To all admins of spookify thank you! slightsmile emoticon nakatulong sakin tung page nyo.
Dummy account gamit ko para ma-share ko own-story ko, lam na po. To hide my identity. Basta babae ako. Sana ma-post or kahit mabasa nyo lang para di sayang effort
Sa mga di maniniwala. Wala akong paki buhay mo yan. ayoko maloko kaya di ko trip manloko. ganun lang para happy ang life!
Rekta na sa scary chapter ng buhay ko.
First encounter ko ng "multo" (oo multo totoo sila promise nakita ko mismo) nung 8years old ako. Di ko makalimutan. pagabi na un, nag-aagaw ang dilim at liwanag bibili lang dapat ako sa tindahan, tumatakbo ako noon sa daan ng maramdaman kong parang may kamay na humila ng paa ko. .so tumigil ako sa pagtakbo para tignan yung dinaanan ko , kaso wala namang kakaiba dun, tatakbo na dapat ulit ako kaso paglingon ko nakita yung itim na parang anino talaga pero nakatayo na parang tao at Alam Kong pareho Kong bata un nung panahong un (pag anino kasi yun, sa baba lang dapat sya, kaso nakatayo eh tapos wala namang ibang tao noon sa daan, ako lang, so dun ko na narealize na ibang nilalang na nakita ko)natulala ako noon, ewan ko kung ilang minutes, tapos takbo na ulit na parang wala akong nakita , di ako umiyak noon pero More than 3months bago nila ulit ako napapayag na bumili sa tindahan pag-gabi.(elementary days yan) (nung nakwento ko kay mama yung nakita ko, ang sabi nya baka yun daw yung inilibing dun na pinalaglag na bata nung kapit-bahay namin)
Highschool days(darkest nights ko)
Maaral ako noon kaya naging consistent top1 ako sa section namin. 1st to 4thyear. nasobrahan daw ako sa pag-aaral kaya sabi nilang medyo nababaliw na ako (medyo lang naman) pero Hindi kasi nila Alam pinagdadaanan ko nung mga panahong yun. Ganito kasi yun, 2nd year highschool ako namatay kuya ko sa harap ko mismo (may malubhang sakit kailangang operahan kaso million gagastusin, wala kaming ganung pera).iyak ako ng iyak syempre namatayan. Hanggang nailibing na. After ilang days napanaginipan ko sya may hinihinging kung anu-ano, sinabi ko sa mama ko napanaginipan ko then binibigay naman thru (atang) "alay sa patay".fastforward Back to normal na lahat sa family namin pero ako di nabalik sa normal noon, doon na nagsmula naging ganito routine ko SCHOOL-BAHAY TAPOS PAG NATULOG MANANAGINIP NG NAKAKATAKOT.. Gabi-gabi na kakaiba na napapanaginipan ko.. Gaya ng kinakausap ako ng mga patay naming kamag-anak sa panaginip ko. Yung history ng family namin na mismong mama ko Hindi nya Alam . ako nalalaman ko dahil sa panaginip ko. Sa panaginip ko kinakausap ako ng apat na matandang babae, naka white na damit sila, naalala ko may apat din na lamparang may sindi sa panaginip ko (pero di ko alam kung para saan yun) di ko sila kilala pero nagsusumbong sila sakin na kesyo matagal na daw silang patay pero di sila matahimik kasi ginugulo daw sila ng isa pang matandang babae. Tapos Lola ko daw yung isa sa apat na nakawhite (mama daw sya ng papa ko, di ko Alam itsura ng Lola ko kasi di pa ako naisilang patay na sya. wala ring kahit anong picture , same Kay papa ko di ko Alam itsura nya kasi 1year old daw ako nung mamatay sya, may kaisa-isang picture na naitago si mama ko kaso picture pa nung nasa kabaong na, natangay daw kasi noon ng baha mga gamit dito sa bahay) balik sa topic, so yun nga ginugulo daw sila ng isa pang babaeng matanda. Pag gising ko kinuwento ko sa mama ko at mga kapatid ko yung napanaginipan ko at napag-alaman Kong apat ngang babaeng magkakapatid sila Lola ko. Grabe lang kasi yung akala Ko at paniniwala ko na gawa ng imagination nating mga tao ang panaginip.bakit iba sakin, kasi yung panaginip ko connected naman sa reality. Sumunod na araw school-bahay panaginip ulit sa gabi. Believe it or not yung panaginip ko nung nakaraang araw karugtong naman ng panaginip ko that night. Ganito yun, side story nung isang babae (yung babaeng nanggugulo sa apat na magkakapatid, yung apat na mga lola ko pala) nakita ko sa panaginip ko na hinahabol nya yung apat na Lola ko, kanya-kanyang tago sila lola ko natatakot silang apat kasi mangkukulam daw yung isang babae nung nabubuhay pa yun. Tapos sabi nung matadang babae na humahabol sakanila "kung nung nabubuhay pa tayo di nyo ako tinanggap dito ko kayo Hindi papatahimikin". Ramdam ko sa panaginip ko yung galit nya. Oh diba hanep yung panaginip ko! Parang drama series .imagination ko ang limit. Kinuwento ko ulit sa family ko then daming conclusions, daming ek-ek . conclusion ko nalang sasabihin ko " baka kapatid sa labas nila Lola yung isa"Baka lang naman EWAN di ko na rin inalam pa. Dami pang sumbong sa panaginip ko issue sa lupa ganern pero di ko na pinansin focus sa pag-aaral eh. Nasanay na rin ako sa mga panaginip ko. May panaginip pa ako na sa isang kwarto dito sa bahay namin (kwarto ni ate ko) kinausap ako nung white lady na marami daw nakabaon na ginto doon binabantayan daw nila, marami daw silang iba't-ibang nilalang na nagbabantay sa mga gintong yun pero yung white lady lang kumausap sakin sa panaginip ko (baka spokesperson o spokesghost nila slightgrin emoticon)
Hukayain ko na daw sabi nya, tinuro nya sakin kung paanong paraan na hukayin matagal daw nila akong hinintay kasi ako lang daw makakaintindi sakanila tapos kung sinundan ko paraan na tinuro nya sa paghukay nung mga ginto yun na rin daw daanan nila palabas. ....
Kwento ko ulit sa family ko yung panaginip ko pagkagising ko .sorry nalang sa white lady kasi hindi kami interesado sa gold nya napaka demanding pa, daming alam, eh alam din naman namin na buhay ang kapalit sa mga gintong yun. Like duh! Don't us!!
3rd year highschool (start of my sleep paralysis)
lumala mga nangyayari sakin
maliban sa ibang klaseng panaginip nakararanas narin ako ng sleep paralysis, first time ko maexperience, malapit na ako makatulog nun pero gising pa isip ko may bumulong sa left ear ko, di ko maintindindihan at di ko mapaliwanag kung anong klaseng boses yun pero basta nakakakilabot sya. Yung Boses nya parang pumasok sa left ear ko then kumalat sa katawan ko tapos di na ako makagalaw nagdadasal ako sa isip ko noon, nakakatakot kasi iba na .alam to lahat ng nakaranas ng sleep paralysis kung gano kahirap at kung gano nakakatakot,sobra. Yung alam mong nananaginip ka gusto mong gumalaw at sumigaw pero di mo magawa , Ewan ko kung ako lang pero pagkakaalam ko kasi during sleep paralysis pag di ko nalabanan or di ako nakagalaw noon or magising is mamamatay ako ganung feeling. Katabi ko pa mama ko nung first time mangyari sakin yun sa isip ko nun habang nagdadasal ako sana kahit makalabit man lang ako ni mama ko na katabi ko. Pero thank God dumaan noon sa Tiyan ko si chucky(pusa ko) at nagising ako tapos pag gising ko takot na ako matulog ulit. Ilang months na lagi ako na sleep paralysis ...hanggang dito nalang muna kung mapost to mageeffort akong ikwento kung pano ko nalampasan lahat ng to at kung pano ako nagamot nung albularyo.
-EndCredits: Spookify
BINABASA MO ANG
Wattpad Horror Confessions
HorrorCredits to the owner of these true to life horror experiences. Pwede po kayong mag PM ng mga experiences nyo para ma publish ko po rito