Sana

37 5 0
                                    

'Happy family' sana...

Hi, good evening po. Magbabakasakali lang ako. I badly need help. Kasi may boyfriend ako, binaril sya ng riding in tandem last Oct 29, 2016. Hindi po sya adik or natokhang. Actually nagviral yung news about sa kanya. I'm 7 months pregnant right now, nalaman ko lang din na preggy ako after nyang mamatay. I need help, please. Kasi sa akin nakikipagcommunicate yung boyfriend ko. Every time na may sinasabi sya or pinapahiwatig sya, sa akin nya lagi sinasabi. Then after ilang days lang lahat ng mga sinasabi nya, nagtutugma tugma. Meron akong nabasa na story dito, yung Boyfriend ang title. About din sya sa boyfriend nya na namatay na di din nakuhaan agad ng justice. Tapos pinakita sa kanya nung bf nya kung anong nangyari. If pwede humingi ng help sa kanya, kung saan sya lumapit or anyone na may ability na pwede akong tulungan. Sobrang nahihirapan na ako kasi nadadamay ako also yung baby na dinadala ko. I know walang imposible if you believe. Yun lang. Sana matulungan ako ng kahit sino dito kahit albularyom basta ang gusto ko lang makita ko lahat ng mas malinaw at matukoy ko sana kung sino yung totoong gumawa nun sa kanya. Please, I really need help. Salamat ng maraming marami if matutulungan ninyo ako and salamat pa din if not. Anyway, here's our story. Itago na lang natin sya sa name na 'Yan'.

Naging kami October 17, 2015.  Then ayun, nung first month namin parang wala lang kami. Walang pakielamanan. Di ko sya pinapakielamanan sa kung anong gusto nya, pero sya todo bawal sya sakin. Nung mga panahon kasi na yun kasagsagan ko pa sa pag attend sa mga party tsaka labas labas kasama mga friends ko. Which is pinagbawal nya. Tapos ayun, gusto nya kapag may mga pageants sya, gusto nya nandun ako. Taga suporta, so ako naman dahil wala naman akong choice kesa mag away kami, nagsstay na ako sa school kahit gabihin pa. Inaantay ko matapos yung pageant nya, taga tili ako kapag sya na yung tinatawag. Manalo or matalo lahat yun andun ako. Then lumalim ng lumalim yung rel. namin, naging possessive na sya. Ayaw nya ng may kausap akong iba, ayaw nya ng nakashorts ako, pagka nakashorts ako lagi sya may baon na balabal or panyo tapos idudugtong nya sa shorts ko. Ayaw nya din ng nagmamake up ako, gusto nya simple lang. Tapos di ako pwede umalis ng school hangga't wala sya, dapat sabay kami kakain, sabay kami uuwi, kung pwede sabay din kami papasok. Tapos dapat alam nya lahat ng accounts ko, dapat wala akong load lagi. Dapat walang nakasave sa contacts ko bukod sa kanya at sa mga blockmates ko. Ganun yung naging sistema namin.

Hindi kami nagkaroon ng perfect rel., kasi habang tumatagal kami, nagiging mapanakit na sya dahil sa pagka possessive nya. Minsan tamang hinala sya, minsan naman kinukuha na lang nya basta basta yung phone ko tapos titignan nya kung may load ako. On and off kami, madalas ako umaayaw sa kanya. Ayoko kasi sa ugali nya, sya kasi yung tipo ng lalaki na mayabang, maingay, chickboy. Pero mabait sya, malambing, masarap magluto, maasikaso. Yung rel. namin para na kaming live in. Madalas asa kanila ako kasi gusto nya hahatid nya ako pagkauwi ko, minsan naman dun na kami gumagawa ng mga requirements. Madalas kami kumain, manuod ng movie. Supportive din si Yan, lahat halos ng requirements ko sya ang kasama ko gumawa. Minsan sya na nga gumagawa e. Ayaw nya kasi nung ako yung nakikipag usap sa iba para magpasagot ng kailangan, gusto nya sya kakausap tapos nakaupo lang ako. Ayaw na ayaw nya ng sinasabihan ako ng tanga, o ng kahit na anong foul words, ayaw nya ng kinukurot ako o hinahampas, nagagalit sya ng bonggang bongga. Lagi nya ko pinagtatanggol.

Mula nung nag September 2016 - October 2016, madalas ko na syang awayin ng walang reason. Minsan umiiyak na lang ako bigla dahil sa hindi ko din alam na dahilan. Tapos kung ano ano kine-crave ko. Naalala ko one time, ang ulam na nakaluto ay nilaga. Pero sabi ko kay Yan ayaw ko nun, gusto kong kainin ay spam. Tapos nilutuan nya ako ng spam. Sobrang emotional ako nun, tapos ang clingy ko sa kanya. Sabi ko pa sa kanya na palagi ako inaantok. Yun pala preggy na ako.

Oct 27, 2016
Magkasama kami noon. Nagpunta kami sa school kasi nagpasama sya, hindi daw kasi sya nakapasa sa thesis namin. So ako naman dahil nga supportive ako, pumunta ako. Nung nakarating ako sa school, tapos na sya magpaayos ng grades. Nakapasa na daw sya, hinanap pa daw nya yung mga officers para patunayan na sumali sya ng quiz bee which is may equivalent na plus points sa grade. Dahil dun sa plus points na yun, nakapasa sya. Nung nakasalubong ko sya, niyakap nya agad ako kahit pawis na pawis sya. Sabi nya nakapasa na daw sya. Icheck ko din daw yung sakin kung pasado ako. Sabi ko oo pasado ako. Tapos sabi ko samahan nya ako pumunta kay Ma'am kasi itatanong ko kung pwede na ba ako mag ojt since dalawang subject na lang naman ako. Nung nakapunta na ako kay Ma'am, sabi ko hindi ako pinayagan kasi sabi ni Ma'am mahihirapan daw si Yan mag adjust kung dalawa kaming kagroup nya sa thesis ang mag oojt. Sabi ni Yan sakin ay wag daw ako mag alala, sya daw kakausap kay Ma'am. After nun, sabi nya dun daw muna kami sa kanila since maaga pa. Edi nagpunta kami doon sa kanila, tapos natulog kami, nanuod ng movie, naglaro sya ng basketball tapos ako naiwan lang sa kwarto nya nanunuod ng horror mag isa.

Wattpad Horror ConfessionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon