C.R.

319 1 0
                                    


Year 2013

Start na ng pre-internship namin sa hospital. But since wala masyadong pasyente, wala kaming ibang mapaglilibangan kundi kwentuhan lang...

Ala una ng madaling araw nun, nagstart na magkwento yung pinaka senior namin na lalaki. Malapit na din kasi yung convention na gaganapin sa Baguio, nagaganap yun every year. So may naaalala siya. Way back 2013 nung nasa Baguio sila, sa teachers camp, alam na nang lahat ang mga kuro-kuro o balita na meron nga daw mga nagpaparamdam dun. Pero para sa isang lalaki, parang ang hirap magpakita ng takot kapag ganun. First night nila sa teachers camp, alas otso ng gabi, lahat nagtipon- tipon muna sa main hall. Itong si kuya, naiihi na, nagdecide siya na bumalik sa mismong camp hall nila kung saan sila magsstay. Kinuha niya yung damit niya para diretso shower na siya.

Sa tapat ng living room, nandoon yung C.R. Pababa ang style niya, parang basement. Tapos may sampung cubicle sa loob. Nung pagpasok niya, narinig niya na bukas ang shower sa pinakadulo, to think na baka may tao dun, so dedma lang siya. Umihi muna siya tapos sa kalagitnaan ng pagkakilig niya, biglang namatay yung shower sa dulo. Nakaramdam na daw siya. Pinakikiramdaman niya kung bubukas ba yung pinto sa dulo kasi expected niya na tapos na maligo pero wala siyang narinig na pagbukas ng pinto. Kahit man lang kaluskos o kahit anong motibo na may buhay na tao dun wala. Medyo natatakot na daw siya nun pero di niya lang pinapahalata. Tapos na daw siya umihi pero di pa daw niya napapagpag yung... Alam niyo na. Pumikit lang siya at bigla daw may narinig siyang boses. Malaking boses. At may bumulong ng...

""Patayin natin sila ha?""

-crow
(c)Spookify

Wattpad Horror ConfessionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon