Lola

130 0 0
                                    


"Ang kwentong 'to ay nangyari sa province namin sa Bohol.
Way back 2012 noong namatay yung lola namin, Yung lola namin ay sobrang strikta, kahit na makabasag lang kami ng pinggan, pinapaluhod na agad kami sa sahig na may tansan. Ganito yun, March 22, 2012 namatay yung lola namin. So kaming mga kamag-anak niya ay pumunta dun sa Bohol (Cebu talaga yung Hometown ko.)

Diba 'pag Probinsya sure akong marami ng kakabalaghan na nangyayari? Pero iba 'to. March 23, nag blackout sa Barangay namin kaya madilim. May apat na taong gulang akong pinsan na sinasabi nilang nakakakita daw ng mga multo. Hindi ako naniwala dun. Kaya napagkasunduan namin ng Cousins ko na takutin siya. Binuhat ko siya at pinatingin sa kabaong ng lola ko, tinanong siya ng isa kong Pinsan kung ano yung nakikita niya at ito ang sagot niya ""WALA,"" Tinignan naming magpinsan yung kabaong ng lola namin pero andun naman siya. Kaya tinanong ulit namin siya pero ito yung naging sagot niya. ""Andun siya sa labas oh! Sa paboritong Punong Mangga niya. Tumitingin siya sa atin."" nagsitayuan yung mga balahibo namin, nung una ayaw naming paniwalaan pero nung tinignan ko ulit yung kabaong ng lola ko eh, Nakabukas na yung mga mata niya, yung paboritong pusa niyang itim eh nasa ibabaw ng kabaong niya. Ewan ko pero para akong nahilo nun kaya nahimatay ako at kinabukasan na nung nagising ako.


-B.C. Bohol
(c)Spookify

Wattpad Horror ConfessionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon