Ate

96 0 0
                                    

I missyou ate

Hi readers yung story na to is hindi naman medyo nakakatakot pero para sakin sobrang nakakalungkot ito. Medyo mahaba din po. Sorry po sa mga typo. Gusto ko lang ishare ang nangyari sa pamilya ko. Pwedeng kapulutan ng aral lalo na ang mga nakakaranas ng broken family.

12 years ago na ng mang yari ito pero sariwa pa din sa pusot isip ko. Elementary ako noon sa province bata pa ako pero may muwang na sa paligid. Nangyari ito February. Bale tatlo kaming magkakapatid si ate, kuya at ako. Nakatira kami noon sa bahay ng mommy ko ( mama ni mama ) masaya kami noon kahit yung papa namin ay di namin nakakasama, hindi ko alam kung broken family kami noon, hindi ko maintindihan sitwasyon namin. Pero nag bago lahat noong lumipat kami sa bahay ng nanay ko ( mama ni papa ) isang taon lang kami doon pero sobrang dami nangyari. Malaki ang bahay up and down, anim lang kami sa bahay pero yung nanay at pinsan namin minsan lang umuwi bale apat lang kami palagi sa bahay na yun. Ang ate ko ang pangay so sya lang palagi ang nakakaalam ng problema naming pamilya since sya lang yung medyo matanda samin sa kanya sinasabi ni mama lahat. 15 yrs old sya noon.
Sikat sya (ate) sa campus nila kasi mahilig sya sumali sa beauty pageant. Maganda, matalino, mabait, masayahin, palakaibigan, sya ang ate ko proud na proud ako sa kanya sya ang idol ko noon hanggang ngayon. Hindi mo makikitaan ng problema kapag kausap mo sya kasi sobrang masayahin sya at madaldal. Sya ang kakampi ko kapag kaaway ko kuya ko or kapag pinapagalitan ako noon. Pero sa kabila ng masayahin nyang mukha mabigat pala ang nararamdaman nya sobrang laki pala ng problema nya, stressed at depression.

First time nya mag bf, puppy love nya kumbaga. Hindi namin alam na may bf sya kasi papagalitan sya ni papa. Dumating sa puntong hiniwalayan sya ng bf nya kasi may ibang nabuntis ito. Kaya sobra syang nasaktan. Plus ang problema naman sa pamilya namin noon kasi may ibang babae ang papa ko sa manila. Minsan lang sya magpadala samin at once in a blue moon lang din sya umuwi. Naalala ko noon kwento ni mama sakin mag papasko yata noon kaming apat lang nila mama ang nag cecelebrate wala ang haligi ng tahanan, text ng text daw si ate kay papa kaso walang reply. Ang sabi pa daw ni ate kay mama "" ma pudpod (gasgas yata) na kamay ko kakatext kay papa di naman nag rereply"" sobrang lungkot daw ni ate noon pero di lang nya pinapahalata.
One time may nakita si mama sa study table ni ate, mga sulat para kay papa at mga sulat about sa mga nararamdaman nya. Hindi sya palakwento ng problema kinikimkim nya, ang way nya para mailabas kahit papano ay ang pag susulat. Nabasa ni mama sa isa sa mga sulat ni ate na "" hindi ko na kaya, magpapakamatay na ako"" hindi daw pinansin ni mama yung sulat na yun kasi ang alam nya hindi gagawin ni ate yun. Meron din nabasa si mama about kay papa "" pa kahit may iba ka ng pamilya mahal na mahal kita kasi ikaw pa rin papa ko"". Never nagtanong si mama kay ate kung may problema ba sya.

Isang araw may pasok kaming tatlo magkakapatid. Malayo ang school sa bahay sasakay ka pa. Dumating si ate ng maaga sa bahay kasi may meeting daw ang parents so si mama pumuntang school ng ate ko nag paiwan si ate sa bahay, ayaw nya sumama kay mama. Bago umalis si mama sabi ni ate "" ma ipapasa ko na sayo balance (load) ko"" nagtaka daw si mama kasi nga madamot si ate sa load, pero di nya pinansin yun. Nasa labas si mama naghihintay ng sasakyan nakita nya si ate sa may bintana na nakangiti sa kanya habang nagbubunot ng kilay. Ayon din sa mga kaibigan nya nung araw na yun nag text si ate sa kanila sabi daw ni ate "" kung sino gustong mag text sakin magtext na kayo kasi ito na ang huling load at text ko"".
Alas tres nung araw na yun umuwi ako sa bahay galing school. Masayang masaya ako noon kasi top 3 ako sa klase, masayang masaya ako noon kasi alam kong matutuwa sila mama sa akin. Pero pah dating ko sa bahay hindi saya ang naramdaman ko, kundi takot at lungkot. Tandang tanda ko noon pag baba ko ng tricycle deretso ako sa pintuhan sarado noon nakalock, tinatawag ko si mama pero walang
sumasagot so ang ginawa ko pumunta sa likod ng bahay kumuha ng upuan para maabot ko ang lock sa pintuan ( yung lock ay yung uso dati sa probinsya yung kahay na rectangle tapos iniikot lang) nabuksan ko naman yun, dumeretso ako sa taas noon gumuho mundo ko sa nakita ko, hindi ako nakagalaw ng mga 2 minuto, natulala ng makita ko ang ate ko na nakabitay, nagpakamatay ang ate ko, nag bigti sya, kitang kita ng dalawang mata ko yung itsura nya. Iniwan na nya kami, wala na ang idol,kapatid at bestfriend ko.

Hanggang dito na lang muna. Masyado ng mahaba. Ikekwento ko ang pagpaparamdam nya samin kapag napost to. Salamat sa pagbabasa readers.

Moral lesson: kapag magulang ka kausapin mo ang inyong anak. Kumustahin nyo kung okay ba sya o hindi dahil bawat teenagers may problema. Ang teenager ang nakakaranas ng depression sila ang madalas mag isip na magpakamatay kapag may problema .
                  : kapag ikaw naman nakakaranas ng problema wag kang magkimkim. Subukan mong magkwento sa magulang or kaibigan mo para mabawasan ang bigat ng loob mo. Wag kang susuko, tumayo ka wag kang papatalo sa problema. Tandaan mo tao ka problema lang yan. Wag mong sayangin buhay mo.

Ps: sa mga nakakakilala sakin wag nyo na akong itag. Salamat hehe.

Pps: may sulat din palang nabasa si mama "" mag papakamatay ako para mabuo ang pamilya ko"" kaya eto kami ngayon buo na pero malungkot kasi kailangan nyang gawin yun para lang mabuo kami.

Unknown Girl
Mkt cty
(c)Spookify

Wattpad Horror ConfessionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon