Isa akong cabin crew. Masaya ang trabaho ko. Nakakapunta sa iba't ibang lugar. Nakaka-meet ng iba't ibang tao. May mabait, maarte, masungit, approachable, walang pakialam at kung ano-ano pang ugali. At makaka-meet din pala kami ng multo.Di ko inaasahan na mayroon din palang mga nakakatakot na kwento ang isang cabin crew. Sa bawat hotel na napupuntahan namin ay may iba't ibang kwento at kahit nga sa eroplano, may multo.
Uumpisahan ko sa natatandaan kong kwento saken ng kalipad ko. Syempre pagod kami sa trabaho at byahe. Diretso daw agad 'tong isang flight steward sa hotel room niya. At nang matutulog na siya, bigla daw may bumubulong sa kanya ng 'Ray, ray, ray..' (Di tunay na pangalan) Paulit ulit daw at walang tinigil. Kaya ang ginawa niya, bumaba siya sa lobby at doon siya natulog sa sobrang takot.
Mayroon namang isang flight purser na nakakakita din ng multo. Sa hotel din ito nangyare. May isang bata daw na sumusunod sakanya at hindi siya tinitigilan. Ganun din ang nangyare. Paulit ulit bumubulong sakanya ng walang tigil. At ang sinasabi? 'Flying with you, flying with you, flying with you..'
At isa namang flight attendant. Pagkapasok niya sa kanyang hotel room ay binuksan niya agad ang cabinet niya. At di ka maniniwala kung anong nakita niya. Isang matanda na nasa loob ng cabinet. Sa sobrang takot, hindi siya nakalabas ng pinto. Kundi, pumasok siya sa bathroom. Di naman niya inaasahan na susundan pala siya nito sa loob. Bigla siyang nawalan ng malay at kinabukasan na nalaman ng mga kalipad niya ang nangyare sakanya.
Sabi ko nga nung una, meron ding nakakatakot na pangyayare sa eroplano. Mayroon kaming tinatawag na LDMCR o ang Lower Deck Mobile Crew Rest kung saan doon natutulog ang mga cabin crew lalo na kung mahabang flight at ito ay katabi lang ng cargo kung saan naman nilalagay ang mga bagahe ng mga pasahero.
May isang crew daw na matutulog na sa LDMCR pero may nakita siyang matandang lalaki sa loob. Ang sabi niya dito, 'Sir bawal po kayo dito. Hindi po ito sa pasahero.' Ang sagot ng matanda, 'Nasa (seat number) ang asawa ko.' Ang ginawa ng crew, pinuntahan niya yung seat number na sinabi ng matanda sakanya. Ang sagot ng asawa, 'Niloloko mo ba ko? Ang asawa ko patay na. Andun sa kabaong sa cargo.'
Ang dami ng kwentong nakakatakot kaya pati ako minsan paranoid. Sa hotel at pati na din sa eroplano. So far, wala pa naman akong nararamdaman sa hotel. Pero di ko lang makalimutan 'tong nangyare saken sa LDMCR sa isa sa mga flight ko. Oras na ng pahinga ko at natulog nako. Pero di ko inaasahan na babangungutin ako. Ang scenario? Kung ano yung pwesto ko habang natutulog ako. Ganun na ganun sa bangungot ko at hindi ako magising kaya alam kong binabangugot ako. Nakatagilid kasi ako matulog ng mga oras na yun. Nakaharap sa wall. At sa likuran ko, may kurtina. Sa panaginip ko, humarap ako sa kurtina para hawiin ito at tingnan ang mga kalipad ko. Pagkahawi ko ng kurtina, nagulat ako sa nakita ko. Nakahandusay sa sahig ang mga kalipad ko. Hindi ko alam kung wala silang malay o natutulog sila dahil hindi ko din naman sila nagawang hawakan. Natakot ako. Pano kung hindi ako magising? Paulit ulit ko na lang sinabi sa sarili ko na positive lang at magigising ako. At mabuti na lang nagawa kong imulat ang mata ko. This time, totoo na. Gising na talaga ako.
Sa dami pa ng liliparin ko eh siguradong hindi lang ito ang aabutin ko. Pero okay lang. Mahal ko trabaho ko.
-SAM
(c)Spookify
BINABASA MO ANG
Wattpad Horror Confessions
TerrorCredits to the owner of these true to life horror experiences. Pwede po kayong mag PM ng mga experiences nyo para ma publish ko po rito