zxavien." Seryoso namang saad ni Sheol. What?
"What's happening?" Tanong ko sa kanila at agad namang nag-ilingan ang mga ito.
"Whatever. Malalaman ko rin yan." Umirap ako sa mga ito bago umalis.
Pumunta ako sa may ref ng private jet at saka kumuha ng fresh milk.
I am finally opening my heart to thos jerks. I hope it is worth opening for. They are slowly melting this heart made of ice.
--------
#VenomousHighWP or #VenomousWPUse this hashtags to tweet your reactions about the story! I'll be checking your tweets! <3 Thank you for reading!
twitter: @nadineebautista
instagram: @nadineebautista
facebook: nadine bautista
BINABASA MO ANG
Venomous
Actioncompleted. reugal I Zchyneil Leviste, enter the Venomous High as she gathers her emperors to a group for the upcoming battle royal. As she build it, untold stories unfolds. The chambers of the deepest secrets opened. Kill or be killed. Shot or get...