Ngiti

137 0 0
                                    


Share ko na nga ang story na to. Since matagal na din akong silent reader. Gusto ko lang ibahagi ang storyang eto.
Actually di ko talaga sya karanasan pero nung marinig ko eto, sobrang kinilabutan talaga ko.

Nagkwento ung tita ko about sa kaibigan nya na galing sa patay na si Ka Lourdes. Inumaga na ng uwi kakalaro ng tong-its at Bingo kaya mga bandang 5:30am nagdesisyon ng umuwi ung ale. Dahil sa probinsya yun, normal na hiwa-hiwalay at magkakalayo ung bahay at talagang madilim pa ang paligid at foggy dahil sa malalaking puno. Habang naglalakad si Ka Lourdes ay may narinig syang "psst psst" ng ilang beses. Dahil sa akala nya isa sa mga kakilala nya un, bigla syang humarap at may naamoy na sobrang bangong amoy na di pamilyar sa kanya. Tiningnan nya ng maigi ang tumawag sa kanya at medyo nilapitan sa pag aakalang isa sa mga kakilala nya.

Nagulat sya sa nakita na isang babae na sobrang puti ang nakaharap sa kanya mula sa malayo. Nangilabot si Ka Lourdes sa biglang pagngiti ng abot tenga nung babae at umakma na tatakbo. Kaya parang natakot sya. Habang unti-unting palapit sa kanya ang babae ay tumakbo ng sobrang bilis si Ka Lourdes. Huminto sya saglit at tiningnan at baka namamalikmata lang sya. Paglingon nya di pa rin tumitigil sa paghabol ung babae sa kanya habang nakangiti pa rin. Sa sobrang takot daw nya, natalon nya ung bakod nila na hanggang pusod at malakas na kumatok sa bahay. Diretsong pumasok at di na lumingon ulit.

-Bea
(c)Spookify

Wattpad Horror ConfessionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon