Merong isang bata dito sa dorm namin. Girl siya, sobrang cute tsaka mistisa. I think nasa 4 or 5 years old yung edad niya. Pag lipat ko sa dorm, nakita ko na kaagad siya sa gate namin. Naka smile pa nga siya sakin edi nginitian ko din. Sobrang cute niya kasi, tapos ang linis ng itsura. Halata mong anak mayaman. Tatlo kami sa dorm. Si lyka, charm tsaka ako. Mahilig kami magpuyat kasi nga minsan dahil sa thesis, assignments, projects tsaka kung may exam kailangan mag review ganun.. Tsaka tuwing sasapit ng 11pm, kumakatok sa pinto namin yung bata. Nakakalaro namin siya gabi gabi. Kahit minsan busy kami, hinahayaan lang namin sya maglaro sa isang sulok dun sa kwarto namin. Pinangalanan namin siyang cutie kasi nga sa sobrang cuuuute nya hahaha Pero pinagtataka namin, hindi siya nagsasalita. Pero tumatawa naman sya. Tapos kapag mga 2am na, hindi pa naman kami natutulog nun nagugulat na lang kami bigla na syang lalabas ng hindi nagpapaalam. Akala namin, baka anak lang nung landlady kaya hinahayaan na lang namin. Months past by, palaging ganun yung nangyayari. Isang araw, nagkaron ng activity sa school. So pagod kami tsaka wala namang masyadong mga assignments kasi foundation week nun. Nakatulog na agad mga classmate ko ng siguro mga 9. Pero ako nag bbrowse pa ng fb twitter hanggang sa inantok na din ako. Maya maya may kumatok. Yung bata. Oonga pala gusto nanaman nya makipaglaro.pagbukas ko pa lang, nakasmile siya samin dala nya bag pack nya na may mga toys.Non verbatim
Me: uuy, hello cutie. sorry ha, pagod na kasi kami eh. Pwede bukas na lang tayo maglaro? tulog na nga sila ate lyka and charm oh.
Girl: *from 😊 to 😔 real quick*
Me: wag ka na sad, makakalaro ka naman namin bukas eh. Kaya lang kasi matutulog na kami. Saan ba mama mo? Bakit kaya kasi pinapygan ka pa lumabas ng ganitong oras?
Girl: *biglang dinabog yung pinto tapos tumakbo palabas*
Syempre gulat na gulat ako nun kasi ngayon ko lang sya nakitang ganun. Baka nga siguro nagtampo. Bat kasi hindi binabantayan ng magulang nya yon? Hinabol ko sya sa labas pero ang bilis nya mawala. Eh yung corridor namin, mahaba lalakaran nun bago makarating sa hagdan. Bumalik na ko sa kwarto namin. Hinayaan ko na lang. Hanggang sa natulog na din akoMaya maya, may kumakatok nanaman! Bago ko buksan tinignan ko muna yung wall clock, 3am na. Natakot ako ng slight pero binuksan ko pa din yung pinto. Wala namang tao. Hinayaan ko na lang ulit. Hanggang sa kumatok nanaman. Natakot na talaga ako kaya di ko na binuksan. Nagtalukbong na lang ako ng kumot. Nakakatulog na ako nun, ng may kumalabog. Takot na takot na ko pero hindi ako bumangon. Tas may bumulong sakin... "Ayaw nyo ako, kalaro ha. Sige" tangina!!!!! Yung bata!!! Pagbangon ko wala naman siya kaya ginising ko na yung mga kasama ko kasi ang creepy na talaga. Tas kinwento ko yung nangyari. Takot na takot sila. Kaya tabi tabi kami natulog sa isang kama kahit ang sikip...
Kinabukasan, tinanong na namin sa guard yun.
Me: kuya, bakit hindi mo sinasaway yung batang nakikipaglaro samin twing gabi?
Guard: wala naman akong nakikita ah?
Me: katok kaya ng katok tuwing gabi samin tapos kapag hindi namin sya nakakalaro nagagalit.
Guard: nambubulabog nanaman (bumulong)
Me: ano???
Guard: pagbigyan nyo na lang sya mga iha, hindi naman talaga kasi bata yun. Kaluluwa na yun. Lagi talaga yun dito pero nasanay na ko. Sa una natakot ako.. Ilang oras nyo lang naman sya lalaruin eh satisfied na sya don. Tapos ipagpray nyo na din siya.Gulat na gulat kami tapos takot na takot kase all this time, hindi naman pala tao si cutie!!!! Grabe gustuhin man namin lumipat ng dorm, wag na lang kasi isang sem nalang ggraduate na kami eh. Tsaka mura lang rent dito. Hanggang sa gabi gabi nga lagi namin sya kalaro. Natatakot na kami pero pinagbibigyan na lang namin kesa naman lagi kaming takutin. ngayon nga habang tinatype ko to nakikita ko sya sa likod ng phone ko eh. Nakangiti. Alam nya yatang kinukwento ko sya sainyo.
-Anne Cortizz 2012 BSTM BSU
(c)University Secret Files
BINABASA MO ANG
Wattpad Horror Confessions
HorrorCredits to the owner of these true to life horror experiences. Pwede po kayong mag PM ng mga experiences nyo para ma publish ko po rito