Hi spookify! My name is Reese, I just wanted to share my story. I know this is not the typical story that could creep you out.
This story was happened almost 5 years ago. I had a boyfriend named Craig. Produkto ako ng bad experiences ko from my past relationships. Kung baga eh ako yung tipong iniiwan at pinagpapalit sa iba.
Until i met this guy, naniniwala kasi akong kapag ang dalawang broken hearted daw ay nagtagpo, e nagkakasundo. Nang magkakilala kami parehong broken hearted ang state namin. Kaya napakadali para samin ang magkasundo. To be honest di siya ung tipo kong lalaki. Infact lagi kong sinasabi sakanya na kung di ko siya kilala at bigla ko siyang makakasalubong e hindi ako mapapalingon sakanya. Then it so happend na biglang naging kami, and sobrang tagal bago ako napanatag sakanya. Sobrang tagal bago ko naibigay ang trust ko sakanya.
Nafall na din ako, sino ba naman ang hindi ma iinlove sa lalaking ipagluluto ka, ihahatid at susunduin ka sa trabaho. Walang pagod sakanya basta masigurado lang ang safety mo. Babyahe ng gabi papunta sa bahay ng nakamotor kapag alam niyang nagtatampo ako. At pagdating pa niya sa bahay e magagalit ako sakanya kasi di niya iniisip ang sarili niya. Masasabi kong napakatiyaga talaga niyang tao sa katulad kong masasabi kong hindi ko deserve ang kagaya niya.
Most of the time hindi ako sweet sakanya, at madalas pinagsusungitan siya. But don't get me wrong. I honestly love him.
Year 2012, malapit na kaming mag 5 years. Nagsasama na kami minsan sa bahay, at bago ang 5th anniversary namin tinamaan ako ng dengue. Naconfine ako, akala ko mamamatay nako. Isang linggo ako sa hospital, at sa araw araw ng isang linggong iyon binibisita niya ako pagkatapos ng trabaho niya tipong wala na talaga siyang matinong pahinga at matinong tulog.
On my 7th day, sabi ng doctor pwede na akong lumabas kinabukasan. So sobrang excited ko unang tinext ko si craig. Sabi ko, "Mahaaal. May goodnews ako sayo! Uuwi nako bukas. Namimiss ko ng magdate tayo sa gotohan. Dun tayo magcelebrate ng 5th anniversary natin ha! Iloveyou mahal koooo"
Di nako nagexpect ng reply niya, sa loob ng apat na taon hindi talaga tipo ni Craig ang magtext o magreply.
Kinabukasan, nasa bahay nako nagpapahinga. Wala akong Craig na nakita o hindi man lang sumundo sakin. Sabi ko nga napaka insensitive ko, so tinext ko siya. "So ganyanan na talaga ha?! Di mo man lang ako sinundo, hinihintay kita pero wala kang paramdam. Nakakainis ka talaga."
2 days later ng walang paramdam at walang sagot sa tawag ko, nag set nalang ako sa mind ko na baka talaga busy or pagod talaga siya sa work. Hanggang sa nakarecieved ako ng text sa mommy niya, pinapapunta ako sa bahay nila at hindi daw ako masusundo ni Craig. At dahil naman namimiss ko na siya naisipan kong puntahan nalang siya. Pagdating ko sa bahay nila ang weird lang kasi napakadaming tao at ang liwanag. Kinutuban nako, alam kong something went wrong. Hanggang sa nakalapit nako sakanila ang liwanag at may kabaong sa sala nila. Napatigil ako ng nasa pintuan nako, habang ung mama nya at mga kapatid niya tahimik na nakatingin sakin. Iniisa isa ko ang mga tao sa loob, hinahanap ko si Craig at ang ngiti niyang alam kong sasalubong sakin. Pero wala, doon na nagsimulang manikip ang dibdib ko. Sabay tulo ng luha ko, naglakad ako papunta sa kabaong. At doon. Nakahiga ang mahal ko. Halos hindi ko maintindihan, pilit na kinukwento sakin ang mga nangyari na hindi ko maintindihan. Sa sobrang sama ng iyak ko nahimatay ako. Paggising ko lumabas ako ng kwarto, same set up na nakita ko. Umaasa kasi ako na panaginip lang to, na anjan lang ang mahal ko hinihintay ang pag gising ko. Pero wala, at doon ko na nalaman na naaksidente pala si Craig habang pauwi siya galing sa hospital, sabi ng mga pulis baka daw sobrang antok niya kaya hindi na sya naging alerto sa daan at hindi napansin ang paparating na bus.
Limang araw ang burol niya, hinding hindi ko siya iniwan. Lagi lang akong nasa tabi niya. After nyang ilibing, nagdecide akong magstay sa bahay nila.
Natutulog ako sa kwarto naming dalawa, simula ng mailibing siya gabi gabi ko na syang napanaginipan. Niyayaya niya akong umalis at sumama sakanya. Pero sa twing aabutin ko ang kamay niya at sasama na sakanya bigla nalang akong nagigising at biglang maamoy ang pabango nya. May time pa na pagkalabas ko ng office parang nakikita ko syang nakatayo sa waiting shed at nakangiti sakin. Pero pag biglang tingin ko wala naman. At isang umaga papasok ako, nagulat ako kay ate guard na sabing "Ineng, ang sweet naman ng boyfriend mo. Walang sawang hinahatid ka dito araw-araw". Nagulat ako, and at the same time napangiti ako kasi alam kong anjan pa din ang mahal ko.
And para sa mahal ko,
"Mahal, malapit ka ng mag5 years, 5 years nakong malungkot. 5 years na pero ikaw pa din. Malapit na din tayong mag 10 years, (August 20). Kung hindi kita pinagod siguro may sarili na tayong pamilya ngayon. Hanggang ngayon ikaw pa rin. Ikaw pa rin ang gusto kong kasama. Di ko pa din maintindihan kung bakit ang bilis mo naman akong iniwan. Mahal kita. At mamahalin pa din kita hanggang sa kabilang buhay!"PS. Siguro si craig na din ang angel ko ngayon. Kasi ramdam kong palagi lang siyang nanjan.
-Reese Loves Craig
BINABASA MO ANG
Wattpad Horror Confessions
HorrorCredits to the owner of these true to life horror experiences. Pwede po kayong mag PM ng mga experiences nyo para ma publish ko po rito