Sleep Paralysis & Astral Projection

155 0 2
                                    


Lumaki ako sa isang religious na pamilya. Yung tipong di naniniwala ang parents ko sa ghosts pero sa demons oo. Nag iisa akong anak btw. Nung 5 yrs old ako lumipat kamedito sa Mindanao ni mama kasi gusto nya dito ako mag aral. Malaki ang bahay 2 palapag tas 4 rooms. Medyo di ako sanay kasi di naman kalakihan bahay namen sa paranaque noon. Nakaka ramdam ako ng kakaiba sa bahay pero nasanay din ako naglaon. Di naman ako matatakutin kasi di ako naniniwala sa multo.

Simula pa elementary days nakaka experience na ako ng Sleep paralysis lalo pag pagod ako. Nung nag highschool ako nagsimula na halos gabi gabi ko na na eexperience. Mas nagiging worst na kasi 3-5X per night na. Di ako masyadong makahinga, di ko maigalaw katawan ko pinipilit kung magsalita pero parang may nakadagan saken na tinatakpan bibig ko. Halos gabi gabi at nagigising ako ng exact 3am. Pro sabi nga 'the worst has yet to come'.

Isang gabi, March nun bday ng pinsan ko. Pumunta ako sa kanila ng ako lang mag isa busy kasi si mama. Pagkatapos ng celebration mga around 9pm uuwi na ako tas walang maghahatid sakin kasi yung ibang pinsan ko lasing na. Nag text na lang ako ke mama na sunduin ako sa bridge malapit sa bahay namen. Madilim tas walang street lights tas di naman ako takot sa multo pero takot ako sa adik. Nung nasa bridge nako ilaw lang ng mga sasakyan na napapadaan ang source of light tas cellphone ko. Nung may sasakyan na dumaan may nakita akong nakaitim na babae na nasa bridge akala ko si mama na kaya tumakbo ako papalapit tas sumigaw ng mama tas may sasakyan na namang dumaan nawala yung babae kaya sa takot ko tumakbo ako pauwi halos madapa nga ako sa dilim.

Fast forward 2 days after nun todo practice na kame para sa graduation. Graduating student ako that time. Sobrang pagod ko pag dating sa bahay dumiretso ako sa kwarto at nagbihis tas natulog. Di na ako nag hapunan. Around 11pm kumatok si papa sa kwarto ko tas nagtanong kung bakit daw ako tumawag sa kanya naka 3 calls daw ako. Sabi ko baka nadaganan ko lang phone ko tas chineck ko phone log ko di naman ako tumawag ke papa. Binaliwala ko nalang tas bumalik ako sa pag tulog.

First time na nangyari sakin nun na nag sleep paralysis ako tas bigla ko na lang nakita sarili kong natutulog. Yung Astral Projection na tawag nila. Lumabas kaluluwa sa katawan. Sa sobrang takot ko di ko na namalayan kung paano ako nakabalik. Kinaumagahan sasabihin ko sana kina mama ang nangyari pero naunahan ako ni papa ng tanong. """"Nak bat ka nagwawala sa kwarto mo kagabi? Bat ka umiiyak?"""" Sabi ni papa tas kumakatok daw sya sa kwarto ko pero ayaw ko daw mag bukas. So sinabi ko sa kanila ang lahat about sleep paralysis tas yung paglabas ng kaluluwa ko sa katawan ko. Pero di ako nagwala or umiyak.

Alam naman nila mama na nagkaka sleep paralysis ako. Explanation ni mama dahil daw yan sa mga demonyo tas pag di nag nag pepray bago matulog. After nun bago ako matulog sa gabi sinasamahan ako ni mama sa kwarto para mag dasal. Pero pag nakakalimutan ko magdasal lalo na pag wala si mama binabangungot pa din ako.

Ps. Nagka insomnia ako, hirap na ako matulog. Dahil din siguro sa takot na bangungutin na naman ako. Pero this time hinahanda ko sarili ko na mag astral projection ulit. May nabasa kasi akong pwede ka daw gumala pag nasa labas ng katawan mo ang kaluluwa mo. So looking forward "

-Zhyrenn Agusan del Sur. Mindanao
(c)Spookify

Wattpad Horror ConfessionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon