Ang Classroom

206 2 1
                                    


"2013 I was 16 y/o, 3rd year highschool.

So eto yung kwento, nagsimula yung usap usap sa kabilang room na may mga naririnig daw silang umiiyak kahit wala naman sa mga kaclassmate nila,hindi ako natakot kasi kwento lang naman,then natakot ako nung ako yung naka experience nun during our class. Narinig ko yun na parang nasa tabi ko lang. Una di ko yun pinansin pero habang tumatagal nagtataka ako kasi pati katabi ko naririnig na yun. Natakot ako syempre kaya nag tanong ako sa kaharap namin if naririnig din nila yung naririnig namin ng katabi ko. Napansin yun ng teacher namin kaya tinanong kami, sinabi namin yun pero sinabi nyang guni guni lang daw namin yun.

The next day nabalitaan namin from 4rth yr. student na may mumu na nakuhaan ng picture sa likod nila in blackboard parang chalk dust sya na makikita mong hugis tao talaga isang matandang lalaki at isang babae,(kumalat yun sa fb kaso pinadelete ata) the same na nangyare sa experience din sa loob ng classroom namin.
Pagabi na nun mga 6:30 bago mag last subj. That time wala kaming teacher kaya napag usap usapan namin yung mga nakakatakot na nangyari sa loob ng classroom namin,may isa kong classmate na sumigaw at umiyak dahil daw may humila sa paanan nya dun yun sa part kung saan ako nakarinig ng naiyak sa tabi ko,(ang creepy talaga dun umupo bandang dulo kasi yun).

Then napatingin lahat ng classmate ko sinabi nilang OA lang daw yun at nagkukunwari, pero dahil may kaclassmate akong pasaway tinesting nya kung lalabas yung mumu if pinatay sindi nya yung ilaw ng classroom namin at pinagkukuhaan ng picture. Dun nila nalaman na totoo yung sinasabi ng classmate kong sumigaw. Nakuhaan nila ng picture sa ilalim ng upuan yung ghost. Nagtayuan lahat ng classmate ko banda dun naka upo, at dahil dun naka pukaw pansin yun sa other classroom kasi ang ingay namin at nung malaman yun nung adviser namin pinababa kami sa ground.

The next day pina bless yung every room especially yung room namin.Pero I think di pa rin yun gumana kasi after ilang days
may subject kaming religion during nun sa katahimikan ng room dahil nagdadasal kami nanindig yung balahibo naming mga nasa bandang dulo nakaupo dahil may umiiyak. Narinig yun ng teacher namin kaya nag tanong sya kung sino yun. Pero walang sumagot kung sino yun. Kaya nag pasya yung teacher namin na wag daw pansinin and ipagpatuloy lang daw yung pagdadasal ng taimtim. Nawala naman din agad yun. Kaya simula nun lagi ng may padasal sa room na yun.

p.s. sorry napahaba yung story pero 100% na totoo yan. :)"

-jas CAA ,Las Pinas
(c)Spookify

Wattpad Horror ConfessionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon