Teddy Bear

91 0 0
                                    


Sana maipost tong story ko. Hindi ko to gawa gawa or what, kayo na bahala kung maniniwala kayo o hindi.

Nagkaron ako ng boyfriend, last september niregaluhan nya ko ng teddy bear birthday gift nya saken. Yung teddy bear halos kasing laki ko. Mahilig kasi ako sa mga teddy bears so sobrang mahal na mahal ko yung teddy bear na yon at galing din kasi sya sa boyfriend ko noon.
Wala naman akong nararamdaman sa teddy bear ko. After a month mga october non, nagbreak kami nung boyfriend ko na nagbigay ng teddy bear ko tapos takang taka ako kung bakit yung lola ko pilit na inaalis yung teddy bear sa kwarto ko. Syempre dahil nung mga panahong yun hirap ako magmove on so nagagalit ako pag inaalis yung teddy bear sa kwarto ko, akala ko ako lang yung nagagalit pag nalalayo sya saken pero hindi pala. Pati yung teddy bear nagagalit.
Wala akong nararamdaman sa teddy bear na yon. Pilit na pinapaintindi saken ng mga tao dito sa bahay na may sapi daw yun, ako kasi hindi ako matakuting tao naniniwala lang ako sa mga bagay bagay kapag naramdaman ko na o nakita ko na.
Madami na ding nagsabi saken na sinasaktan daw sila nung teddy bear o tinatakot. Hindi naman ako naniniwala kasi teddy bear, ang cute kung manika pa siguro maniniwala ako pero teddy bear? Hindi ako naniniwala
Lumipas ang mga araw at dumami ng dumami ang nagsasabi saken na itapon ko na daw yun. Nacurious na ko sa teddy bear kaya tinry ko syang imbestigahan, pumasok ako sa kwarto ko ng gabi tapos patay ang ilaw yung teddy bear ko lagi lang nasa kama ko kasi katabi ko matulog, at sa pagkakaalam ko nakasara ang mga bintana ng kwarto ko tapos biglang humangin so natakot ako kasi nakakaramdam na ko tapos binuksan ko yung ilaw nakita ko na yung teddy bear ko nandon sa may bintana ko. Nung napatunayan kong para ngang may nasa loob ng teddy bear na yon, tinanong ko yung mga nagsasabi saken kung ano yung nararamdaman nila sa teddy bear.

Una si lola, si lola kasi ayaw nya ng makalat. Maka diyos si lola alam nya pag may bago dito sa bahay. Unang kita palang nya sa teddy bear ko ayaw na nya agad gusto na agad nyang ipatapon.
Ang kwento nya sakin, sinubukan nya daw ipatago yung teddy bear ko kaso hindi nya daw mahawakan kasi bigla daw syang nangingilabot. Nung pangalawang beses nya naman yung sinubukan itapon, inihagis nya yung teddy bear ko sa baba ng bahay namin tapos bigla na lang syang nahilo na hindi namin maintindihan.

Pangalawa naman, yung tita ko galing australia. Pag pasok na pagpasok nya daw sa kwarto ko bigla daw humangin ng malakas pero sarado yung bintana tapos una agad nyang nakita yung teddy bear. Nakakaramdam na din pala sya

Pangatlo naman yung daddy ko, pinabuhat sa kanya ng lola ko yug teddy bear para ilapat sa bodega pero takang taka si daddy kung bakit daw sobrang bigat ng teddy bear halos kasing bigat ng tao daw.

Yung katulong ni lola noon ay dun natutulog sa kwarto na katabi lang nung bodega. Nung nailipat yung teddy bear sa bodega, bigla na lang basta basta natatakot yung katulong namen at sinasabi na tinutulak daw sya nung teddy bear. Pero chineck naman namin yung bodega nakalock eh.

Nung dumami ng dumami yang kumakalat na kwento sa teddy bear ko pumayag ako na ilayo to sa kwarto ko at mismo ako pa yung naglayo.
Hapon non tapos nilagay ko yung teddy bear ko sa may terrace namen, nakalimutan kong dun ko nga pala nilagay gabi na nung naalala ko dahil sa natatakot din ako hindi ko sya kinuha sabi ko kinabukasan ko na lang kukunin. Mga 3 ng madaling araw nagising ako sa sobrang lakas ng hangin hindi naman bukas ang bintana chineck ko yung teddy bear ko. Nagiba sya ng pwesto, nung iniwan ko sya dun sa nakaharap sa pader tapos nung chineck ko saken na nakaharap.
Nagdasal ako non at pumasok na sa kwarto ko, kinabukasan tiningnan ko yung teddy bear. Nagulat kaming lahat kung bakit wala na to sa kinatatayuan nya
Wala namang kukuha non kasi mahirap nakawan ang bahay namin, hinanap namin sa buong bahay pero wala.
Pinagtanong din namin kung may nakakita pero wala eh
Bigla na lang syang nawala na parang bula.

Totoo itong story na to.

DB
Tnrk Tanauan Bats
(C) Spookify

Wattpad Horror ConfessionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon