Year 2012 'to nangyari . Nung nasa senior high pa lamang ako, nasapian ng engkanto ang pinsan ko (2nd degree) . Nagkagulo lahat ng mga estudyante dahil bawat room ay may isang nasasapian. One day naglelecture ang teacher namin sa harapan namin nang biglang sumigaw yung cousin ko na ""MADAM, MAY MATANDANG BABAE PO SA PINTUAN .. KUKUNIN NYA RAW PO AKO"" at saka nagsimula s'yang magwala , ako naman dali-dali ko s'yang hinawakan sa kaliwang kamay at yung kaklase naman namin sa kanang kamay. Kumalma s'ya at maya-maya pinahiran kami ng parang oil ng niyog na pa-sign of the cross ang pagpahid. Simula nun nakakaramdam ako ng matinding sakit ng ulo at sa gitna ng noo ko kung saan ipinahid ang oil ang parte na sumasakit pero binabalewala ko nalang.YEAR 2013. Namasyal kami ng boyfriend ko sa park, papauwi na kami nun sa bahay nila ( welcome na ako sa kanila at ganun din s'ya sa amin ) at may dadaanan kaming eskwelahan na may mga nakatayong bahay sa tapat. Malayo palang kitang-kita ko na yung nakaputing babae na nakasandal sa gate mg bahay at nakayuko, kinilabutan ako nun. Tumigil ako sa paglalakad then I whispered to my boyfriend.
VERBATIM :
AKO : Lang, nakikita mo ba yun?
SIYA : Nasa'n ba?
AKO : Yun oh! Yung babaeng nakasandal sa gate. (natatakot na ako nun)
SIYA : Oh, nakakakita kana naman? Tatakpan ko nalang ang mga mata mo para hindi ka matakot .
At yun nga,tinakpan n'ya ang mga mata ko habang naglalakad kami. After that night hindi na s'ya gaanong nagpapakita sa akin until me and my boyfriend (which is now my husband) have our own family. May binabantayan kasing bahay yung mother-in-law ko at nag-sleep over kami nung pistahan, sa sala lang kami natulog lahat pero yung sleeping position namin yung paanan nasa pintuan tapos kapag nakahiga na kami bale kitang-kita namin yung bintana .. unfortunately sobrang kita ko yung labas through the window. Umiyak yung baby namin at agad ko naman tinabihan para padedehin.. pagsulyap ko sa bintana, nandiyan na naman yung babae.. nakatingin sa akin, hindi nalang ako kumibo at lumingon ako sa side ng hubby ko then tiningnan ko yun ulet sa bintana----- nawala na s'ya.
Kinabukasan ikwenento ko kay Mama at sa Sissy in law ko ang tungkol dun dahil namention rin ng hubby ko while kumakain kami ng breakfast, tinanong ako ni Mama.
NON-VERBATIM :
MAMA : Sure ka ba sa nakita mo ?
AKO : Opo ma. May bata rin po kagabi, kasing-edad ni bunso ( kapatid ni hubby )
MAMA : Baka ikaw lang yung sinundan n'ya? Kasi kahit may haka-hakang may multo sa bahay na ito wala namang nagpaparamdam sa amin.
AKO : Ewan ko po. Basta yung babaeng nakita ko noong magkasintahan palang kami ni ***** , noong nagbubuntis pa lamang ako at yung babae na nakikita ko minsan ay iisa lang naman ..
MAMA : Ikaw talaga ang pakay n'ya.
Yun lang naman ang sinabi ni Mama pero sobra akong kinilabutan. Sa tuwing kami lang dalawa ng anak namin ang nasa bahay kapag night shift si hubby, natatakot ako dahil minsan narin akong nanaginip ng isang batang nasa kisame at tinitingnan lang kami habang nakangisi.
PS :
SORRY KUNG HINDI MAN KAYO NATAKOT SA MGA NARARANASAN KO. PERO AKO .TAKOT NA TAKOT ."-FAVE Cebu City
(c)Spookify
BINABASA MO ANG
Wattpad Horror Confessions
HorrorCredits to the owner of these true to life horror experiences. Pwede po kayong mag PM ng mga experiences nyo para ma publish ko po rito