Aswang

87 0 0
                                    


Hi po admin,sana mapost story ko silent reader po ako sa group pero siempre may tinatago rin po akong isang kababalaghan na nangyari sa aking buhay,so yon na nga sa totoo lang hindi lang sa akin kundi pati na rin sa nanay ko,so uumpisahan ko na admin tubong pangasinan si papa si mama bacolod pero sa ngayon andito kmi sa baguio nakatira sa madalas bonding namin nila mama at papa ang kuwentohan ng katatakotan sabay gulatan ganon kami eh,kuwento ni mama madalas eh mga aswang at engkanto sa probinsya nila na kung harapharapan daw kong magpakita pero kami namn tong mga techy eh siempre d naniniwala sa panahon ba nmn ngaun na lahat eh puro high tech na uso pa ba yon?
Hanggang taong 2015 nang magbakasyon kami sa bacolod malayo ang biyahe almost 2 days ang biyahe sa barko pero worth it nmn kasi ang ganda ng lugar,unang gabi nmin eh maayos naman,tuwing gabi bilin ng lolo namin na maaga uuwi galing sa batis,isang gabi naabutan kami ng gabi sa batis sa sobrang saya d namin namalayan ang oras kasama ko non si jr(kapatid ko) at ung pinsan namin na lalaki so nagmamadali kmi non umuwi dahil sa bilin ni lolo,sa lugar na yon eh kailangan pa nmin dumaan sa tubuhan kung saan sila naggagapas ng mga tubo nang may mapansin akong kakaibang anino sa gilid ng punong mangga tinanong ko ung pinsan ko kung ano iyon pero sa d masabing dahilan bigla na lang pinagpawisan at para bang natatakot sia na nanginginig ung buo niang katawan sabagy sabi bilisan na lang natin ang paglakakad palayo na kami non nang mapansin kong wala na ung anino pero iba na ung pakiramdam namin na para bang nakasunod lang to sa likod namin palapit na kami non sa bahay nang biglang sumigaw si anton (pinsan ko) Tang!Tang! Nasundan nila kami ! Pasigaw na sabi nia sa bisaya,Sa lagay na un napamura ung Lolo ko,at para bang takot na takot sila kahit si mama nagalit sabay sabi diba sabi ko umuwi kayo bago lumubog ang araw,takot na takot kami noon sa mukha pa lang nila eh halatang d biro ang mangyayari,
Lumabas noon si lolo may dalang buntot ng pagi at asin ginuhitan nia ng pabilog na hugis ang buong bahay gamit ung buntot sa harap ng pinto gumuhit sia ng bituing hugis sabay saboy ng asin doon ko nakita noon ang aswang,tatlong asong nanlilisik ang mata at naglalaway ang lumabas sa likod ng acacia dinasalan sila ni lolo tumagal ang pagdadasal ng mga 15 minutes bago umalis ang mga ito pagpasok sa loob eh bigla kaming pinaligo ng langis na walang amoy sabay sabi masuwerte pa rin kami at nakauwi kami bago pa nila kami nabiktima takot na takot ako noon,sabi ni lolo pinagmamasdan daw kami nang naliligo pa kami sa batis at sinusundan, ung oras na un d ako nakatulog magdamag d ko maimagine ang nakita ko takot na takot ako noon sabi ni lolo sa amin hindi sa lahat ng oras masuwerte raw ang mga tao dito kung di maabutan, masuwerte pa rin kami at nakaligtas kami,

Don ako naniwala kay mama na totoo pala ang aswang kahit sa modernong panahon eh nageexist sila sa mga liblib na lugar,hanggang pagalis nmin non tulala pa rin ako sa nangyari d makapaniwala at takot pa rin,d ko malilimutan ang moment na yun dahil tumatak na sa isip ko,

Nakauwi na kami noon sa baguio at tuwing nagkukuwento nang ganun si mana eh umaalis ako d kasi ganun kadali makalimot sa lugar nila at kung anong experience ko,

TanTan
Bacolod
(C) Spookify

Wattpad Horror ConfessionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon