Chapter 31

8.8K 209 2
                                    

Chapter 31

ZCHYNEIL

Nakabalik na kami sa Venomous High at kasalukuyan kaming nakain ng breakfast. Nandito na rin si Ziro na pinapunasan ko ang amos dahil sa pagkain.

"Insan! Nabalitaan kong dito nag-aaral si Card!" Napairap ako. Here we go again. Hindi na niya ako tinigilan kay Card simula nung araw na iyon.

"Talaga? Ayieeee! Si Empress, namumula!" Sinakyan pa ito ni Jihann na tumatawa ng tumatawa. Nagsimula na naman itong asarin ako. Aniya ay patay daw ako kay Vien at nanlalaki ako.

Binilisan ko nalang ang pagkain ko dahil naiinis na ako kay Sheol. Ang sarap sakalin ng pinsan ko!

"Woy! Ano yan, Empress? Binibilisan ang pagkain dahil excited makita si Card?" Pangagatong naman ni Jiquenn.

"Nako! Baka ipagpalit mo na kami kay Card, Empress ha! Magtatampo kami." Nagpout pa si Ceruenn na parang nagtatampo talaga.

Sinamaan ko ng tingin sa Jiquenn. Binibilisan ko ang pagkain dahil kung ano-anong pinagsasabi niyo!

Nakita ko naman si Glhiere na palihim na natawa at si Vhirium na nakangisi at parang gustong gusto ang pinatutunguhan ng usapan.

Hindi ko matingnan si Vien dahil ayokong makita ang reaksyon nito. Dalawa lang naman ang pwese niyang reaksyon. Walang pakialam o magalot at magselos.

"Momma? Who is Card? He is my new Dadda? Hindi mo na mahal si Dadda, Momma?" Inosenteng tanong ng anak ko kaya nataranta ako. Shit anong sasabihin ko.

"Ano, anak. Ganto kasi yan. Wala naman kaming relasyon ng Dadda mo okay? Tapos si Uncle Card mo---" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng tumayo si Vien.

"I am done." Malamig na saad nito at saka umakyat.

Nagulat ako ng biglang tumawa ng malakas si Jihann at Glhiere. Sinamaan ko ang mga ito ng tingin. What the fck is their problem?

Nagpeace sign sa akin si Jihann. Samantalang inaasar pa rin ako ng emperors.

Kesa magalit ay napabuntong hininga nalang ako, ano pa nga bang magagawa ko.

Ngayon ay regular class muna kami. Kailangan kasi naming habulin ang nilesson nila last month. Ilang linggo lang naman at after ng ball na gaganapin next month ay balik training na ulit kami.

Inasikaso ko muna si Ziro at saka ako nag-asikaso sa sarili ko. Inulugay ko ang medyo humahaba ko nang buhok at naglipstick ng nude.

Nakatanggal na rin pala ang gem na nasa hita ko. Mas gumaan ang katawan ko. Hindi rin ako nag-abala pang magsuot ng contacts lens para itago ang mata ko.

Ngayon ay naglalakad ang mga maiingay na kasama ko sa hallway. Patungo kami sa classroom namin.

Nagulat nalang ako ng may humarang sa akin na lalaki. Ngumiti ito sa akin at niyakap ako. What the hell? Agad ko itong tinulak.

"What is your problem?" Inis na tanong ko dito.

"Wow, Chay grabe hindi lang tayo nagkita ng ilang taon, snobber ka na ha." Ngumiti ito ng cute sa akin. Teka, that nickname and that smile.

"Card?" Halos bulong ko dito. Ang laki ng pinagbago nito. Mas lalo itong gumawapo. May muscles na rin ang katawan nito at mas lalong pumuti. Kulay abo rin ang buhok nito at may dimples na hindi ko makakalimutan. Card is my bestfriend when we are elementary. Taliwas sa sinasabi ni Sheol na crush ko ito.

"Ayieeeeee! Nagkita na si Empress at ang kanyang childhood crush!" Pang-aasar ni Sheol na sinakyan ng emperors.

Titingnan ko sana si Vien ng may dumating na babae.

"Card! Kanina pa kita hinaha-- Wait, Zxav? Tumingin ito kay Vien. Nagulat ako ng ngumiti si Vien dito. What!?

"Gem, musta?" Kinamusta ito ni Vien. What the hell? Samantalang ako na nakasama niya sa labaratory ng ilang araw, hindi niya binati ng ganyan?

"Grabe, di ko akalaing magkikita oa tayo after nating magbreak nung highschool tayo!" Tumawa pa ang babae kaya lalo akong nainis. Break? Naging sila. Iniwas ko na ang tingin sa kanila at hinarap si Card.

"She's my ate, remember?" Bulong sa akin ni Card. Yeah, I fckin remember her. Pingilan ko ang sarili ko na umirap. Tumingin ako kina Jihann at Glhiere na kanina pa nagpipigil ng tawa. Inasar pa ako ng mga ito at pinakita ang kamay nilang nakapuso ba nibreak nila. Nagpunas pa ang dalawa ng luha. Palihim kong pinakyuhan ang mga ito.

Nagulat ako ng hawakan ni Card ang kamay ko at kumaway kay ate Gem.

"Ate! Si Chay, remember?" Nabaling naman ni Gem ang kanyang ulo sa amin ni Card. Kanina pa sila nagkakamustahan ni Vien. Marahas akong suminghap ng hangin para pigilan ang inis.

"Oh yeah! I remember her! You were a thing nung elemtary kayo right? Madalas ka pa nga sa bahay nina Chay?" Pagcocompirma niya. Hindi naman talaga kami katulad na sinasabi nila. We are just bestfriends for pete's sake! Magsasalita sana ako para umangal na sana ako para sabihing mali ang iniisip nila pero nagsalita si Vien.

"Let's go, Gem. Tour me around the VH." Halos manlaki ang mata ko. Tour me, mukha mo! Isang buwan ka na dito tapos. Tour me, tour me ka pa diyan?

Ganyanan pala ha?

"Card, tara na sa classroom." Masaya akong inakbayan ni Card at hinatak papuntang classroom. Sumunod naman sa akin ang emperors.

Pagkatapos niya akong pakitaan ng motibo, ganto? Tsk. Inlove ako sa kanya? Never! Hindi na ulit ako titingin sa kanya. Tsk.

Wag na wag niyang matatawag na anak si Ziro. Sasabihan ko mamaya si Ziro na wag na tawaging Dadda ang siraulong iyon. Di na ulit siya makakalapit sa akin.

-------

Guys, light chapters lang muna tayo ngayon. Masyadong mabibigat yung mga susunod na mga ganap so chill lang tayo ngayon.

#VenomousHighWP or #VenomousWP

Use this hashtag to tweet your reactions about the story! I'll be checking your tweets! <3 Thank you for reading!

twitter: @nadineebautista
instagram: @nadineebautista
facebook: nadine bautista

VenomousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon