The Uninvited

76 0 0
                                    

Sabi nila kapag bakante daw ang kama at walang matutulog, huwag mo daw aayusin ito na parang may inaasahan kang hihiga.

Kwento lang ito sakin ng ate ko.
This story happened on October 2015. Since yung ate ko ay nagwowork sa Olongapo nagboboarding house lang sya dun since sa Sta. Cruz, Zambales pa kami nakatira masyadong malayo sa pinagtatrabahuhan nya.  3 silang magkakasama sa boarding house. kasama si ate Ness pinsan namin na nag aaral sa isang public school sa college. at yung isa naman ay si ate Andy kaibigan nya sa probinsya namin na nagtatrabaho din doon. Pero nung time na yun umuwi si ate Ness sa probinsya namin dahil sa sembreak daw nila. Pahinga daw ni ate nun sa trabaho ng araw na iyon.
Magkatext sila ni ate Andy ng gabing iyon at inaasahan nyang uuwi.
Alas-dos ng madaling araw pero gising pa daw nun si ate dahil nagfafacebook sya. pero nakaramdam na din daw sya ng antok nun. Nagtoothbrush muna sya nun tapos pumasok sa kuwarto nila at inayos ang kama nila. Dalawa lang daw kasi ang kama sa bahay nila. Ang ayos ng kama nila si ate at si ate Andy ang magkatabi sa kama since yung pinsan namin makulit matulog kaya sya ang natutulog sa isang kama.
Naglagay sya ng dalawang unan na magkatabi at nahiga sa kaliwang bahagi. Pero di pa daw sya nakatulog agad nun. Alas-tres ng madaling araw na daw nun nang maalimpungatan si ate. Nakatulog sya at di nya namalayan na dumating na pala si ate Andy at natutulog na sa tabi niya na nakahigang patalikod.
Nang bigla daw nagulantang si ate sa tunog ng cellphone niya. May tumatawag.
Sinagot nya daw yung cellphone nya at humarap sa kabila (nakatalikod kay ate Andy) tapat ng pintuan.
"Friend ako to si Andy, OT ako ngayon kaya di ako makakauwi ngayon"" yan daw sinabi sa kanya. Parang binuhusan ng malamig na tubig si ate nung marinig nya yun. Nanindig ang balahibo nya. Habang iniisip kung sino daw ang katabi niya sa kama. Kaya daw kahit naluluha na sya sa takot ay dahan dahan syang tumingin sa kama. Kinilabutan sya ng makita nyang nandoon pa din ang babaeng nakatalikod sakanya. Sa sobrang takot daw nya ay tumakbo sya palabas at duon na naghintay magumaga sa tindahan sa labas ng bahay nila.

Chronikos
Manila
(C) Spookify

Wattpad Horror ConfessionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon