Larawan

173 1 0
                                    


" 2007. Around 2pm. Grade 4 ako nung nangyare to. Wala kaming guro kaya naisipan ni Joy (hindi nya totoong pangalan) na kuhanan kami ng larawan at huli nyang kinuhanan ay yung chapel na natatanaw mula sa bintana ng aming classroom. Nang tignan namin ang mga larawan, nagtataka kami kung sino yung nakatayo sa pintuan ng chapel dahil nakaputi syang bistida hanggang tuhod pero may dugo dugo ang damit at may itim at mahaba syang buhok. Sinabi namin to sa aming adviser, sinabi nya saamin na burahin na lang pero dahil matigas ulo namin, hindi namin binura. Ngunit nakakapagtaka nung tignan namin ang larawan parang lumapit yung babae ngunit yung background nito ay ganun padin, so hinayaan na lang namin na baka imagination lang namin. Pinakita din namin ito sa dalawang senior na kaclose namin.

3pm. Galing kaming magkakaibigan sa canteen at nakasalubong namin yung dalawang senior. Sinabi nila na gusto nilang makita ulit yung larawan ngunit nung tignan nila, hindi kami makapaniwala dahil lalong naging malapit yung larawan. Na parang ilang view na lang, lalabas na yung babae sa cellphone.

Sinabi namin to sa isa naming guro. Alam nya daw dahil kumakalat na to sa campus, sabi nya pa (sa pagkakatanda ko) namatay daw doon yung babae pero hindi pa napapatayo doon yung chapel noon (sorry hindi ko na matandaan kung anong dahilan ng pagkamatay nya). Kaya pinakiusapan nya kaming burahin na dahil baka mapagdiskitahan pa daw kami.

Simula nun nilipat kami ng classroom. Yung dati naming room ginawang tambakan na lang.

P.S. Same day, nakuhanan ng isang lalaking senior yung kaibigan nya na pugot ang ulo.

P.P.S. kaya mag ingat ingat po tayo sa pagkuha ng larawan. Hindi natin alam, baka pagclick natin, nasa tabi lang pala natin sila. "

-NotAPopularGirl Antipolo
(c)Spookify

Wattpad Horror ConfessionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon