Guhit

127 0 0
                                    


"Bata pa lang ako nakakakita na ko ng mga multo. pls admin sana ma-post nyo to.

Alam ko iba sa inyo hindi maniniwala sa kwento ko, kasi ako noong una hindi din ako makapaniwala na umibig ako sa taong hindi karaniwang nakikita ng mga mata nyo.

Mga 9:30 nasa school na ko pero ang simula ng klase ko ay 10, so ilan pa lang kaming magkaka-klase sa room. May isang lalaking pumukaw sa paningin ko, isang lalaki na gumuguhit (hindi ko alam kung gumuguhit ba sya, pero kasi lapis at bond paper ang gamit nya). Nakita ko sya mula sa bintana ng classroom namin at biglang nagtama ang aming mga mata, siguro mga 10 seconds kaming nagtitigan non, hanggang sa dumating yung prof namin at biglang nabaling sa prof namin ang aking atensyon. Pero nung titignan ko muli sya, bigla syang nawala. Fast forward....... Break na namin non, hinanap ko sya at sa hindi inaasahan nakita ko na naman sya nag-iisa, walang kausap. At araw araw ko na syang nakikita. Fast forward again (masaydong maraming pangyayari para idetalye ko pa). Nilpitan nya ko, kinuha nya yung pangalan ko at nalaman ko din yung pangalan nya (Brian). Naging magkaibigan kami ni Brian at nagkamabutihan. Naging KAMI, naging masaya kami. Wala kaming problema at hilig pa nga nya kong iguhit non eh. Pero isang araw nanaginip ako, nanaginip ako na si Brian ay matagal ng patay, nagising ako na umiiyak at hinanap ko si Brian sa school kinabukasan pero wala yung taong mahal ko, hindi ko sya makita. Nagtanong tanong ako sa mga ka-course nya ang sabi wala daw silang kilala na Brianna archi, hindi ko alam ang mararamdaman ko non at nagpunta ako sa park kung saan lagi kaming nagkikita pero hindi ko sya nakita, mga 3 araw bumalik ako sa park at nakita ko sya nakaupo at nakayuko. Paglapit ko niyakap ko sya ang sabi ko ""akala ko Brian iniwan mo ko, akala ko namatay ka dahil napanaginipan kita"" Bigla nyang itinaas yung ulo nya at iba yung itsura nya puro dugo yung mukha nya at nagulat ako sinabi nya 'Hindi ako pangkaraniwang tao, noong unang nakita kita, nagulat ako dahil nakikita mo ko. Sorry ayokong saktan ka pero nagmahal ka ng isang taong hindi nakikita ng iba"". Nagulat ako at mismong nakita ng dalawang mata ko na kusang naglaho si Brian at ang sabi ng isip at puso ko na nagmahal ako ng isang Multo

Ps: Brian, naging masaya ako kahit saglit sa buhay ko, akala ko nung bata ako ang multo walang pakiramdam pero nagkakamali ako dahil naramdaman ko yung pagmamahal mo sakin.

Mahal na mahal kita Brian, kahit minsan nararamdaman ko yung hangin na bumubulong sa'kin alam kong ayaw mo ng magpakita sakin pero alam ko sa gilid ng mga mata mo tinitignan mo ko :'(
"

-Ms. M
(c)Spookify

Wattpad Horror ConfessionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon