Morgue

23 1 0
                                    

Isa to sa nakakakilabot na pangyayari sa buhay ko, taga Rizal ako pero di ko na sasabihin kung san yung specific place. May sakit kasi ako non na ubo, sipon at lagnat, halos 1 week na rin yon kaya dinala ako ng parents ko non sa ospital sa Concepcion Marikina (AUGUST 2009). Since malapit lang din kami doon at private hospital naman yon. Pagdala sakin dun ang sabi nung doktor "Maam hindi po kaya ng gamot lang para gumaling agad yung anak nyo, required po siyang maconfine dito sa ospital". Kahit ayoko maconfine at pinipilit ko kay mama na umuwi na kami, no choice ako kailangan talaga ako maconfine.

So yun na nga, pinahiga ako sa hospital bed para malagyan agad ng swero, jusko ang creepy lang. Kasi yung katapat ko na sinugod din sa ospital patay na pala, binangungot daw yata? Nirerevive na lang daw nang ilang hours para tignan kung may chance pang mabuhay.

Tapos ilang minuto na yung lumipas sinukuan na sya ng mga doktor, may sinabing time of death etc. Tas tinalukbungan na sya ng kumot sabay dala na sa morgue sa first floor ng ospital. Ako naman naconfine nga, dinala naman sa fourth floor ng ospital kaso di private yung room kasi puno na lahat ng private rooms simula first hanggang third floor ng ospital. Ang nakakatakot pa, ako lang yung nakaconfine doon sa buong 4th floor at ang talagang creepy pa katabi ko yung abandonadong morgue. Kitang kita pa kasi transparent lang yung divider ng public room na pinaglagyan ko at nung abandonadong morgue. Pero di ko na inisip yung takot ko, buti na lang may TV doon kahit public room. Nung mga 11pm matutulog na kami ni mama, siya lang kasi bantay ko nung time na yon.

May babaeng biglang pumunta sa room ko tas sabi niya samin ni mama "May kakaiba ba kayong nararamdaman dito? Lalo na't katabi niyo pa yung morgue dati. Mag ingat kayo, marami kasing sabi sabi na may nagpakamatay jan at may espirito ng demonyo. May pagala gala ring bata dito sa 4th floor na di matahimik ang kaluluwa". Tapos sabi ni mama "Ate wag naman kayong manakot ng ganyan, gabi pa naman ngayon at kami lang yung nandito". Sabi naman nung babae "Bahala kayo kung ayaw nyong maniwala, basta nagbigay na ko ng babala sa inyo. Magdasal kayo bago matulog" tapos umakyat yung nurse sa room namin para icheck sa thermometer kung may lagnat ako. Tinanong siya ni mama "Miss totoo ba talaga yung mga kwento dito?" Sabi nung nurse "Basta ang alam ko po, jan sa abandonadong morgue na katabi nyo dinadala yung mga namamatay sa mga aksidente at dito rin sa 4th floor binuburol dati kapag may namamatay". Kita ko sa mata nya ang takot habang nagkukwento sya.

After non natulog na kami ni mama. Nung nagising ako mga 1am siguro yon, parang may nakita ako sa screen nung morgue na anino na gumagalaw. Eh wala namang tao, at batang tumakbo paalis sa room ko, syempre takot na takot ako non. Bigla kong ginising si mama nung time na yon. Sabi niya magdasal na lang daw ako at kalimutan kung ano man yung nakita ko. Pero hindi pa doon natatapos yung nakakatakot kong naranasan sa ospital na yon.

Around 3am nagutom si Mama, nakalimutan nya kasing magbaon ng pagkain, syempre kailangan niyang lumabas para bumili ng pagkain. Sabi nya sakin hintayin ko sya, bibili lang daw sya ng pandesal pero saglit lang daw sya. Ipikit ko na lang daw mata ko para wala akong makita. Eh natatakot ako non, sabi ko sa kanya wag na syang bumili or hintayin niya nang mag umaga bago bumili pero ayaw pa rin niya magpapigil, bumaba sya para bumili.

Tapos yun nga takot na takot ako, pinipilit kong ipikit yung mata ko habang pinagdadasal na umakyat na ulit si mama para may kasama ako. Pero di ko magawa kasi iba pakiramdam ko, parang may hihila sakin sa kama. Tapos pagdilat ko may nakita ako sa screen ng morgue na dalawang pulang mata at ang lakas nung kalampag nung pinto sa morgue eh bakal na screen pa yon. Nakita ko ulit yung anino habang naririnig ko yung boses na pabulong, yung tipong nananakot na di ko maintindihan yung sinasabi. Yung batang babae patakbo takbo sa tabi ng room ko. Di ko lang makita yung mukha pero yung boses nya rinig ko rin, halo halong boses yung naririnig ko, tapos kumikislap pa yung ilaw. Hindi ako makasigaw, para bang  may pumipigil sakin. Nagdadasal na lang ako non sa isip ko habang umiiyak na takot na takot.

Pagkatapos non dumating na rin sa wakas si mama. Nakita niyang umiiyak ako, di ako makapagsalita non dahil akala nya sa mga kwento lang ako umiyak. Pero hindi ko nakwento sa kanya yung nakakatakot kong naranasan dahil baka di nya ko paniwalaan.

Ilang araw ko naranasan yung pangyayaring yon, 1 week kasi ako naconfine sa ospital na yon. Nung mga panahong yon, pinapanalangin ko na wag na sanang sumapit yung dilim.

August 2009 Story

Wattpad Horror ConfessionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon