Tunnel

212 2 0
                                    

6/24/2010

Nagtatrabaho ang tito ko noon sa isang kompanya. Marami syang gawain doon kaya palagi siyang busy.

Isang araw inutusan siya ng boss nya. Kailangan niyang puntahan ang   bahay ng kanilang kliyente. Alas singko na noong nakaalis sya dahil may mga paper works pa syang tinapos. Nagmamadali syang umalis upang makarating agad sa lugar na iyon. Alam niya naman ang papunta doon, pero kailangan niyang magshortcut para di sya gabihin. Bumaba siya sa sasakyan niya at nagtanong tanong sa paligid.

""Manang? May alam po ba kayong shortcut? ""
""Diyan iho. Iliko mo lang dyan, tapos diretso, may tunnel diyan. Pwede ka diyang dumaan.""
""Okay po, sige.""
""Pero gabi niya. Suggest  ko lang mas safe kung hindi ka dadaan sa tunnel.""

Nagtanong tanong pa ulit siya para iconfirm kung tama ang sinabi ng babae.
Pero hindi niya maialis sa isipan kung bakit mas makakabuti kung huwag na lang siyang magshortcut. Bakit? Ano ang meron sa tunnel? Nacurious tuloy siya. Pero kahit naman di sya macurious, wala pa rin syang ibang choice kundi ang dumaan sa shortcut.

Papasok na siya sa tunnel. Kahit nakasarado ang bintana sa sasakyan, nararamdaman niya ang malamig na hangin na gumagapang sa kanyang balat. Kinikilabutan tuloy siya, parang gusto niyang bumalik. Pero nasa kalagitnaan na siya, nakikita niya na ang kabilang panig. Nang biglang namatay ang sasakyan. Pinaandar niya ulit pero ayaw gumana.""Damn!""
Bababa sana siya para maglakad. Pero, unti unting namatay ang mga ilaw mula doon sa dulo. Kaya madilim ang paligid. Wala siyang nakikita.

Sinubukan niyang paandarin ulit ang sasakyan nang biglang may naghahampas sa kanyang bintana. Nanginig siya sa takot. Hindi niya alam kung lalabas ba siya at tatakbo o manatili sa loob ng sasakyan. Patuloy pa rin ang paghampas sa bintana. Habang tumatagal ay lumalakas ito.

""Buksan mo ang pinto!!! Aahhh!!!""

Nanginginig na siya sa takot nang biglang bumukas ulit ang ilaw. Tiningnan niya ang paligid. Walang tao. Merong mga handprints ang kanyang bintana. Ang dami. Halos lahat ng kabuuan ng kanyang sasakyan may handprints.

Pinaandar niya ang sasakyan at pinaharurot ito pauwi. Saka nya na lang i-eexplain sa kanyang boss ang nangyari kaya di sya natuloy. Pero andun pa din ang doubt na baka hindi siya paniwalaan ng kanyang boss at baka tanggalin sya sa trabaho. Nakauwi na sya sa kanyang condo. Natulog sya agad dahil maaga pa sya bukas.

Kinabukasan nagising siya. Agad niyang chineck yung sasakyan. May mga pulang hand prints. Sinubukan niya itong tanggalin pero ayaw matanggal so he decided na ipa car wash na lang. Tumayo siya pagkalabas ni manong para magbayad.

""Ah, nga pala, sabi mo kanina hindi matanggal? Kaya pala hindi matanggal kasi mula sa loob ng sasakyan yung mga handprints.Wala sa labas.""

Mas lalo siyang kinabahan sa sinabi ng lalaki. So meaning, magkasama pala sila sa loob ng sasakyan nung may ari ng hand prints?

Creepy right? Pasensya na po. First time po.

®©
(c)Spookify

Wattpad Horror ConfessionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon