My Lola

140 0 0
                                    


Nangyari to nung 4 years old ako (2002) kwento lang sakin ni mama at tita ko.

Nung una ayaw na ayaw ako ng lola ko . Hindi ko alam pero hindi palang ako pinapanganak galit na galit na siya sakin at kay mama. Nung nanganak na si mama , tuwang tuwa si lola ko . Siya na nag-alaga sakin since bata pa ko . Kaso nagkasakit si lola ko , nag isip bata siya . Minsan nga kapag nakakakita siya sakin ng candy nainggit sakin bakit siya daw hindi siya binilan ni tatay (lolo ko asawa ni lola) nakasanayan ko na kasing tatay tawag ko . Base sa kwento ni mama , hindi raw alam ng doktor kung anu sakit ni lola . Nung pinaalbularyo nman daw sabi ng nagaalbularyo na kinulam daw si lola . Hindi daw kaya ng albularyong gamutin dahil mas malakas daw yung nagkulam sa kanya. Akala ko kathang isip lang din yung kulam totoo pala. Hindi na nakaya ni lola kaya namatay na din siya.

Kasarapan nang tulog nila mama nun nang lumabas ako ng bahay. Akala daw nila umihi lang ako . Tinanung ni tita si mama kung nasan ako . Sagot naman ni mama nasa labas ako. Tapos yun, lumabas si tita para icheck ako . Nakita niya ko nakaupo sa labas ng gate habang may hinihintay. Tinanong ako ni tita kung anong ginagawa ko dun. Eto sagot ko "" Hinintay si lola , sabi niya hintay ko sya dito at bibili siya ng puto. Sabi ko pa nga sama ako pero sabi nya antay ko sya dito"" kinilabutan na sila tita . Hinila nya ko papasok sa loob . Tapos ako umiiyak pilit sinasabi na hintayin ko si lola. Sumagot si tita sabi nya patay na nga daw si lola kung anu ano pa daw pinagsasabi ko . One time lang nangyari yun hindi na naulit. Sabi ni mama baka daw namiss lang ako ni lola madalas daw kasi akong bilan nun ng puto . Buti raw hindi ako sinama nun.

Hay! Awa ng diyos , sa tuwing naiisip ko yun mabait pa rin si lola kahit nasa kabilang buhay na kahit ako yung favorite nyang apo hindi nya ko sinama.

-Zyerine Pangasinan
(c)Spookify

Wattpad Horror ConfessionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon