Hindi bukas ang aking 3rd eye. Pero naririnig ko ang ibang nilalang sa aking paligid. Ako din ay naniniwala sa Illuminati. Makadiyos ako. Pero may side sa utak ko na hindi naniniwala. May mga bagay kasi akong natuklasan mula nung namulat ang isipan ko sa mga bagay na connected sa anti-Christ. 50/50 kumbaga ang laman ng isip ko. Ang di ko lang pinaniniwalaan dati ay may ibang nilalang tayo nakakasalamuha sa ating paligid. Pero nagbago lahat iyon nung nangyari sakin ang mga bagay na to.Nangyari eto last year lang. 2015 mga bandang November na nun. Nung mga panahong bumabagyo. Walang kuryente at kasalukuyan kaming naglilinis ng bahay dahil bumaha.
Hapon na nun. Ako lang at si Paulyn (pinsan ko) ang nasa bahay. Katatapos lang namin maglinis. Tapos na kong maligo. Kaya nahiga ako. Di ko namalayan ay nakatulog na pala ako.
Dun na nagsimula yung di ko maipaliwanag. Nagising ako na nakahiga ako sa damuhan. May lumapit sakin na tao. Di ko na maalala itsura niya. Pero I think isa siyang duwende. Kinakailangan daw naming tapusin ang isang misyon. Di ko alam kung anong pumasok sa isip ko at sumama naman ako sa kanya. Sa una masaya ang aming paglalakad. Pero habang tumatagal ay humihirap ang mga kailangan namin tawirin. Para bang may mga obstacles kami na kailangan malampasan. May mga puzzles din na kailangan akong lutasin.
Hanggang doon lang ang naalala ko. Matapos nun ay nagising ako. Pero di ako makapagsalita. Tila ba wala ang diwa ko. Pero gising ang katawan ko. Nakakarinig ako. So lumakad na kami paalis ng pinsan ko. Ang alam ko tahimik lang ang paglalakad namin pero nung kinwento sakin ng pinsan ko ang nangyari ay marami daw akong sinasabi. Naiiyak daw ako. At takot na takot. May sinasabi daw ako na may nagawa akong mali. At pagbabayaran ko iyon.Hanggang sa makarating na kami sa bahay ng lola namin. Dun na nanginig katawan ko. Di ko maigalaw. At yung nakikita kong mga galaw. Kahit yung orasan kapag tiningnan ko. Ang bilis ng takbo. Parang naka fast forward lahat ng pangyayari
Di ko pa rin maigalaw katawan ko. Pero alam ko na ang sinasabi ko nun. Ang sabi ko kina tita at lola. "Bakit ganun? Naka fast forward lahat?" Naiiyak na ako niyan. Sila naman ay nagtataka kung anong nangyayari sakin. Biglang nanlambot katawan ko. Yung paa ko dumeretso at nanigas. Bumigat din yung likod ko. At antok na antok ako. Pero naririnig ko silang nagsasalita.
Hanggang nawalan na naman ako ng malay. Pagmulat ng aking mata ay alam ko na agad na nasa isang kakahuyan ako. Puro puno at tuyong dahon lang ang nakikita ko. Nagsimula akong maglakad nung biglang nagbago ang buong paligid. Nagulat ako nun. Lumabas ang ibat ibang nilalang. Totoo silang lahat. Mga duwende. Lamang lupa. Mga engkanto. Diablo. Kapre. Basta napakarami nila.
May lumapit sakin na isang babaeng engkanto. Nalaman kong babae siya dahil sa bulaklak na nasa braso niya. Nagsalita siya. Pero iba yung binubuka ng bibig niya. Ang sabi niya sakin ay napadpad sila sa lugar na to dahil mula nung sinira ng tao ang mga tirahan nila. Di na nila alam kung saan sila lilipat. Sinubukan nila lumaban. At ang way nila para lumaban ay sila pala ang dahilan kung bakit may El Niño. Or mga bagyo. Mga kidlat na tumatama sa lupa. Mga nalulunod sa mga ilog. Lahat ng namamatay na konektado sa kalikasan ay sila ang may kagagawan.
Di naman daw nila gustong manakit ng tao. Noong unang panahon daw kasi ay masaya namang namumuhay ang tao at mga katulad nila. Pero tila naging ganid daw sa kapangyarihan ang tao. At di na kuntento sa simpleng pamumuhay. Kaya't kinailangan nilang burahin mula sa isipan ng mga tao ang tungkol sa kanila. Kaya nagkaroon sila ng sariling mundo kung saan tago at mapayapa sila. May mga ilang tao lang silang kinakausap. Eto yung mga taong di makikitid ang utak. At bukas ang kaisipan sa mga bagay bagay.
Dun ako napaisip at naalala ko na ang aking mama, tito at tita ko ay nung mga bata pa sila ay nagkaroon sila ng kanyang kanyang duwende. Sa mama ko ay lalaking duwende. Sa Tita ko ay batang lalaki naman. Sa tito ko ay itim na duwende. At yung sa tito ko lang ang alam kong may pangalan. Ito ay si Alibaba. Sumasapi ito sa tito ko kapag lasing na ito.
Yung kay mama naman ay tinuruan siya nitong gumawa ng halamang gamot. Pinagawan pa niya ito ng bahay. As in bahay na maliit talaga. Hanggang ngayon nga ay nandito pa din ang bahay na yun. Nakasama ni mama ang mga duwende niya hanggang sa makabuo na ng pamilya ang duwende na yun at magkaroon na din ng asawa si mama. Di na daw nagpakita ang duwende na yun sa kanya mula nun.
Dun ko na napagtagpi tagpi lahat. Siguro nung umalis na ang duwende ng mama ay dun na nagsimulang humiwalay ang ibang nilalang sa mga tao. Nakakalungkot lang na di na natin sila nakakasalamuha. May ilan pa din namang tao na talagang nakakasama pa din nila ang kanilang duwende. O ano mang naging kaibigan nila. Tulad ko. Mula nung nangyari sakin iyon ay may naging kaibigan ako. Nakakabisita na din ako sa mundo nila. May ilang tao din akong nakikita na nasa loob nun. Sana ilan din sa inyong nagbabasa ang maging katulad ko. Masaya ang makasama sila. Wag tayong matakot. Dahil sabi ng mama ko sa akin, kung matatakot ka, di mo talaga sila makakasama. Huwag mong takutin ang sarili mo. Matakot ka sa tao at huwag sa kanila. Dahil kapwa tao lamang natin ang mapanakit at ganid. Malay mo, magkita tayo sa mundo nila 😀
P.S. Minsan nagbabalat kayo sila bilang mga bulaklak, puno, at hayop. Totoo lahat ng iyon. Lahat ng tsismis o mga kwentong bayan ay totoo. Nanggaling iyon sa mga taong nakapasok sa mundo nila at ikinuwento sa labas ang tungkol dito. Dahil doon ay isinasara ng mga nilalang ang pintuan nila para sa mga madadaldal ✌
-Spiderwick
(c)Spookify
BINABASA MO ANG
Wattpad Horror Confessions
HororCredits to the owner of these true to life horror experiences. Pwede po kayong mag PM ng mga experiences nyo para ma publish ko po rito