Tawag galing sa ibang mundo

333 1 0
                                    

May isshare lang po ako, nangyari po to nung May 13.

Ganito po kase yun, Namatay po yung tito ko nung May 13, 2014. Hindi po nabigyang hustisya ang pagkamatay nya dahil hanggang ngayon, di pa alam kung sino yung killer. Kung itatanong nyo kung ano ang nangyare sa kanya, pinasok po ng mga magnanakaw ang bahay nya at walang awang pinatay at pinaghiwa-hiwalay ang mga parte ng katawan nya. Binalita po yun sa TV nung mga panahong un. Mag isa lang po sa buhay si tito nun. May kaya sya at may ilang ari arian din. Pero after 3 years, hindi pa din malinaw kung sino ang nanloob sa kanya dahil gabi nung mangyare yun at ni isa sa mga kapitbahay nya walang alam na patay na pala ang tito ko. Walang nakawitness kaya nahirap kami sa kasong yun. Kaya makalipas ang mga taon, masakit pa din para samin.

So nung May, kamatayan nung tito ko. May tumawag samin na isang malayong kamag anak. Kausap ito ni mama at halos manginig sya nung pagkababa nya ng cellphone. Pati kami ng mga tita ko ay natakot sa naging reaksyon ni mama.

Tita: Sino daw?
Mama: *medyo nauutal pa sya nun* SI KUYA.
Tita: Ano nangyare? Sino yun?
Mama: Tinawagan daw ni kuya sila Apong Merlie.

Hindi alam ng mga kapitbahay namin dun na patay na ang tito ko. Kaya nung sabihin ni mama yon ay nagulat din sila. Ang sabi pa daw sakanila ni tito ay ""Dalawin nyo naman ako dito"" na may masayang tinig. Nun namin naalala na kamatayan nga pala ng tito ko nung araw na un. Madalang lang naman kase kaming pumunta sa sementeryo, kung undas lang o birthday ng mga mahal namin sa buhay.

At kung sasabihin nyo po na baka nagloloko lang yung tumawag na number na un, un po yung talagang cp number ng tito ko. Isa po yung pinakapaboritong cellphone nya na sinama dun sa hukay. Yun lang ang tinira ng mga magnaknakaw nung gabing yun dahil nakatago yun sa ilalim ng kama nya.

-Keyann
(c)Spookify

Wattpad Horror ConfessionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon