So eto na nga, Im jaja (palayaw nalang) hindi naman talaga ko naniniwala sa mga multo ganern. Pero this time? Dafuck naniniwala na ko
Kakatapos lang ng finals namin, kaya nagdecide kaming mag totropa na mag inom. So nagkayayaan kami sa may padis point (alabang south station) first time ko lang din pumasok non at first time ko lang din mag inom nun. (Seryoso banal kasi ako) so ayun nagkaproblema pa kami kasi ayaw akong papasukin nung guard kasi bata pa daw ako, sabi ko "mygad kuya mukha lang akong bata pero 19 na ko" as in galit na ko kasi gusto ko talaga pumasok at mag inom don haha. Buti nalang yung isang guard kilala ako at kapit bahay ko lang tas sinabi nya papasukin ko kaya ayun nakapasok ako
Then, nung nasa loob na kami? Sakto din yung pagpunta namin kasi nandon yung mga mocha girls, so enjoy na enjoy naman ako haha. Don ko na experience yung body shot haha. Homaaaay.
(Fast forward)Mga bandang 2am, parang napapansin ko na medyo hilo na ko at lasing na din. Kaya naisipan kong maghilamos para naman mawala yung lasing ko, nung pagpasok ko ng cr wala man lang tao na pumasok at nag cr don. E duwag pa naman ako. Then mygad di ko inaasahang natatae pa ko. Kaya naisipan kong ilabas na haha. Peo bago nun? Naghilamos muna ko. Pero nagtataka ako, bat habang naghihilamos ako hindi gumagalaa yung mukha ko sa salamin, kaya naghilamos ulit ko baka namalik mata lang ako. Pero nung pagtingin ko sa salamin as in hindi talaga gumagalaw yung reflection ko sa salamin. Di ko alam kung maratakot ba ko o sadyang asing lang ako. Kaya naisipan kong sumayaw pa sa harap ng salamin. Hindi talaga gumalaw. Kinabahan na ko huhu. Tas nakita ko yung mukha ko sa salamin nakatitig lang sakin tas onti onting ngumingiti huhu. Wala na kong ibang gawin kundi pumikit ako. I think naka 3 hail mary na ko na dasal. Nung pagdilat ko...
Mygad nakatitig sakin habang nagsasalita ng "hail mary full of grace" habang nanlalaki yung mata huhu. Sa sobrang takot ko tumakbo ako papalabas medyo may katangahan pa ko kasi dapat yung pagbukas ko ng pinto dapat "pull" pinush ko ng pinush di ko mabuksan kaya akala ko nalock ako. Kaya simula non? Hindi na ko nag cr na pull pala ang pagbukas.PS: Pagdating ko sa bahay nanlalaki din ang mata ng mama ko kakabunganga sakin. (Eto talaga yung mas nakakatakot pa sa multo eh)
-muntinlupa
BINABASA MO ANG
Wattpad Horror Confessions
HorrorCredits to the owner of these true to life horror experiences. Pwede po kayong mag PM ng mga experiences nyo para ma publish ko po rito