Keep on haunting me

189 2 0
                                    


I'm from San Beda and my girlfriend is from UPB. December 2015 (Hindi ko matandaan yung exact date) nung mangyari to. Medyo mahaba to.

Naisipan ko pumunta ng Baguio to visit my gf and para sabayan ko na rin siya pauwi, taga Manila din kasi siya. Nasa Victory Liner ako mga around 12pm. 1pm pa kasi alis ko so napag isipan ko na lang na maghintay. Habang nakaupo ako, may tumabi na matandang babae sa akin and then she asked me kung san ako pupunta and ano gagawin ko dun. Hindi ako masyadong nag eentertain ng strangers pero this time bored ako so kinausap ko siya. Sabi ko ""Sa Baguio po, may bibisitahin lang po ako"". And then she told me ""Mag ingat ka sa pupuntahan at gagawin mo"" and nacurious ako so tinanong ko siya bakit. And then sabi niya ""Ikaw ang gusto nila. Malapit ka sa aksidente."" Naconfuse ako nun tapos may biglang nagtext sa akin 8888 tapos nung tatanungin ko na siya kung sino sila, nawala na siya sa tabi ko. Yun napanganga ako sa mga nangyayari.

Mga 1pm na kaya pasakay na ako ng bus, parang may naramdaman ako na hindi maganda pagsakay ko sa bus. Ewan ko kung bakit. Nung nagstop over yung bus bumaba ako para bumili ng bbq. Habang naghihintay, nakita ko yung matandang babae medyo malayo tapos tumungo siya sa akin at biglang tinawag na ako nung ale kasi luto na yung bbq. Pagtingin ko wala na yung matanda.

Nasa Baguio na ako around 7:30. Pagkagaling ko sa may Terminal, I decided na maglakad na lang papuntang SM kasi sabi ko sa gf ko na dun niya na lang ako hintayin. Habang naglalakad, parang biglang bumigat yung pakiramdam ko pero di ko pinansin. Pagdating ko sa SM pumunta kami sa Starbucks para uminom ng mainit init na kape. And then kwinento ko na rin sa kanya ung nangyare and chika chika.

Nung gabi na yun may Sorority Party sila and ininvite niya ako pati ng friends niya so go ako. Around 11pm nung dumating kami kung san yung party. Small party lang siya actually.

Nagpaalam ako sa gf ko na iihi lang ako. Habang papasok ako ng cr, parang may something sa likod ko pero di ko pinansin (Btw, kita yung pinto ng cr kung nasan yung gf and friends niya). Paglabas ko parang iba aura ng gf ko and iba yung tingin nung friends niya sa akin. Nung tinanong ko siya kung bakit parang galit siya. She asked me kung sino yung lalaki na kasama ko papasok ng cr. Eh ang nakakapagtaka all girls kami so sino yun? Medyo kinilabutan kami pero sabi ko wag na namin pansinin kasi nakainom rin kami, baka effect lang nung alak (Btw, para di kayo maconfuse pareho kaming girl pero di kami yung butch type. Girl na girl ang galawan namin).

Habang nagkkwentuhan kami. Konti na lang kaming natira, yung iba tulog na sa mga rooms at kami nasa sala pa rin. Around 1am na nung chineck ko yung phone ko. Lumabas ako para magyosi. And then lumapit sa akin yung gf ko pero parang iba pakiramdam ko that time. Niyakap niya ako tapos bigla siyang umiyak.

NV
Me: Ano nangyare?
Gf: Ayoko na. Tulungan mo ako.
Me: (Napaisip kung makikipagbreak ba to o kung ano) WHAT DO YOU MEAN?
Gf: Tulungan mo ako.
Me: Ha? Paperworks ba yan? May exam ka pa ba? May bagsak ka? Ano ba?
*Biglang dumating yung friend niya
F: Hoy umalis ka diyan, pumasok ka dito bilis!!
Me: What? Umiiyak si *insert gf's name* oh
F: HINDI YAN SI *gf's name* PUMASOK KA NA DITO
Me: WHAT? (PAGTINGIN KO SA HARAP KO WALANG TAO. WALANG NAKAYAKAP SO TAKBO AKO KAAGAD PAPASOK).

Namumutla ako pagpasok ko, yung parang isang hinga na lang tutumba na ako. Sobrang natakot ako tapos naalala ko yung sinabi nung matanda. And then sabi ko sa gf ko magdasal kami. Parang halos lahat kami dun nawalan ng tama. After namin magdasal yung iba samin natulog na. 7 na lang kami na natirang gising kasama pa yung friend na nakakita sakin kanina, itago natin sa pangalang Chloe. Sabi niya may nakasunod daw sa akin sa bahay na yun kaya wag daw ako masyadong lalayo sa kanila. Kaya yun kapit na kapit ako sa gf ko that time. Mga 2am na gising pa rin kami, naisipan kong magpalit ng t shirt. Eh yung gamit namin ng gf ko nasa may bedroom sa taas kaya nagpasama ako sa kanya.

Habang nasa kwarto nung magbibihis na ako, nagpaalam siyang magccr lang saglit. Pumayag naman ako. Maya maya nung pagkatanggal ko ng shirt ko, may yumakap sa akin sa likod. Akala ko siya, malamig yung katawan pero yung features nung katawan pareho sa gf ko. Nakayakap lang pero ramdam ko yung paghinga niya, medyo mabagal na mabigat tapos malamig. Sabi ko ""Magbibihis na ako, nilalamig na ako and ang lamig mo rin. Para kang bangkay"" tapos bumukas yung pinto. Tinanong nung gf ko sino kausap ko and then natameme na naman ako. Kinilabutan ako ng sobra pero di ko pinahalata. Sabi ko kumakanta lang ako pero nanginginig na ako sa takot kaya bihis kaagad tapos kuha nung hoodie ko. Then baba na kaagad at hinila ko siya. Uminom na ako ng tequila para makatulog kaagad.

Pagkagising ko nasa iisang kwarto na lang kami kasama yung friends niya na natira kagabi. Nagising ako na may hawak na rosary. Si Chloe gising na rin at nagpphone, edi kaming dalawa lang gising.

NV
Me: Ano nangyari kagabi? Tsaka ba't sama sama tayo?
C: Nung uminom ka tinuturo mo yung pinto ng cr tapos sabi mo ""may lalaki"" Inisip nila na lasing ka lang kaya sinita ka nila. Pero ako nakita ko din siya.
Me: Di nga? Seryoso ba?
C: Oo, tapos after nun sabay sabay na tayo pumunta dito (Sa room kung nasan kami) ako and si Margo gising nun kasi di naman kami masyadong uminom. Bigla kang tumayo at parang may nakahawak sayo.
Me:(Hindi talaga nakapaniwala, baka tinatakot lang ako) Wag ka nga magbiro ng ganyan
C: Di ako nagbibiro, tingnan mo yung wrist mo may bakat ng kamay.
Me: (Pagtingin ko sa wrist ko meron ngang pasa and bakat ng kamay. Parang malaking kamay. Mababaliw na ata ako)
C: Lumabas ka at sinundan ka namin. Papunta kang terrace. Para kang magssuicide kaya hinila ka namin kaagad tapos bigla kang umiyak. Dinala ka namin pabalik dito tapos nilagyan ng rosary at nagdasal kami.

Sobrang confused ako nung time na yan, as in sobrang kabado ako na sobrang takot. Nung umaga na yun lumabas na kami ng kwarto para kumain and nagrosary ako mag isa. Kinausap ako nung caretaker nung bahay, kasama ko si Chloe that time. Matandana yung caretaker, kwinento niya na nirenovate lang daw talaga yung bahay at yung lalaki daw na nakita namin is yung dating may ari ng bahay na pinatay mismo sa bahay na yun nung mga magnanakaw. And yung babae naman daw anak yun nung lalaki na ginahasa. After nun umalis na kami kagad sa bahay na yun.

-future lawyer
(c)Spookify

Wattpad Horror ConfessionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon