Mahaba po ang story ko sana magugustuhan niyo po at sana po ma post yung story koApat kami magkakapatid 2 ate 1 kuya at ako bunso sa amin simula namatay ang lolo namin may kakaiba na sa akin. Lagi ako nakakatsamba kung ano magiging baby mo at kung buntis ka ewan ko kung bakit ang lakas ng pakiramdam ko ang una ko na hulaan ang kapatid ni mama sabi ko lalaki baby mo nung lumabas lalaki nga tapos yung isa pa kapatid ni mama sabi ko lalaki din baby mo tama naman ako tapos sa kapitbahay namin sabi ko babae baby mo tama na naman, yung ikalawang ate ko sabi ko sa kanya buntis ka at lalaki baby mo tapos sabi niya sa akin oo buntis ako pero hindi ko pa alam niloloko ko pa nga siya sabi ko sa kanya malamang hindi mo pa alam kasi hindi pa sya gaano ka buo. Every month nagpapacheck up na ate ko tapos napaniginipan ko sya (dun kasi sya nakatira sa ama ng baby niya) sa panaginip ko dun sa bahay daw ng lalaki meron isa babae matanda gusto kunin ang ate ko (yung maganda panaginip tapos na palitan ng hindi maganda) naghahabolan na daw yung lalaki at ang babae matanda pumasok ako sa bahay at nakita ang ate ko muntik na sya makuha ng matanda buti na lng dumating ako at nakuha ko ang ate ko sa kanya lumabas ako ng bahay hawak na hawak ko ang ate ko tapos ang isa kamay ko meron balisong (yun kasi lagi ko katabi pagnatutulog para siya puntot ng pagi) ang lakas ng loob ko sinabi ko sa matanda sige bago mo kunin ate ko patayin mo muna ako nagising ako bigla, kaumagahan dumating ate ko tapos knuwento ko sa kanya yung panaginip ko diniscribe ko yung bahay nila tama sabi ng ate ko sinabihan ko ang ate ko na magingat pati yung baby mga dalawa araw bumalik sila kasi sabi daw ng doctor wala na daw heart beat yung baby kaya na gulat kami mga ilang araw pa bago nila kinuha sa tiyan ng ate ko yung baby kasi sabi ng doctor baka daw pati yung ate ko malason, nung araw na yun pumunta na sila sa hospital tinawagan ako ni mama sabi sa akin ni mama dadalhin ko yung lana binigay sa akin at bawang nagdala din ako pumunta na kami ng hospital kasama ko yung asawa ng ate ko yung dala ko dun sa hospital bag at yung sinabi ni mama dala ko din dumating na kami ng hospital sabi ni mama lagay kna yung lana at bawang dun sa box kng saan nandun yung baby 5 months pala yung baby boy namin sabi sa akin ni mama paglabas namin sa hospital wag daw kami lilingon at diretso kami lakad, ako yung nagbibit ng bag hanggang nakasakay kami ng jeep dun na nagsimula parang may sumusonod sa amin hanggang dumating na kami sa bahay ang bigat ng pakiramdam ko at yung mga balahibo ko sa paa at braso pati buhok tumatayo pati yung asawa ng ate ko dun kami sa bahay nina mama yung nakakatakot pa pagdating namin sa bahay bigla nag brown out mga ilang minuto meron na ingay sa bahay yung bobong ng bahay namin maingay na at pati yung sa likod ng bahay namin buti na lng tinulongan ako ng mga kapatid ni mama yung isa kapatid ni mama may hawag puntot ng pagi ako dun lng ako sa kama sa gitna na kaupo at hawak hawak yung baby at ang isa kamay naman yung flashlight mga 1 hour or 30 mins tumagal yung brown out di pa rin nagbabago yung nararamdaman ko sinabihan ko yung asawang kung matapang ka pumasok ka sa bahay kahit pumasok ka hinding hindi mo makukuha ang sanggol patayin mo muna ako bago mo makuha ang gusto mo makuha lahat sila nakatingin sa akin mga tito at tita ko pati si lola maririnig mo lng talaga mga kaluskos niya yung gusto niya talaga pumasok yung asawang mga 4:00 am na yung nagugutom na ako at nauuwa pero tiniis ko pa rin sila kumain at umiinom ng coke yung asawa ng ate ko binigyan sya ng tito ko ng coke pero mga kalahati siguro naimon niya may lumutang na ipis pero nung bago lagyan ng tito ko yung baso wala pa ipis at inantok sya bigla 5:00am na sabi nila sa akin matulog na daw ako kasi maaga na naman pero sabi wag mna madilim pa kasi pero antok na antok na talaga ako gusto kna matulog, kumain at uminom ng tubig pero tiniis ko pa rin hanggang nag 6:00 am na pumunta kami ng simbahan at pinabless at pinyag namin yung baby pagkatapos nilibing na namin sya at dun na ako nakapahinga.
PS. Madami pa talaga nagbago sa akin simula nawala si lolo yan na mna kwento ko yung iba next time may lahi kasi sina lolo manggagamot.
Cylne
Q.C
(c) Spookify
BINABASA MO ANG
Wattpad Horror Confessions
HorrorCredits to the owner of these true to life horror experiences. Pwede po kayong mag PM ng mga experiences nyo para ma publish ko po rito