Kusina

122 0 0
                                    


Nangyare to Feb 2016, sa apartment namin sa baguio.Doon ako natutulog sa couch tapos sa baba ko naman yung kasama ko, bale may higaan siya. Sa likod ng couch doon ay kitchen na. Every weekends umuuwi yung mga kasama ko sa kanila, ako naman naiiwan doon kasi tinatamad akong umuwi.

Magisa ko lang noon sa apartment nun ng friday night, hiniram ko yung higaan nung isang kasama ko at nilatag ko na lang sa tabi ng couch doon na ako natulog. 10am ng umaga nagising ako, wala naman nagparamdam nung gabi. Usap usapan kasi nung mga kasama ko na may nagmumulto daw doon. After ko kumain naisipan kong matulog na lang ulit, mga 11am na yun kasi wala naman akong gagawin.

Nung nakukuha ko na tulog ko bigla akong nakapasok sa Sleep paralysis State, pero ang weird kasi nakakagalaw ako pero hindi ko mamulat ng maigi yung mata ko. Parang nasisilaw ako pero wala naman maliwanang nun. Tapos bigla akong may narinig na kumaluskos sa may kitchen. So ang ginawa ko tumayo ako at tinignan ko nakatuhod ako doon sa couch habang nakatingin sa kitchen pero hindi ko talaga mamulat mata ko maigi kaya hindi ko makita. Ang ginawa ko inangat ko ang ulo ko para makita ko ano yung kumakaluskos sa harap ko at nagulat ako sa nakita ko. Maitim pero hindi ko maaninag yung mukha, bigla akong natakot nang hinawakan niya yung mukha ko at inilapit niya sa mukha niya doon na ako pumikit at nagdasal tapos bigla akong nagising na pagod at takot na takot.

Tumakbo ako palabas ng apartment nung bumalik ako yung mga gamit sa kitchen na disarrange na doon ako lalo natakot so it means nangyare talaga yun. Binuksan ko lahat ng ilaw at nagpatugtog ako at binuksan ko din lahat ng bintana.  "

-Ivan Baguio
(c)Spookify

Wattpad Horror ConfessionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon