"Gusto ko lang ishare yung experience ng Pamilya ko. HeheMay tita ako. Kapatid sya ng mama ko. Bata pa lang sya palagi na syang nakakakita ng mga Black Lady.
23 years old sya non. Napakamasayahin at Mabait. Kaso nakakatakot kasama.
Bigla na lang ng isang araw. Sinabi sa akin ng tita ko na may sakit daw sya. Akala ko nga lagnat lang eh. Masama daw pakiramdam nya. Kinabukasan hindi na sya nakakalakad. Hindi namin alam kung bakit. Kung saan saan ng ospital namin sya dinala pero hindi malaman sakit nya. Sabi daw may sakit daw sa buto. Yung iba naman. Leukemia daw. Nagtataka kami kasi parang inuupos na kandila tita ko sa bawat araw na dumadaan.
Dumating na sa point na nakahiga sya tas biglang babangon. Na nakadilat at nanlalaki yung mata. Ang creepy sobra.
Kaya ang ginawa namin pinatingin na namin sa albularyo.Ayun nakulam nga daw.
Lahat na ng paraan ginawa namin. Kaso wala palala ng palala yung sakit nya.Nagpatawag na kami ng mga nagdadasal.
Yung time na yun ay huli na pala. Natutulog sya.
Habang dinadasalan sya, nakapalibot sakanya yung mga tao sa simbahan
Madami na ding mga bata na nanunuod sa bahay namin.
Hanggang sa...Bigla syang bumangon.
Nakadilat yung mata.
Namatay syang nakadilat ang mga mata. Kaya ipinikit na lang.Nung nakaburol na sya. Grabe. Lagi ko syang nakikita. Sa ilalim ng ref. Nakatitig sya sakin. Pati sa mga panaginip ko nagpapakita sya
Tita. Sana ngayon. Kasama mo na si Lola at si Lord."
-Basha Caloocan
(c)Spookify
BINABASA MO ANG
Wattpad Horror Confessions
HorrorCredits to the owner of these true to life horror experiences. Pwede po kayong mag PM ng mga experiences nyo para ma publish ko po rito