This is the story of my twin classmates in Cavite State University. They are Martha and Maria. Martha gave me the permission and opportunity to put their story into texts. This story was made in honor of my late classmate, Maria. What you are about to read was told in Martha’s point of view.
“Ano ka ba, pag ang letter “V” ay nasa pagitan ng mga consonant ito ay binabasang letter “U” at pag ito naman ay nasa pagitan ng mga vowels o kaya naman ay sinusundan ng mga vowels, ito binabasang letter “V” - Maria
MORITVM TE SALVTAMVS EST DEXTRVMI CVRITE AVE VERSVS CRISTVS VERVM DE TREVI
VERMI EST REFLEXVM ARVM DRI TRIPVM DEXTRVMI LENTENVM AVE SATANI
Eto lamang ang huling ala-ala ng kakambal kong si Maria bago siya namatay...
September 12, 2002
Tandang-tanda ko ang araw na ito. Ito ang sumunod na araw matapos bombahin ng mga terorista ang twin tower sa US noong nakaraang taon ng 2001. Ito rin ang araw kung saan ko huling nakasama pauwi ng bahay ang kakambal kong si Maria.
Mga bandang alas-kwatro y medja na ng hapon. Nakasakay kami ng kambal kong si Maria ng bus pauwing Cavite City ng may nakita siyang isang lumang wallet ng lalaki sa lapag ng inuupuan naming bus. Medyo luma na ang wallet na ito; kulay itim at medyo laspag na. May isang litrato sa loob. Tama kami ng hinala, lalake nga ang may may-ari ng wallet. Medyo may kalumaan na ang litrato. Malutong na ang papel at black and white or should I say brown and white pa ang kulay ng litrato. Bukod sa litrato ay mayroon ding mga nakaipit na tarheta (calling card), papel na may sulat, reseta ng doktor, mga tickets sa bus at P78.
Wala naman talaga akong habol sa wallet maliban sa P78. Gusto ko sana ay paghatian naming magkapatid yung pera, pambili kahit man lamang ng burger. Ngunit iba si Maria. Sa aming magkapatid masasabi ko talagang mabait siya ng higit kaysa sa akin. Gusto niyang isauli namin ang wallet sa may-ari dahil baka mahalaga raw ito sa kanya dahil nga may resetang nakaipit sa loob. Noong mga oras na iyon gusto niyang ibigay na lamang sa driver ng bus ang wallet. Kaya naman agad-agad akong nag-isip ng paraan upang huwag na niyang magawa ang binabalak niyang pagsaoli ng wallet sa driver.
“Para!”
Kahit mga dalawang kanto pa ang layo ng bababaan namin ni Maria ay pinahinto ko na ang bus. Dahil sa hindi pa handa sa pagbaba ay nataranta si Maria dali-daling inayos ang mga bitbit niyang gamit at bumunot ng pamasahe namin sabay bayad sa driver.
“Eto pong bayad, dalawa galing Tanza.”
Matapos magbayad at masuklian ay bumaba na rin siya.
“Ano ka ba Martha, dalawang kanto pa ang layo ng bahay natin dito sa pinagparahan mo”
Biglang bumalik sa akin ang sisi. Medyo may kalayuan nga talaga ang pinagparahan ko ng bus. Medyo naiinis na natatawa sa akin si Maria, galing kasi kami sa dorm noon at marami kaming dalang maruruming damit kaya naman may kahirapan nga talaga ang maglakad ng malayo.
“Tricycle!”
Lumapit ang tricycle. Una akong sumakay at sumunod naman si Maria.
“Sa Novero po”
“Ano ka ba Martha, kulang na ang pera natin pangtricycle”
“Diba may napulot kang wallet? Eh di yung pera muna dun ang gamitin nating pambayad sa tricycle. Palitan nalang natin paghumingi tayo ng pera kina mama.”
. . . . . . . .
“Dyan lang po sa may gate na blue.”
Binayaran rin ni Maria ang driver ng tricycle gamit ang pera mula sa napulot niyang wallet.
“Ma, Pa nandito na po kami!”
Walang sumasagot. Walang tao sa bahay. Dumeretso ako sa kusina. Si Maria naman ay dumeretso sa kwarto namin. May sulat na iniwan si mama sa mesa sa kusina. Wala pala sina mama at papa, nagpunta sa Laguna para asikasuhin ang titulo ng lupa namin doon. Medyo nagkakagulo na rin kasi ang mga pamilya ni mama doon sa Laguna tungkol sa lupa namin nuong mga panahong iyon. Pumasok ako sa kwarto namin ni Maria. Nakita ko siyang nakadapa sa kama niya at tinitingnan kung ano ang mga laman ng wallet na napulot niya kanina.
“Maria nasa Laguna raw sina mama at papa para ayusin ang titulo ng lupa natin doon”
“Martha, halika rito, tingnan mo itong sulat na nakaipit sa wallet.”
“Ano yan?”
“Ewan ko, baka anting-anting”
“Latin yata yan eh.”
“Ewan”
Sinubukan kong basahin ang sulat ngunit talagang mahirap bigkasin. Biglang inagaw sa akin ni Maria ang sulat.
“Ano ka ba, pag ang letter “V” ay nasa pagitan ng mga consonant ito ay binabasang letter “U” at pag ito naman ay nasa pagitang ng ng mga vowels o kaya naman ay sinusundan ng mga vowels, ito binabasang letter “V”
“Asus! At saan mo naman natutunang magbasa ng Latin?”
“Basta alam ko yan”
“Sige nga.”
“MORITUM TE SALUTAMUS, EST DEXTRUMI CURITE, AVE VERSUS CRISTUS, VERUM DE TREVI, VERMI EST REFLEXUM, ARUM DRI TRIPUM, DEXTRUMI LENTENUM, AVE SATANI”
“Ang galing ah parang totoo, bahala ka nga sa buhay mo, kakain na ako”
“Martha anong miryenda?”
“Miryendahin mo’ng mukha mo!”
Pumunta ako ng kusina, binuksan ang refrigerator at naghanap ng maaaring kainin. Samantalang, si Maria naman ay hindi na lumabas ng kwarto namin. Mga bandang ala-sais kwarenta y sinco na nang bumalik ako sa kwarto namin.
“O, akala ko ba magmimiryenda ka?”
“Ayoko na. Bigla kasi akong nahilo pagtayo ko kanina kaya hindi nalang ako lumabas.”
“Nagugutom ka ba?”
“Hindi na, nalipasan na yata ako ng gutom”
Pagkasabing-pagkasabi ni Maria noon ay bigla siyang napaduwal. Kaya dali-dali siyang nagtungo sa banyo namin sa kwarto at sumuka sa lababo.
Makalipas ang ilang minuto...
“Mmm...arthaaa! Mmmrthaaa!”
Nanginginig na sigaw ni Maria. Parang may halong takot ang pagkakasigaw niya noon sa pangalan ko. Nataranta ako sa ginawang pagsigaw ni Maria. Napabalikwas ako sa pagkakaupo at napatakbo papuntang banyo.
Nakita ko siyang nakatungkod ang isang kamay sa lababo at ang isa ay hawak-hawak ang kanyang dibdib habang patuloy na nakatingin at umiiyak sa harap ng salamin.
“Baket?” “Anong nangyari?” “Maria napa-ano ka?”
Sunud-sunod kong tanong kay Maria. Hindi ko alam ang nangyari kay Maria sa loob ng banyo hanggang sa bigla na lamang akong natakot at kinabahan sa sumunod na nangyari...
Unti-unting napaluhod at umiyak si Maria. Patuloy ang kanyang panginginig. Mula sa paimpit na iyak ay unti-unti itong nagkatinig. Tinig ng hagulgol. Nakakaawa. Nakakakaba. Nakakatakot.
Matibay si Maria. Matapang. Ngunit bumilis ang kaba ng dibdib ko ng makita ko ang nangyari sa kanya sa loob ng banyo. Alam kong may masamang nangyari sa kanya. Hindi basta-basta magkakaganito si Maria ng walang mabigat na dahilan.
Kinabukasan...
“Kring... kring!”
Nag-ring ang telepono. Si mama, medyo matatagalan daw sila bago makauwi ng bahay dahil may aberya pa rin daw sa lupa. Kailangan daw maayos iyon bago umuwi sina lola (ang nanay ni mama) na nasa US sa 24 (ibig niyang sabihin, September 24, 2002).
Ok na si Maria. Parang walang masamang nangyari kahapon. Mga ilang ulit ko na ring pinagtangkaang tanungin siya tungkol sa kung ano ba talaga ang nangyari sa kanya sa banyo, ngunit palagi niya itong iniiwasan. Minsan pa nga, palihis ang mga pagsagot niya sa aking mga tanong upang maiba ang usapan.
Dumaan ang Sabado, Linggo at sa wakas Lunes na naman. Pasukan na naman. Biglang nilagnat si Maria. Medyo nahihilo raw siya. Ako na lamang daw ang pumasok at ipagpaalam ko raw siya sa aming mga instructors.
“Sabihin mo sa kanila baka bukas nalang ako pumasok, masama pa kasi ang pakiramdam ko.”
Martes, September 17, 2002, 7:12 ng umaga.
“Too-toot, too-toot!”
One message received. Si Maria.
“Nawawala ang ID ko. Hindi mo ba nadala?”
“Nope. Wala skin ID mo. Baka nasa bag ng marumi mong dmit. Papasok ka na ba?”
Walang na akong nareceive na text mula kay Maria nung araw na yun. Hanggang mga bandang alas sais ng gabi, ako na ang nagtext kay Maria.
“Oi, anong nangyari sayo? Masama pa ba pakiramdam mo? Akala ko papasok ka na kanina?
Wala pa ring reply. Siguro wala nang load si Maria. Dumaan ang Miyerkules at Huwebes. Uwian na naman. Apat na araw lang ang pasok namin nuon. Inimpake ko na ang mga marurumi kong damit at umuwi na sa Cavite City. Pagdating ko sa bahay...
“Maria!”
“Maria!”
Walang sumasagot. Binukasan ko ang pinto. Ang baho ng bahay. Amoy bulok na laman. “Ang baho!”
“Maria...Maria!”
Lumabas si Maria ng banyo. Katatapos lang magsipilyo ng ngipin.
“Maria ano yung mabaho. Amoy patay na daga.”
“Dyan yun sa kapitbahay. Namatay kasi yung aso nila. Nasagasaan. At matapos masagasaan ay nagawa pang makabalik ng kulungan at duon na namatay.”
“Eh bakit hindi inilibing?”
“Wala ang may ari. Hindi pa umuuwi ilang araw na. Hindi rin naman mailibing ng ibang kapit-bahay dahil naka-lock ang gate.
“O, naka-lock pala ang gate, bakit nakalabas pa rin yung aso?”
“Malay ko.”
“Naku isara mo nga yang bintana para hindi pumasok dito ang amoy. Nakakasuka.”
Isinara nga ni Maria ang bintana. Maya-maya pa ay naghapunan na ako. Ayaw sumabay ni Maria sa akin dahil nawalan daw siya ng gana. Isa pa nagsipilyo na raw siya ng ngipin. Kaya mag-isa nalang akong kumain.
Nang matutulog na ako ay tumabi nalang ako kay Maria. Double-deck kasi ang kama namin. Ako sa itaas at si Maria ang sa ibaba. Ayoko sa itaas. Tapat na tapat sa bintana ang mukha ko. Tiyak na langhap na langhap ko ang amoy ng namatay na aso sa kabila.
Nang nahiga ako, amoy parin ang baho ng patay na aso. Dumikit na yata sa kama namin ang amoy kaya nag spray ako ng air freshener.
“Bat hindi ko naisip yan?”
“Oo nga, ilang araw ka nang nagtitiis ng amoy dito, hindi mo man lamang naisipang mag-spray ng air freshener.”
Kinabukasan...
Unang nagising sa akin si Maria. Paglabas ko ng bahay nakita ko siyang nanunuod ng T.V. Alas diyes na pala.
“Martha kumain ka na. Nandyan yung tinapay sa mesa. Yung palaman natatakpan ng plato.”
Normal ang araw na iyon at ang mga sumunod na araw. Linggo ng hapon, inaayos ko na ang mga damit ko na dadalhin ko papuntang dorm. Balak kong umuwi na sa dorm at duon na lamang matulog kahit ala-una pa ng Lunes ang pasok namin ni Maria.
"Ikaw hindi ka ba sasama?”
“Hindi na. Hindi pa ako naglalaba ng mga gamit ko nuong nakaraan. Marurumi pa ang uniform ko. Mamaya pa ako maglalaba.”
“O sya paano? Uwi na ako sa dorm?”
“Sige.”
Lunes, magtatanghali na. Hindi pa rin bumabalik ng dorm si Maria. Sinubukan ko mag missed call.
“Sorry, your balance is not enough to make this call. Please reload your phone immediately.”
Wala na akong load pang missed call. Kaya itinext ko nalamang si Maria.
“Oi, nsan ka na?”
“Nasa bahay pa ko. Hindi ako nakapaglaba ng damit kahapon dahil wala ng tubig. Ngayon pa lang ako naglalaba.”
Natapos ang araw. Medyo nakakapagod. Ang lalayo kasi ng mga building namin. Pagdating sa dorm, nagpahinga na ako. Mahaba ang tulog ko noong araw na iyon. Marahil nga ay dahil sa pagod.
Miyerkules, September 25, 2002, 9:23 A.M.
Ngayon ang araw ng paguwi nila lola mula sa U.S. siguradong may pasalubong kaming stateside. Eto rin ang araw na nagpagimbal sa akin. Alas nueve beintetres ng umaga. Nagising ako sa isang text. Isang number ang nagregister sa cellphone ko nang binuksan ko, si Mama pala.
“ANG KAPATID MO PATAY NA. UMUWI KA AGAD. – MAMA”
Parang nawala ako sa sarili ko. Kumikilos ako ngunit hindi nararamdaman ng katawan ko. Hindi ako umiiyak ngunit nakatulala. Naligo ako. Nagayos ng sarili. Nag ayos ng gamit at umuwi na. Hindi man lamang sumagi sa isip ko kung nanloloko ba ang taong iyon, o si kung mama ba talaga iyon. Ni hindi ko rin man lamang naisip na magreply sa number na iyon. Basta ang alam ko lang kailangan kong umuwi.
Habang papalapit na ang sinasakyan kong tricycle sa bahay, napansin kong nakalabas ang ilan sa mga gamit namin sa bahay. Bukas ang gate at maraming tao. Hinanap ko agad si mama. Nakita ko siyang umiiyak at may binabasang papel. Nang tiningnan ko, isa pala itong autopsy result. Pina-autopsy nila ang bangkay ni Maria.
“Ma, anong nangyari?”
“Nasaan ka ba? Hindi ka ba umuwi sa bahay?”
“Umuwi po. Bakit ano po ba ang nangyari kay Maria?
Inabot sa akin ni mama ang autopsy result. Nagulat ako at nanlamig. Ayon sa result labing tatlong-araw nang patay si Maria. Natagpuan siyang patay sa ilalim ng kama. Naaagnas na. Nanginig ako. Nanlamig. Sino ang nakasama ko sa bahay nuong umuwi ako noong Huwebes? Sino ang nakatabi ko sa pagtulog? Sino ang nagrereply sa mga texts ko kay Maria? Natatakot ako, kinakabahan. Lalo pa ng makita ko ang kapitbahay namin.
“Psst Tagpi! Labas dito!” Si Tagpi. Ang asong sinabi ni Mariang nasagasaan at namatay sa kulungan.
Hanggang ngayon ay malaking palaisipan pa rin sa nangyari kay Maria. Malaki ba ang kahulugan ng sulat na napulot namin sa bus? Sinubukan kong hanapin ang kahulugan ng salitang Lating iyon at ayon sa napag-alaman ko, ganito ang kahulugan noon:
Ang salitang MORITVM (moritum) ay nangangahulugan ng kamatayan, ang SALVTMVS (salutamus) ang nangangahulugang to salute or to give honor, TREVI means life, ang AVE VERSVS CRISTVS (ave versus cristus) means hail the anti-christ, ang REFLEXVM (reflexum) ay nangangahulugang reflection, ang DEXTRVMI LENTENVM (dextrumi lentenum) means there will be a wake (lamay) after thirteen days at ang AVE SATANI (ave satani) ay nangangahulugang hail Satan.
Sa madaling salita ito ay ginagamit ng mga tao upang magpakamatay. Ginagamit rin nila ang spell na ito upang ihain o ihandog ang sarili nila sa demonyo upang magkaroon ng masaganang ani ang kanilang maiiwang pamilya. Sa loob ng labing tatlong araw ay makikita mo ang taong nagbasa nito ngunit ang totoo pala ay ito ay isang repleksyon lamang niya. Matatagpuan na lamang ang katawan niya thirteen days after reading the spell.
.
Ayon sa librong “The Latin Mystery” ni Johannes Burnt, mahalaga raw ang paraan ng pagbabasa.
Ikaw binasa mo ba ng buo ang salitang Latin na nakasulat sa napulot ni Maria? Tulad ka ba ni Martha? O ni Maria? Mali kaya ang pagkabasa mo?Ps. ©Rick Limbag (deepweb arch.)
Eryel
Cavite
BINABASA MO ANG
Wattpad Horror Confessions
HorrorCredits to the owner of these true to life horror experiences. Pwede po kayong mag PM ng mga experiences nyo para ma publish ko po rito