Chapter 17

12.1K 273 3
                                    

Chapter 17

ZCHYNEIL

Gamit ang kutsilyo ay hiniwa nito ang laylayan ng blouse ko kaya ang walang button na uniform ng campus one ay parang naging cardigan ko. Kitang kita ang kabuoan ang Sports Bra ko.

Kinuha nito ang kapirasong tela at saka ipinalpot sa bewang ko. "Mauubusan ka ng dugo." Nanghihinang bulong nito.

Hinubad niya ang coat niya at ibinalot sa akin. Hindi ako makagalaw. Ginulo nito ang buhok ko. "I can't hurt a girl." Bulong nito saka tuluyang napaluhod at nawalan ng malay.

Tulala pa rin ako kay Lennox. Tumingin ako kay Legan na ngayon ay wala na ring malay.

Bumalik ako sa reyalidad ng makita ko si Sheol na papalapit sa akin.

"Insan! Fck! May sugat ka na naman! Putangina. Papatayin ko si Legan." Pagmumura nito. Binalewala ko ito at tumingin sa mga estudyante.

"The rules will be implemented today." Humarap ako sa emperors.

"Bring him to the clinic, while him to our private jet. Welcome him when he wakes up. He is our new member." Turo ko sa dalawang lalaki.

Nanlabo ang paningin ko at pakiramdam ko ay matutumba na ako. Masyado akong nawalan ng dugo. Naramdaman ko nalang na bumagsak na ako sa isang bisig.

I opened my eyes pero masyadong malabo. Ang napansin ko lang ay ang mga pulang mata nito.

--------

Nagising ako sa sikat ng araw na tumatama sa mukha ko. Nagmulat ako at napagtanto kong nasa isang dorm ako. Teka, kaninong dorm ito?

Natingin ako sa pusa sa tabi ko. Pusa? Nagmeow ito at sumiksik sa kilikili ko kay napatawa ako. He's so cute.

Hinawakan ko ang baba nito at hinaplos ang ulo nito. Mahilig ako sa pusa. I have a kitten named Snow. She's white as snow. Mamaya ay tatawagan ko si Xos na dalhin yon sa academy.

Napatingin ako sa kwartong pinagdalhan sa akin. Kay Sheol bang kwarto ito?

Malinis at halos puti at itim lang ang makikita mo. May tatlo itong computer. Naiwan itong nakabukas at puro computer games ang naririto.

Mayroon itong bahay ng pusa. Wait, hindi naman mahilig sa pusa sa Sheol e. May allergy nga iyon sa pusa. Tatayo na sana ako ng kumirot ang sugat sa tagiliran ko. Fck.

Ilang araw na naman ba akong nakatulog? Maya-maya ay kumulo ang tiyan ko. Nagugutom na ako.

Kahit masakit ay pinilit kong tumayo. Nagugutom ako e.

Binuksan ko ang pinto at napagtanto kong hindi ito dorm. Isa itong bahay. Tumingin ako sa labas at napansin kong malapit ito sa ilog na nagdudugtong sa campus ng 4,5,6,7 and 8.

Binalewala ko muna ang iniisip ko at tuluyan ng bumaba. Maski ang salas nito ay malinis at walang kadumi-dumi.

Saan ba ako dinala nina Sheol. Tsk.

Hinanap ko ang kusina, nakailang liko pa ako bago ito nahanap. May nakataklob dito at may kasamang note.

"Eat this when you are hungry." Basa ko dito. Tsk. Iniwan ata ako nina Sheol dito mag-isa. Masyado bang masama ang tama ni Lennox at Legan?

Dahil gutom ako ay kumain na ako ng mabilis. Ang sarap. Sino nagluto? Si Jihann ba? Pero hindi naman ganto ang lasa ng luto ni Jihann. Baka binili lang nila sa labas. Tsk. Bayaan mo na nga atleast tinirahan nila ako ng pagkain.

Sarap na sarap ako sa pagkain kaya nabulunan ako. Kaya hinagilap ko ang tubig sa ref at kumuha ng baso saka uminom. Pagkatapos kong uminom ay may nakita akong note sa pitsel.

"Don't rush, just eat slowly. Mabubulunan ka." Basa ko ulit dito. Napairap naman ako. How can they predict na mabubulunan ako.

Pinagpatuloy ko lang ang pagkain. May nahulog na kanin sa damit ko at ngayon ko lang napansin na nakasuot pala ako ng panlalaking hoodie.

Malaki ito at hanggang tuhod. Nakasuot naman ako ng boxer na kukay black. I looked like freakin' hanger wearing this hoodie.

Tinapos ko na ang pagkain at saka nilagay sa lababo ang hugasin. Nagpunta akong sala pero bago iyon ay dumaan muna ako sa salamin.

Naghihilom na ang peklat ng pagkakahiwa sa akin ni Ceruenn. Hinawakan ko ang buhok kong maikli. Tsk. Sayang yung buhok kong pinahaba ko ng sobra.

May naaninag akong yellow sa taas kaya napatingin ako roon. Isa na namang sticky note.

"Don't be silly okay? Just rest. I will be back later. Take care of Zeus for me. By the way, short hair suits you well." Basa ko dito. What the hell? Who is this? Jihann? Sheol? Ceruenn? Jiquenn? Or Glhiere? And who is Zeus?

"Zeus, Zeus. Where do I heard that?" I muttered to myself.

"Meow." May naramdaman akong kumikiskis sa paa ko kaya binuhat ko ito.

"Hi baby." I giggled. Wala naman nakakakita sa akin e. Kaya ayos lang.

Binuhat ko ito papuntang sala. Binuksan ko ang tv tutal wala naman akong magagawa dito kaya manonood nalang ako ng series.

Where is my phone by the way? Hinanap ko ito sa center table and I am right, It is there.

Binuksan ko ito dahil nakapower-off ito. Pagkabukas na pagkabukas ko palang ay may tumawag kaya ko ito sinagot.

"WHAT THE FCK! ZCHYNEIL YLEIXLANE LEVISTE! WHERE ON EARTH ARE YOU?" Narindi ako sa sigaw nito kaya nilayo ko ito sa tenga ko. What did he say?

"What?" Mahinahong sagot ko rito.

"I SAID WHERE THE FCK ARE YOU?" Sheol asked.

"Diba dapat ako nagtatanong niyan? Nasaan ba ako kaninong bahay ito?" Tanong ko sa kanila. Anong bang sinasabi nila.

"You are missing for 2 fcking days, Zchy." Si Jihann naman ang nagsalita ngayon. "I am now trackin' you" Base sa boses ay si Ceruenn naman iyon.

"If this is not your house then..."Humina ang boses ko ng magpantanto ang nangyari. Those red eyes. The cat. The name Zeus.

"Hello, Zchy are you there?" Binaba kk na ang tawag.

"It's mine." May naramadaman akong mainit na hininga na bumulong sa tenga ko.

Napaharap ako rito kaya nagpantay ang mukha namin. Halos maduling ako sa lapit ng mukha namin sa isa't isa. Pula ang mga mata nito at nakangiti sa akin.

Para akong hinigop ng mga mata nito. His eyelashes and eyes are beautiful. Those proud nose and red lips.

"I am Inferno Xzavien Sullivan. Nice meeting you, my lady."

-------
Inferno Xzavien Sullivan

(Inferno Sabyen Suliban)

#VenomousHighWP or #VenomousWP

Use this hashtags to tweet your reactions about the story! I'll be checking your tweets! <3 Thank you for reading!

twitter: @nadineebautista
instagram: @nadineebautista
facebook: nadine bautista

VenomousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon