Lumang Bahay Paupahan

163 3 0
                                    


It happened nung lumipat kame ng bahay kasama ang family ng kapatid ko. Luma na yung bahay na nilipatan namin, malaking bahay, may apat na kwarto, makikita mo talaga yung kalumaan ng bahay na yun pero maganda pa naman. May malaking patay na puno ng santol sa harapan ng bahay namin. Ang weird tingnan. At bukod dun, parang nakaangat ng konti yung bahay namin sa lupa, bale parang may space siya. Gets niyo ba? Hehe. Nung una okay naman yung feeling sa bahay. Maayos naman. Pero nung mga sumunod na araw nagbago ang lahat.

Nung araw na pumunta yung gf ng Kuya ko sa bahay, nasa isang kwarto kame ng pamangkin ko, natutulog. Half open ko lang iniwan yung pintuan. Bigla siyang pumasok sa kwarto, nagulat ako. Sabi ko 'Oh napano ka?' Ang sabi nya may nakita raw siyang matandang babae na nakasuot ng lumang itim na damit at sobrang kalat ang buhok na pabalik pabalik ang lakad sa loob ng kwarto namin. Para hindi ako matakot ang sinagot ko 'Baka naghahanap lang ng suklay.' pero nangilabot na talaga ako nun. Sa mismong kwartong yun, minsan bigla akong magigising ng madaling araw dahil sa naririnig ko sa may bintana namin na ingay ng kadena na pabalik balik lang sa may bintana ng kwarto at amoy ng kandila.

Minsan nung natulog ng hapon ang pamangkin kong lalake sa kwarto nila sa taas, nasa baba kame ng kapatid ko nun (mom nya). Bigla syang tumakbo pababa, nanginginig at umiiyak. Niyakap nya ang kapatid ko, sabi nya may kumalabit daw sa paa nya, so nagising sya. May nakita syang lalakeng nakaitim na polo na mahabang buhok na nakangiti sa kanya. Sobrang takot ang naramdaman namin pero binalewala na lang namin.

Isang gabi, bumaba yung Ate ko para hugasan ang mga plato, iniwan nya muna kase. So pagkatapos nya hugasan ang mga plato, pabalik na sana sya sa taas, pero ramdam nya na may nakatingin sa kanya sa likod. Lumingon sya ng konti, may nakita syang malaking katawan ng lalake na nakaharap sa kanya, pero hindi kita ang mukha kase natatakpan ng mga ibang gamit. Tumakbo sya pataas ng hindi na nya tiningnan kung ano o sino yun.

Eto pa, month ng December. Naiwan kame ng kapatid ko sa bahay na yun. Bale, nasa school yung iba at yung mom and dad ko nasa work. Nasa taas kame that time. Siguro mga 5pm na yun. Nakahiga sya habang nagtetext at ako naglalaptop sa kama. Bigla syang umupo at tiningnan ako. Sabi ko 'Ano na naman Ate? Wag mo ako tinatakot'. Bumaba kame. Sabi nya, may bumulong sa kanya na boses ng lalake. Binati raw sya ng "Happy Halloween".

Sobrang dami pang experiences pero baka hindi na magkasya. Hehe. Tumagal pa kame ng isang taon dun. Pero lumipat rin kame. Nalaman namin sa isang kaibigan ng kapatid ko na 5 years na raw pala naging abandoned yun. At before yung bahay na yun puro puno ang andun. Hindi rin daw maganda na may patay na puno sa bahay. Sabi pa, pag ang bahay daw ay medyo nakaangat at may space between the house and yung lupa, agiging portal daw yun ng mga spirits before they cross over. I don't know how true. But based sa mga experiences namin. Ewan ko pa rin. Be the judge.

Btw guys, Available ulit yung bahay nakita ko. FOR RENT sya ulit. Baka gusto niyong lipatan. Tuturo ko sa inyo kung saan.

-sceamqueen
(c)Spookify

Wattpad Horror ConfessionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon