Chapter 6

18.8K 376 5
                                    

Chapter 6

ZCHYNEIL

Madaling araw palang ay naghanda na kami ni Sheol sa pagpunta sa VH Campus 2. My dad already told the headmaster to excuse us sa mga upcoming trainings and classes. He also told him na bigyan iami ng pass na makapunta sa iba't ibang campus dahil bawal ang pumunta sa campus ng iba.

We arr using Bugatti Chiron Super Sport 300+ para mas mabilis kaming makapunta sa Campus 2. We need to gather the emperors in two weeks or else hindi kami makakapagtraining ng solid.

"Sheol! Hurry fckin' up!" Sigaw ko dito dahil kanina pa ito mukhang bangag na naglalakad papuntang parking lot.

Nagising naman ang diwa nito ng itutok ko ang baril sa kanya. Kaya nabilis kami sa pagpunta sa parking lot.

I started driving. It will be a five hours drive. After the letter na ipinadala ng Obsidian Mafia ay wala pa akong ulit balita sa kanila. Hindi ako pwedeng padalos dalos kumilos lalo na at hindi ko alam kung saan ang base nila dito sa Reugal.

Magaling kasi silang magtago dahil marami silang underlings sa Reugal. Kung tama ang hinala ko ay pinadala nila ang letter na iyon sa akin to provoke me na atakihin ang base nila sa Nciemes which I never did. Kahit kokonti lang ang tauhan nila sa Nciemes ay hindi ako pwede kumagat sa pain nila at hindi ko pwedeng isugal ang mga underlings ko para sa maliit na base nila sa Nciemes lalo na at nandito sa Reugal ang pinakabase ng Obsidian Mafia.

Kailangan ko munang unahin ang Battle Royal. I have so much time to make them suffer. May kutob rin ako na kunektado ang Obsidian Mafia sa Underground Society kaya kailangang manalo kami sa Battle Royal para mas mapadali ang pagpapabagsak ko sa Obsidian Mafia.

This is a battle of minds after all, reckless decision will be my death if I become impulsive.

Nilingon ako ang kasama ko sa kotse at tulog pa rin ito hanggang ngayon. Napangiti ako ng kaunti. Kahit gaano ko sungitan ang pinsan kong ito. Hinding hindi ko hahayaang saktan lang siya ng kung sino. Ng mamatay sila, nakita ko ang paghihirap ni Sheol at hindi ko na hahayaan na maranasan ulit ni Sheol yon.

Isa si Sheol sa dahilan kung bakit ako nagpapatuloy. To give justice and give him peace. Hindi niya alam ang tungkol sa Obsidian Mafia. I will talk to him after I completed the Emperors. He needs to know after all.

Napasulyap ako sa sa madilim na kalangitan at sa mga kumikinang na bituin. After all of this. I will take a break, I surely deserve that after all right? After all of my sufferings? I want to live with my dad and let him feel that I love him even though I never show it.

After all of this. I want to love myself and start a new. Ang mga peklat sa kaliwang pulsuhan ko at ang mga sugat sa puso ko. It will all take time to heal. I hope all of this are worth it.

Matapos ang mahabang byahe ay nakarating na kami sa VH C2. Agad akong bumaba sa kotse dahil ramdam ko na namamanhid na ang binti ko at puwetan ko.

Niyugyog ko si Sheol at agad naman itong nagising. Nasilaw pa nga ito sa sikat ng araw.

"Where are we?" Parang tangang tanong nito. "We are already at the Campus 2, idiot." Napairap naman ito sa akin.

"Maka-idiot ka naman, Insan. Maraming nababaliw sa kagwapuhan ng tinatawag mong idiot hoy!" Pagmamayabang pa nito. Di ko nalang ito pinansin at saka pumasok na sa loob ng VHC 2.

Pinakita ko sa mga guards ang pass na binigay ng Headmaster. Patuloy akong naglakad sa loob pero napatigil ako ng may sumigaw.

"Insan! Shit! Sabi nang kasama ko siya e!" Nagwawalang sabi ni Sheol sa guard kaya di ko na napigilan ang tawa ko. Nakakatawa ang mukha niya sobra. Hahaha!

"I-Insan." Nauutal na aniya. "I-Insan habang buhay na akong magpapakatanga, tumawa ka lang." Ngumiti naman ako dito saka siya binalikan. That's my Sheol.

"Let him in." I told the guards kaya naman pinakawalan na niya si Sheol. Ngiting ngiti si Sheol na inakbayan ako ng makapasok siya. Kinukulit niya ako na tumawa ulit pero inirapan ko lang ito.

Pinagtitinginan na kami ni Sheol dahil naka-uniform pa rin kami ng pang campus 1. School pa rin naman kasi ito at parte pa rin ng VH. Magkakaiba kasi ang uniform ng mga campus. Para pag nagkita-kita sa arena ay ma-iidentify agad agad kung saang campus ka galing. Wala rin naman nagtatangkang mangaya ng uniform para lang makapasok sa ibang campus dahil itinuturing ng mga campus ang isa't isa bilang magkalaban.

May namumuong tension kasi sa mga ito pag naglalaban laban sa arena.

Patuloy lang kami naglakad ni Sheol. Now where are you, Jihann Dagger Linville?

"What are you doing here, Campus 1 students?" Hindi pa kami nakakasampung minuto sa loob ng VHC 2 ay may lumapit na sa amin para maghamon ng gulo.

"Wow Insan, chicks." Bulong sakin ni Sheol. Sarap kutusan ng mokong na ito.

"What is it to you?" I asked her. Napataas ang kilay nito dahil sa tanong ko.

"You are not allowed here, Campus 1. You are an enemy! Ang lakas ng loob niyong tumapak sa teritoryo namin." Sabi pa ng babae kaya naningkit ang mata ko. What does it have to do with her kung nandito kami? Ikamamatay niya ba? Teritoryo niya? Tsk. The whole Island is our Territory, btch.

"Ano bang pakialam mo?" Ngayon si Sheol na ang sumagot. Seryoso na ang mukha nito at mukhang di na natutuwa sa babae. Nakakuha na kami ng atensyon at napalibutan na ng mga studyante.

"Ofcourse, I should care because this us our territory and students from other campus are not allowed here. We don't let some trash in." She mocked us. Habang ang mga tao sa paligid ay tahimik lang pero halatang gusto na rin kaming paalisin. Hindi ko hahayaang maliitin kami ng ganto. Trash? Haha. You will take your words back, btch.

"You know, Chyreol Leviste right?" I asked her. "Yes, so? Anong connect ng may-ari ng Venomous Island and Venomous High dito?

Tinawagan ko si Dad at saka ito niloud speaker.

"Sweety, why did you call? Is there something wrong?" Nag-aalalang tanong nito.

"Dad, can you tell me your name and who I am in your life?" I asked him.

"What about that sweety? Okay fine. I am Chyreol Leviste and you are my sweet daughter, Zchyneil Yleixlane Leviste." Sabi nito kaya nagulat lahat ng nakikinig at nagsimula na ang bulungan ng mga ito.

"Parang pamilyar ang pangalan niya."

"Oo nga, parang nakita ko na somewhere else."

"Zchyneil Leviste, where did I hear that?"

"Thanks dad, I owe you one." I told him as I ended the call.

"So, what about your territory again? I want to hear your tantrums about it." I told her and she looks like she's going to cry. Now what? Kanina ang tapang tapang niya ngayon, iiyak na siya?

"There you are! Babe! Pinahiya niya ako!" Pagsusumbong nito sa lalaking kararating lang.

What the fck? Babe?

That Jihann Dagger Linville is her fckin' boyfriend?
-------
#VenomousHighWP or #VenomousWP

Use this hashtag to tweet your reactions about the story! I'll be checking your tweets! <3 Thank you for reading!

twitter: @nadineebautista
instagram: @nadineebautista

VenomousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon