Ilog

131 0 0
                                    


Tanghaling tapat nun at nasa bahay lang akong mag isa. Nagfefacebook ako habang naka on yung T.V. Scroll lang ako ng scroll sa newsfeed ko, hanggang sa may narinig akong sigawan sa labas ng bahay.

"May batang nalulunod sa ilog!!" Paulit ulit na sigaw ng di ko pa makilalang boses..

Kinabahan ako bigla nang maalala ko na nagpaalam ang bunso kong kapatid na maliligo daw sya sa ilog. Tumakbo ako palabas ng bahay at nakita ko rin ang mga iba pang kapit bahay namin na nasa labas na rin at nagsisitakbuhan patungo sa ilog.

Nakahinga ako ng maluwag nang makita ko ang bunso kong kapatid na tumatakbo papalapit sakin. Nang makalapit na sya sakin, hinila ko yung kamay nya at nakisabay kami sa mga nagtatakbuhang kapit bahay namin na patungo sa ilog.

Nang marating namin ang ilog, puno na ito ng tao, batok dito, sisid doon.

"Sino yung nalulunod?" Tanong ko sa ading ko.
"Si Juville" sabi nya sa nanginginig na boses. Si juville ay isang 9 years old na bata.

Pinagmasdan lang namin ang mga sumisisid para hanapin ang katawan ni Juville. Malawak kasi ang ilog at malalim ito, naging kulay caramel na rin ang dating light green nitong tubig sa dami ng taong sumisisid para mahanap sya..

"Andito! Naapakan ko sya!" Sigaw ng isa sa mga naghahanap.

Inahon nya ito at bigla nyang nabitawan.

"Madulas sya!" Sigaw nya, may ilang lumapit doon para tulungan syang mabuhat ang katawan ni Juville..

Nang maiahon na sya, lumapit ako doon para makita ko ang katawan nya.

Nagtaka ako kasi.. Tila may kulay green na lumot na bumabalot sa buo nyang katawan. Kagat kagat din nya ang kanyang dila. Binigyan pa sya ng CPR ng kanyang tatay, baka sakaling maisalba pa ito pero wala na. Sinugod pa din ito ng hospital at nagbabakasakali ang pamilya ni Juville sa isang himala. Pero wala na talaga, iniuwi sya sa bahay nila na nasa kabaong na..

Kwento ng nanay nya samin, 6 liters daw na tubig ang nainom nya..
Nang hapon na iyon, pumunta kaming mga kaibigan ni Juville sa ilog. Nagtapon kami ng mga bulaklak sa tubig.

Makalipas ang 3 araw ng lamay...

Mag aalas tres nun at gising pa ko dahil sa pesteng facebook.
May narinig akong umiiyak at humihingi ng tulong. Kinilabutan ako dahil nanggagaling pala sa ilog yung boses ng bata (Malapit lang kasi yung bahay namin sa ilog). Sa sobrang takot ko, nagtalukbong na lang ako ng kumot at nag usad ng dasal hanggang sa makatulog ako. Kinabukasan kinwento ko yun sa mga kapitbahay namin. Narinig din pala nila yun.

"Diba kagat kagat ni Juville yung dila nya, edi ibig sabihin may susunod pang mamamatay" sabi ng isa sa matanda doon sa amin, si Lola Maria.

Kinilabutan na naman ako. Patay na naman?

Makalipas ang isang linggo (Nailibing na nun si Juville)...

Namatay ang asawa ni Lola Maria, inatake ito sa puso.

Nung araw na iyon, napag isip isip ko na totoo pala yun o maaaring coincidence lang.

-BayMax
(c)Spookify

Wattpad Horror ConfessionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon