Sobrang tagal na po nitong nangyari 4 years old pa lang po ata ako non, 22 na po ako ngayon so I think year 2001 po ito nangyari.Sa Pinestra po kami nito nakatira sa may Tikling sa Rizal, doon po sa mismong nasunugan dati. So ang structure po ng bahay namin is ganito: sa taas po yung bahay namin sa baba may isang bahay tapos sa taas kami, parang apartment type, ganon po siya. Iisa lang rin po yung CR na ginagamit po doon sa amin, nasa baba po siya so kapag magsi-cr po kami kailangan pa namin bumaba.
Ito po yung story, maliit lang yung bahay namin non, pagbukas mo ng pinto kusina na agad tapos sala sa tabi, tapos kama, kita ko lahat yun kapag nasa pintuan ka. Kaming magkakapatid po is sa lapag natutulog habang yung parents ko po is sa kama, yung natatandaan ko lang pong nangyari ay nagising ako tapos pagtingin ko sa pinto may nakita akong (see picture attached) ganyan, kinakausap nila ako punta raw ako sa kanila. Ayon na lang po yung tanda ko sa nangyari pero ang sabi po sa akin ni Mama ginising raw sila ng kapitbahay namin (sila yung nakatira sa ibaba) mag-isa lang raw po ako saka may kausap. Ang sabi ko raw po sa kausap ko magpaalam muna ako kay Mama, ang kwento ko raw po sa kapitbahay ay niyayaya raw po ako ng mga nilalang na yun na sumama sa kanila. Kinuha po ako ng kapitbahay namin at dinala sa taas.
Madaling araw pa po yun kasi maaga nagiging yung kapitbahay namin at saka mabigat yung pinto namin, hindi ko po yun mabubukan kasi mabigat ang lock.
Hanggang ngayon iniisip ko pa rin paano kaya kung di ako nakita ni Ate? Baka nakita na lang nila ako ni Mama na nahulog sa hagdan pero ang totoo kinuha na pala ako or isa ako sa mga missing person hanggang ngayon.LunaticZ
BINABASA MO ANG
Wattpad Horror Confessions
HorrorCredits to the owner of these true to life horror experiences. Pwede po kayong mag PM ng mga experiences nyo para ma publish ko po rito