Boardmate

374 5 1
                                    


Nangyari to nung lumuwas ako ng Pasay. Mula Lucena kinailangan kong lumipat sa isang boarding house na malapit sa MOA kasi natanggap ako sa isang call center doon. Nakakita ako ng mura sa gawing Malibay, Pasay. Ako yung una at nag iisang boarder kasi kakagawa lang daw. Siguro nga kasi bagong pintura pa, pati yung mga kutson mga nakabalot pa. Akala ko naka-jackpot ako kasi sobrang laki at mura nung room pero totoo pala na madami ang namamatay sa maling akala.....

Biyernes ng hapon nung mailipat ko ang lahat ng mga gamit ko so nung gabi dun na ko natulog. Nagising ako mga bandang 3:30am kasi may parang nagbubukas ng pinto kaya sinilip ko sa bintana. Nasa 2nd floor yung kwarto kaya masisilip sa bintana yung mga umaakyat sa hagdan at magbubukas ng pinto.

Babae. Mukhang bagong boarder kasi may susi sya ng pinto.
Pumasok yung babae kaya bumangon na ko. Kunwari kukuha ko ng tubig.

""Hello! Bago ka?""

Tumango lang sya sabay humiga dun sa isang double deck na bakante. Sa isip ko baka bukas pa lang to maglilipat kasi wala pa syang mga gamit. Humiga na ko ulit. Pagtingin ko sa babae nakaderetso na ng higa at nakapikit na kaya natulog na din ako.

Nung umaga nagising ako na wala na yung babae. Pagkauwi ko galing sa trabaho nung gabi nakatulog ako agad hanggang sa magising ako. Tiningnan ko yung oras, 3:30 am pa lang ulit pero may nagbubukas na naman ng pinto. Sinilip ko kung sino, yung babae pala ulit. Humiga ulit yung babae tapos pumikit agad pero wala pa rin syang gamit. Baka call center agent din kaya ganun umuwi.

8am na nung nagising ako kasi may nagbukas ng pinto. Pumasok yung may ari ng boarding house. Sinabi nya na bukas daw tatlo na kami dito. May dalawang kumuha daw dun sa bakanteng double deck. Inayos nya yung higaan na tinutulugan nung babae kaya sabi ko...

""Ay, ate dyan po nakapwesto yung isang boarder. ""

Nagulat yung matanda tapos sabi nya...

""Ngayon ko pa lang nakausap yung magpinsan eh. Bukas pa sila makakalipat kasi magpapaduplicate pa ko ng susi nila. Sinong boarder?""

Kinilabutan ako at naiyak sa takot. Naikwento ko sa may ari yung nangyari. Sabi nya anak daw nya yun na namatay last year. Computer shop daw yun dati ng anak nya pero nagsara na nung namatay. Namatay daw habang natutulog. Madaling araw nagsasara ng shop yung anak nya pagkatapos matutulog na sa folding bed na nakapwesto dati dun mismo sa hinihigaan nung babaeng nakita ko.

Nakiusap ako sa may ari na lilipat na lang ako kasi mamamatay ako sa takot dun. Mabuti na lang isinoli sakin yung bayad ko sa bahay. Nung araw na yun naghanap ako agad ng malilipatan at sinigurado ko na, na buhay yung mga kasama kong matutulog. Ang payo ko sa inyo mag background check kayo ng lilipatan nyong bahay. Baka patay na pala yung kasama nyong matulog hindi nyo pa alam.

-Ms. GMV
(c)Spookify

Wattpad Horror ConfessionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon