C.R. 2.0

105 0 0
                                    


Bagong lipat pa lang kami sa bahay namin nung mangyari ito. Okay naman yung bahay, wala namang kakaiba maliban sa CR.
Nung 2nd night namin sa bahay, umuwi akong lasing nun. Galing ako sa birthday party. Siguro lagpas 1am na yata, basta tulog na silang lahat nung pag-uwi ko. Nagising lang yung mama ko para buksan yung pinto pero bumalik agad siya sa kwarto niya.

Nung nakapasok na ako dumeretso muna ako sa CR. Syempre iihi. Medyo may kalakihan ang bahay namin, kaya hindi abot sa kusina ang liwanag ng ilaw sa sala. Nung binuksan ko yung ilaw sa kusina hindi bumukas. Pundi yata! Nagmamadali na ako nun kasi ihing ihi na ako kaya dumiretso na ko sa CR kahit madilim.
Nung nasa tapat na ako ng pinto ng CR. Binuksan ko na agad yun. Pero pagbukas ko kusang bumukas ang ilaw. Tapos may napakalamig na hangin na lumabas mula sa CR. GRABE! Kahit lasing ako nun talagang nagtayuan ang balahibo ko sa katawan!
Syempre sa takot ko hindi na ako pumasok sa loob. Doon nalang ako sa mismong pinto ng CR umihi. Tapos tumakbo na ako papasok sa kwarto ko.

Kinabukasan, kinuwento ko kay mama yung nangyari. Sabi niya baka daw guniguni ko lang yun. Baka dala ng kalasingan. Edi hindi ko na pinansin.

KINAGABIHAN ulit, lasing na naman ako. Ganung oras na naman ako nakauwi. Mga 1am. Binuksan ni mama ang pinto tapos pumasok na siya sa kwarto niya. Syempre bago ako matulog magc-cr muna ako.
Hindi ko na binuksan ang ilaw sa kusina kasi gusto ko rin alamin kung mauulit yung nangyari kagabi. Nung nasa tapat na ako ng pinto ng cr, bigla ko itong binuksan. Tulad nga ng nangyari kagabi, kusang bumukas ang ilaw sa CR. At may napakalamig na hangin na dumampi sa aking katawan. Akala ko hindi ako matatakot kasi lasing ako ng mga oras na yun. Pero nagkamali ako. Talagang nagtayuan ang balahibo ko sa katawan. Sa sobrang takot ko hindi ko na maihakbang ang mga paa ko papasok sa CR kaya doon nalang ako sa mismong pinto umihi.

Ngunit laking gulat ko nang...

May kamay na biglang sumulpot mula sa kawalan at binatukan ako. Sa sobrang gulat ko napalingon ako sa likod. At paglingon ko namukhaan ko kung sino ang nambatok. Walang iba kundi si mama.

"Walang hiya kang bata ka! Kaya pala ang panghi panghi ng ref kaninang umaga! Diyan ka pla umiihi!"

Yun lang po. Sana kinilabutan kayo sa kwento ko. GRABE! Nakakatakot talaga si mama pag nagalit!

MA9U$Ar4
Unknown

Wattpad Horror ConfessionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon