Sabi Nila Mas lapitin daw Ng multo Ang maiingay e paano kung isang tropa kayo na Puro maiingay na nakatira sa isang apartment?Ganito yon Grade 11 kaming lahat na magttropa. Nagdecide kami na magaral sa isang University mga 2hours drive mula sa amin. Tatlo saamin boys(half half boys hahahahah) e gusto namin magkakasama so Hindi kami pwede sa dorm. So kumuha kami Ng isang apartment. Up and down may two rooms at sobrang Luwang
Unang araw namin don since kami Ang naunang dumating at naglilipat Ng gamit puta sumalubong saakin Yung Bata na nakatayo sa hagdan. Unang beses Kong nakakita Ng Multo yon I was like Ukinaaaam! Ayoko na dito. Pero tumuloy padin kami tumira don haha pota. Di ko kaya magcr magisa non.
Tuloy tuloy na ganon Pero Hindi namin pinansin. Hanggang sa dumalas Ang pagpapakita nung Bata . As in Isa Lang nakikita naming lahat. ""Bata sa hagdan"" si utoy haha. Oo utoy Tawag naming magttropa sakanya. Hindi namin pinapansin Pero habang palala Ng palala Di na namin alam gagawin namin dumating na Yung point na nananakit na sila Hindi nalang pananakot.
Eto kasing tropa Kong 4'11 and a half e pakshet saksakan Ng daldal. May third eye pa naman si Gago . Magigising nalang sya Puro pasa na buong katawan nya. Tapos Biglang may hahawak sa hita nya ako din boi. Nangraramas Yung mumu huhu. Pwede namang magpaalam papayag naman kami. I feel so harassed 😭
Habang tumatagal
Nadagdagan Yung mga nakikita namin. Meron naring nagpapakitang matanda sa kusina at kwarto naming girls puta. Magigising ka Ng madaling araw nakatitig sayo. Meron Ding Babae na all white . Sa Labas naman sya. As in paglalabas ka bahay nakatitig Lang sayo. Lahat kami nakikita sila . Tapos Every 11 Ng gabi may maririnig ka na yapak Ng paa paakyat sa second floor damn.One time habang nagj-jog kami ni tropang 4'11 and Wan half biglang nagseryoso si gagu akala ko buntis hahaha .
Biglang nagsalita "" be may kasama pa silang Isa"" Tapos Yun kinwento na sakin ni qaqu.
There's this guy na matangkad at nakaallblack na walang Muka Ang palaging sumusunod sakanya . Every night Binabantayan sya sa pagtulog. Lahat Ng buhok sa katawan ko non syempre Di kasama Yung Ano ko Kasi kakashave ko non hahaha nagtayuan lahat boi. Ang pinagtataka ko Bakit sya Lang nakakakita Kay Kuya Black.
One Night a night bago exam namin , si Tropang Isa nakita namin na umiiyak sa baba (Personal Problem wag chismosa) so cinomfort namin Tapos bigla kaming may narinig na nagbukas Ng faucet sa Likod. tinginan na us.
""Dun nalang tayo sa taas magkwentuhan"" Jabi na ni tropang Jollibee
So Sunod kami lahat. Pagakyat sa taas Boy May Kumalabog sa baba . Biglang umiyak si Tropang 4'11 and a half . Kunin niyo Yung rosary magrosary tayo please. Jabi ni bakla. So Yun nagdadasal kami. Habang nagrorosary kami din tropang 4'11 and a half bigla tumahimik habang nakatitig Lang sa Puno sa Labas Ng boarding. After Ng rosary nagkwento si tropang 4'11 and a half kinwento niya Yung about sa lalaking naka all black na sunod Ng sunod sakanya . Habang nagkkwento bigla akong hinila ni tropang uratex sa gilid Tapos umiyak din si gaga
'Be Yung lalaki na kwinkwento ni tropang 4'11 and a half? Be nakita ko sya be. Anjan sya sa pinto sumisilip kaninang nagdadasal tayo'
Tumayo lahat Ng balahibo kooo. Sa sobrang Takot namin tinawagan namin mga pinsan at tropa naming boys sa kapitbahay (wag judgemental sila Lang talaga pinakamalapit)
Pag dating nila don nagpapanic na kaming lahat Tapos Biglang dumating si tropang may third eye din na matindi makakita.
""Mga Bibi Magayos na kayo Gamit niyo magpapasundo ako Kay papa dun na kayo sa bahay matulog ""
Si tropang 4'11 and a half na kanina pa tulala bigla Nagsalita
'Hindi tayo pwedeng umalis dito'
Pag tinatanong namin kung bakit
'Ayaw nila tayong umalis"" ganyan Lang sagot niya.
Tumawag si isang Tropa sa kakilala nyang may alam Ng ganito Ang sabi kuha kami Ng asin saka luminous rosary. Since tamad kami mag grocery Wala kaming asin sa boarding saka Puro may kulay mga rosary namin.
So Ang ginawa ni tropang may third eye kumuha Ng asin at luminous rosary sa tropa naming taga Dorm .
Hindi pa nakakabalik sa apartment namin si tropang may third eye tumawag na sila tropang taga dorm habang umiiyak
""Be anjan na si *tropang may third eye* be kaninang kinuha nya sakin Yung asin at rosary be. Nakita ko Wala syang ulo'
Nagpanic na kaming lahat. Mamaya maya biglang nahimatay si tropang 4'11 and a half Tapos nung nagising sigaw Ng sigaw Hawak na sya Ng pitong tropa Kong Lalaki damn boy Di na nila mahawakan.
Tinawag nila ako para magrosary sakanya. Si Tropang 4'11 and half bes powerful Kahit 7 naka Hawak kinuha kwelyo ko Tapos hinila hila na ako. Bibigyan namin Ng rosary napuputol.
Nung medyo kumalma na sya sinuot ko Yung rosary sa kamay niya at may kinuha ako saglit pagbalik ko Asa floor na Yung rosary at pigtas na. Tinanong ko sila kung pinigtas nya Hindi daw kusang napigtas.
That might pumunta sa apartment namin Yung mga madre sa school at binless Yung apartment.
Akala namin okay na lahat Pero kinabukasan hanggang sa school bigla nalang nahimatay si tropang 4'11 and a half . Di Lang yon tatlo na silang 'sinapian' si tropang may third eye saka si isang tropa bes. Sabaw na sabaw ako sa exam bes.
After 2 weeks okay naman na Yung tatlo. Sa Awa Ng diyos ☝🏻 that very week lumipat agad kami Ng apartment. Pero syempre magkakasama padin kaming pito hahaha.
Ps: dami ko Pang Di nakwento like Yung time na nakadouble lock the door Pero Biglang hahangin tapos mabubukas , Tapos Biglang may tatakbo na Bata sa loob Ng cr habang food trip kami sa baba. Or Habang naliligo ka may black na lalabas sa cr.
Pps: sabi nung espiritista hindi Lang Basta mumu sumapi Kay bes may sungay daw e.
Ppps: Rosalinda daw name nung girl na mumu
Pppps: Dati palang haunted house apartment namin. Dinemolish Lang para sa Apartment namin at kami Unang tumira
Ppppps: BUO PADIN ANG TROPA HAHAHA.
PPPPPPPPS : PANGET NG JOWA KO HAHAHAHAH SORRY DI KITA NIREREPLYAN NON**
Tropang Pinakamaganda
Bayombong
BINABASA MO ANG
Wattpad Horror Confessions
HorrorCredits to the owner of these true to life horror experiences. Pwede po kayong mag PM ng mga experiences nyo para ma publish ko po rito