Chapter 8

16.5K 326 11
                                    

Chapter 8

ZCHYNEIL

Mabigat na ang ulo nito sa balikat ko mukhang nakatulog ito kakaiyak. Pinabayaan ko nalang ito, kasalanan ko naman eh.

Kung mapapayag ko siya na sumali sa gang ko, kailangan ko itong turuan na kontrolin ang emosyon niya dahil magagamit ito ng kalaban laban sa kanya.

Nasaan na kaya si Sheol? Nang hinigit ako ni Linville ay hindi ko na siya nakita. Tsk. Baka kung nasaan na iyon.

Nakatulala lang ako sa kawalan ng may marinig ako.

"Zeus, let's go home." Mahina ang boses nito pero sapat na para marinig ko. Agad kong hinanap ang pinangagalingan nito.

Nakita ko naman ito sa isang puno na naririto. Di ko maaninag ang mulha nito pero may dala-dala itong pusa at mukha ito yung Zeus na tinatawag niya.

Naglakad pa ito ng kaunti dahilan para makita ko ng tuluyan ang mukha nito. Siya na naman?

Why does he keep appearing in different campus? Nakangiti ito ulit sa pusa niya habang hinahaplos ang ulo nito. Maamo ang mukha, matangos ang ilong pero malaki. Mapula ang labi. Shit. Why I am describing him?

"You are hungry?" Tanong nito sa pusa. Nag-meow naman ang pusa. Naramdaman siguro nitong may nakatingin sa kanya kaya napatingin ito sa direksyon ko.

Napakunot ang noo ko ng makita ang pula niyang mata. Ngumiti ito sa akin at saka nag-shh. Dala-dala nito ang pusa saka umalis at tinalon ang bakod ng VHC 2.

Naiwan akong nakatulala sa direksyon na tinalunan niya. Bakit nandito naman siya? Last time, nasa campus 1 siya.

Biglang umungol si Linville kaya napatingin ako rito. Mukhang nagigising na ang prinsipe. Humikab ito na parang sanggol at itinaas pa talaga ang kamay niya. Kinusot nito ang mata saka nagmulat.

Kumunot pa ang noo nito na parang nagtataka kung sino ako pero agad rin natauhan ng maalala ang nangyari.

Tahimik ito at parang nahihiya pa. He cleared his throat. "I will join your gang." He said.

"What makes you change your decision?" I asked him. Baka kasi napipilitan lang siya, I need him because he is skilled but then I can't force him if it is the scars of the his past. If joinng my gang made him open the wound of his heart that is already healing, I can't let him join.

"I want to avenge my brother. I know that the one who killed my brother will join Battle Royal." Saad nito sa akin. It's reasonable yet risky for him. He needs to control his emotion before that, I can teach him. We can help him overcome that.

"You are one of the emperors now, you now a family expect Leviste's protection." I smiled a little to him before standing and offering my hand to him. Tinanggap naman nito ang kamay ko at saka ko ito hinigit patayo.

"Thank you." He smile weakly. He looks like my little brother that needs protection, but the fact he is older than me. Nonetheless, I already promised myself to protect my emperors no matter what happen. My emperors first before myself. 

"Now, pack your things." I told him. Mukhang nagululuhan ito sa sinabi ko. "Why?" He asked.

"We are going to VHC 1. I am transferring you there." I told him. Nanlaki naman ang mata nito. Ang Campus 1 ang pinakamalaki at pinakamain ng VH. Ito ang pinakamaganda sa lahat. May mga qualifications ang VH para makapasok sa Campus 1. Yung iba sadyang hindi pasok sa classifications pero yung iba sinadyang sa ibang Campus mapunta. Linville's records aren't that clean kaya hindi siya pasok sa VHC 1.

Nakarating na kami sa dorm niya. He is an Midena huh? Iniwan ko muna siya doon dahil hahanapin ko pa si Sheol.

Hindi pa ako nakakalimang minuto sa paglalakad ay nakita ko na itong may kaakbay na babae. What the fck?

"Insan, Nandyan ka pala!" Agad nitong iwinaksi ang pagkakaakbay sa babae. Pero lumingkis ang babae sa kanya at tinaasan pa ako ng kilay.

"Sheol, stop what you two are doing or or the bullets of my pistol will bury in your head right now." Agad naman nitong pinalayo ang babae sa kanya. Tsk, I can't bear to have a cousin-in-law like that.

Naglakad ito ng mabagal papunta sa akin kaya piningot ko ang tenga nito.

"Hindi na kita isasama sa susunod." Galit kong tugon dito.

"Hala! Pinsan sorry na!" Niyakap pa ako nito pero tinutukan ko lang ito ng baril kaya lumayo ito sa akin at sumimangot. Nanatili itong tahimik ng halos sampung minuto. Nakapout ito at mukhang nagtatampo. Lihim akong napangiti.  My cousin is really adorable.

Magsasalita pa ulit sana ito ng makita ko si Linville na palinga-linga at parang may hinahanap. Kumaway ako dito kaya ako nakita nito.

Ngumiti ito ng malawak hila hila ang kayang maleta at lumapit sa amin ni Sheol.

Nagliwanag naman ang mukha ni Sheol ata saka ngumiti ng malapad.

"Sa wakas may kasama na akong tututukan ng baril ni Insan." Muntikan na akong mapatawa dahil sa sinabi nito.

"Sheol Hades Wilson pre! One of the emperors, nice to meet you!" Magiliw na bati nito.

Ngumiti naman ng tipid si Linville or should I call him Jihann now? "Jihann Dagger Linville bro. Nasaan yung ibang emperors?" Tanong nito kay Sheol.

"Huh? Anong sinasabi mo? Tayo palang dalawa. Hinahunting pa ni Insan yung iba." Sabi ni Sheol. Nagulat naman ni Jihann.

"You will be completed soon. For now let's go. Aabutin tayo ng gabi." Nauna na akong maglakad palabas. Naririnig ko ang boses ng dalawa sa likod. Puro babae ang pinag-uusapan. Napairap nalang ako.

Nauna akong makarating sa sasakyan.  Mayroong sulat. Katulad ng sulat na nakita ko sa kwarto ko noon. Agad ko itong kinuha at itinago sa bulsa ko. They can't see this. Especially Sheol.

Ilang sandali pa ay dumating na ang dalawa. Tinulungan ni Sheol si Jihann na isakay ang bagahe sa kotse.

"Don't you fckin leave a scratch, Sheol." Banta ko dito kaya tumawa ito at bumulong kay Jihann. Napakunot ang noo ko. Hari talaga ng katsimisan ang pinsan ko. Tsk.

Binalewa ko nalang ang dalawa at saka sumakay sa kotse. "You drive." I told Sheol, pahagis kong binigay ang susi at saka sumakay sa likod. Aangal pa sana si Sheol pero nilagay ko na earphones ko kaya wala na itong nagawa. Sumakay si Jihann sa unahan kaya ako lang mag-isa sa likod.

Pinatakbo ni Sheol ang Bugatti ko kaya nilipad ng hangin ang buhok ko. Tumingin ako sa mga puno na hindi ko naenjoy tingnan kanina saka ko kinuha ang camera ko sa may compartment sa gilid at nagsimulang kumuha ng pictures. I love photography so much.

Tinitigan ko ang mga kuha ko sa puno.

That man that keeps appearing. I can't take his face out of my mind.
-------
Sa tingin niyo sino yung lalaki?

#VenomousHighWP or #VenomousWP

Use this hashtags to tweet your reactions about the story! I'll be checking your tweets! <3 Thank you for reading!

twitter: @nadineebautista
instagram: @nadineebautista
facebook: nadine bautista

VenomousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon