Chapter 46

7.7K 161 4
                                    

Chapter 46

ZCHYNEIL

Handa na ang lahat ng gagamitin namin para sa Mafia War. Ayaw pa akong palabanin ni Sheol dahil daw delikado pero nangako ako sa kanya at sa sarili ko na hindi ko hahayaang mapahamak ang anak ko.

Si Ziro ay na kay Dad pa rin. Binalita ko rin sa kanya na magkakaroon na siya ng kapatid. Kaya naman hindi na ito makapaghintay na matapos ang lahat.

Pagsapit ng gabi ay susugod kami sa kanilang Mafia Base. Ang lahat ng Mafia base nila ay mawawipe outsa buong Reugal. Hinati ang libo-libong mafia, gangsters at assassin sa iba't ibang base. I chose na lumaban sa main base. Nandun ang lahat. Their Rooks up to their King.

Nagsimula na kaming bumyahe. Hinaplos ko ang aking tiyan. This is it anak. Kapit ka lang ha? Tatapusin lang ni mommy ito.

Mabilis na lumipas ang oras at pagsapit ng alas dose ay sumugod na kami. Dere-deretso akong naglakad. Walang nakakalapit sa akin dahil bago pa man sila makalapit ay nauuna ang emperors na labanan sila.

Napatigil ako ng may humarang sa dinadaan ko.

"The said 'queen' is finally here" Saad nito habang nakangisi. She's mocking me. Tumingin ako sa isang babaeng may katandaan na at may korona.

Ngumisi rin ako rito. "And the murderer finally showed up" Sabi ko saka ito sinugod. Hindi na ako nag-aksaya ng oras.

Sinipa ako nito pero nailagan ko at hinawakan ang paa at hinagis sa pader. Tinukod nito ang paa nito upang pangsuporta at sunugod ulit sa akin pero tumalon ako at sinipa ang ulo niya.

Para akong nauulol. Walang pakiramdam. Manhid at ang gusto lamang ay pumatay. Kulay ng dugo lang ang nakikita ko at wala akong gustong makita kundi ang maduming dugo ng angkan ng Obsidian.

Tumalipon na naman ito. Tumayo ito at muling sumugod sa akin at tinamaan ako sa ulo. Agad kong hinipo ang ugat niya sa may bandang ulo. Naparalisa ito at hindi makagalaw.

Natutunan ko iyon habang nagtetraining sa Saksen. Dinilaan ko ang labi ko at tumingin sa kanya habang natatawa.

"Takot ka ba sa kamatayan?" Sabay sinipa ko ito at tumama ito sa pader. Mukhang mas malakas naman ito sa aking hinala at nakagalaw ito.

Sinugod ako nito at pinaulanan ng sipa. Hindi naman niya ako matamaan kasi ilag ko ng ilag. Tumalon ako at agad na nagpunta sa likuran niya. Luminga-linga ito na parang may hinahanap.

"I am here" Bulong ko rito. Nangigas naman siya sa kinatatayuan niya. Binitinan ko ito at sinakal gamit ang paa ko.

"Have you heard of the saying? An eye for an eye and a tooth for a tooth?" Para akong nakabitin ngayon sa lupa at bago niya pa ako maatake ay ginamit ko ang paa ko upang ibalibag siya at bumagsak.

Bumagsak ang ulo nito sa lupa hindi naman ako nagaksaya ng oras saka binali ang balikat nito. Basak ang balikat na tumayo ito sa lupa at sumugod sa akin gamit ang kanyang mga paa. Sinipa niya ako sa mukha na siyang nakapagpadugo sa labi ko.

Ngumisi ito sa akin pinahid ko ang dugo sa bibig ko at sinipa siya sa mukha. I should be fair, boo. Nagkasugat ako mukha. Tiningnan ko ang mukha niya at nagkasugat ito.

Tiningan ko ang sapatos ko at ipinakita sa kanya.

"Hindi ko sinasadya, nakalimutan kong may blade nga pala ang sapatos ko" Sabi ko at ngumiti ng mapang-asar.

Nagalit ito kaya sumugod muli sa akin.

"How's you and Vien?" Mapang-asar na tanong nito sa akin. Tumawa naman ako ng malakas.

"How low of you? Using you own son? Aw, I bet that's the only thing that you've think to beat me. Use your son, make me fall in love with him and have sex with him? " I mocked her.

Itinulak ko ito sa kanang balikat gamit ang daliri ko. "Do you think.." Itinulak ko naman ito sa kaliwa kaya napaatras na ito. "That I actually..." tinulak ko muli ito sa kanan kaya napaatras ulit ito. Hinigit ko kwelyo nito. "Fall for that?" Pagsisinungaling ko dito at saka siya tinapik ng malakas sa pisngi. "Cmmon boy, that trick is actually old."

"How dare you!" Sinipa nito ang ktawan ko pero sinipa ko ang tuhod niya na siyang pinagkukunan niya ng lakas kaya napaluhod siya at sinamaan ako ng tingin. Ang lakas ng loob niyang pahirapan ang pamilya ko at ang pamilya ng emperors.

"Sa injections ka lang pala magaling." Ngumiti ako ng matamis sa kanya. Sinipa ko siya at pinaikot ang kamao ko at sinuntok siya sa puso saka inikot ulit ito. Nakakapagpatigil ito ng tibok ng puso. Sinipa ko ang baba nito saka ito tumalsik sa pader.

Kinuha ko ang baril ko sa bulsa at saka pinaputukan ang ulo at puso nito. You are done btch.

Masyado akong nalibang sa reyna nila, ng maalala kong buhay pa ang hari nila at si Vien.

May sumipa sa akin sa likuran na hindi ko naiwasan. Sumubsob ako sa lupa.
-------
#VenomousWP or #VenomousHighWP

Use this hashtags to tweet your reactions about the story! I'll be checking your tweets! <3 Thank you for reading!

twitter: @nadineebautista
instagram: @nadineebautista
facebook: nadine bautista

VenomousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon