Hi. Ako nga pala or itago niyo nalang ako sa pangalang Robbie. Una sa lahat ang kwentong ito ay base sa naranasan ko, kung hindi niyo maintindihan sorry dahil wala akong maisip na salita para iexplain itong naranasan ko. Noong highschool pa ako, 4 years ago may kaklase akong babae na sobrang friendly. Masayahin, minsan nabubully. Tawagin nalang natin siya sa pangalang Psyche. Si Psyche ay maputi, hindi katangusan ang ilong. Nangyari ito nung pagtungtong namin ng 3rd year. Ibang-iba na si Psyche non. Mas pumuti siya, tumubo na rin yung isa niyang ngipin na nagmukhang pangil, at tahimik siya ngayon. Sobrang daming nagbago sakanya. Noong P.E nga namin siya ang pinakamabilis tumakbo. Doon ako nagduda dahil malayo ang tinakbo namin at alam kong may hika siya. Nung una, hindi ako naniwala sa sinasabi ng isip ko. Na naging bampira siya, kasi pucha? May maniniwala ba sa iniisip ko?Nung birthday niya june ** yonnagpunta kami don pero wala siya. Nakausap namin ang magulang niya. Tinanong sa amin kung nagbago daw ba ang pakikitungo ni Psyche sa amin. Napatango kami nun. Ang sabi lang samin nung nanay niya ay isang araw nagbago na daw ito, simula daw nung tumubo yung ngipin niya na ipinagtataka nila dahil nabungi na yung part na yon at 14 years old na siya non. Sinabi din nila na pumutla yung anak nila at hindi na sakanila umuuwi. Nag-request daw na tumia mag-isa sa isang apartment. Nung time na yon hindi parin talaga ako makapaniwala. Pero dumating yung time na nag-take kami ng test. Uhaw na uhaw ako non kasi di kami pinalabas hangga't hindi namin tapos yung test at wala pa kong dalang mineral. Bigla niya nalang akong nilapitan at inabutan ng drinks. Kasing liit siya ng dutchmill na tig-sasampung piso. Kinuha ko yon at ininom, pero nabuga ko kaagad nung nalasahan ko. Malansa. Lasang kalawang. Maligkit din. Parang dugo. Nung nakita niya ang reaction ko ay napangisi siya. Doon na ko naghinala.
Nawala yun nung time na nakita ko siya sa simbahan. Imposible naman diba? Ang alam ko nasusunog ang mga bampira sa simbahan. Tirik na tirik din ang araw non at wala siyang payong. Nakita niya kong nakatingin sakanya kaya ngumiti siya. Nakakatakot. Hindi siya yung ngiti na nanlalaki din yung mata niya. Ngiting parang alam niya ang sekreto ko.
May part 2 sana to kaso hihintayin ko muna tong mapost. Kung tatanungin niyo ko kung maganda siya. Hindi masyado. Mukha siyang half korean pero nung naging vampire siguro siya tumangos ang ilong niya, yung parang nunal niya sa tabi ng right eye niya (akala namin butas yon) nawala din tapos black na black yung mata niya. Kung titignan niyo siya then and now mas magagandahan kayo sa now. "
Robbie
Quezon City
(C) Spookify
BINABASA MO ANG
Wattpad Horror Confessions
HorrorCredits to the owner of these true to life horror experiences. Pwede po kayong mag PM ng mga experiences nyo para ma publish ko po rito