Figurines. Anong bahay nga ba ang walang mga figurines? Iba't ibang disenyo. Ibat-ibang kulay. Iba't ibang klase, Pero nakakasigurado akong hindi lahat ng display sa lugar mo ay alam mo kung saan talaga nanggaling. Marahil ang iba ay binili? Maaring mula sa isang regalo. O kaya naman ang iba ay napulot o binigay.Ako po si bianca. Isang ordinaryong estudyante na hinabol ng kamalasan at patuloy na hinahabol ni kamatayan.
Agosto 8, 2013.
Nalaman kong niloloko lang ako ng kasintahan ko. 4 taon . Apat na taon na nya kong niloloko. Nakabuntis sya ng iba at ako'y parang basurang tinatapon nya nalang noong araw na iyon. Bale wala lahat sakanya. Bale wala lahat ng ibinigay ko at isinakripisyo ko para sa pag asang magandang buhay naming magkasama.Agosto 9, 2013
Ang pagkamatay ng isang taong akala ko ay malalapitan ko noong araw na iyon. Ang pinakamatalik kong kaibigan. - si erika. Natagpuan ang lasog lasog na bangkay nya sa unang palapag ng isang building kung saan naroon ang condo na tinitirahan nya. Hindi naging malinaw ang detalye ng mga pulis. Hindi ko din lubos akalain na napaking problema ang kinahaharap nya noon. Wala syang nababanggit pero sa huli. Ganon pa din. Naiwan akong mag-isa at umiiyak. Naubos na ang mga luha ko sa burol at libing nya. Pero ang akala kong tapos na, ay nagsisimula palang pala.Septyempre 14, 2013
Gumising ako ng maaga. Naghanda ng agahan at tinawag sila. Hindi bumaba ang tatay ko. Ni hindi sya sumasagot sa pagtawag ko na nakahanda na ang pag kain. Inakyat ko sya para lang makitang nakabitin at bumubula ang bibig nya. Nagpakamatay ang papa ko. Nagbigti sya sa di malaman na dahilan. Isinisisi ko lahat sa itaas. Kung bakit nya pa kailangang gawin to. Ako pa ang unang nakakita. Isang ala alang dadalhin ko hanggang kamatayan koSa burol ng tatay ko. Nakita ko ang isang pamilyar na figurine. Nakita ko ito sa burol ni erika. Tila nakatingin. Tila nakamasid. At tila alam ang nangyari, nangyayari at mangyayari pa lamang. Itinapon ko iyon.
Sa libing nang tatay, bago pa isara ang kabaong ay sinilip ko iyon. Ang figurine. Hawak kawak ni tatay at wala na ang pinutol na rosaryo. Pinakuha ko ito at muling ipinatapon.
Setyembre 22
Nakita ko ang nagkalat na putol na rosaryo sa ilalim ng kama. Kung paano napunta iyon doon? Hindi ko alam. Ang alam ko lang ay nakita ko na naman ang isang pamilyar na figurine. Nakapatong ito sa taas ng tv. Dinampot ko iyon. Isa itong ordinaryong figurine kung titingnan. Pareho din ng materyales at yare ng iba pang figurine sa bahay. Pero Bakit ba nakasunod ito sa kung sino ang mamamatay?Enero 27, 2014. Umaga ay naglinis ako ng kwarto ng kapatid ko. Naroon ang figurine. Nakakapagtaka dahil paano mapupunta iyon doon?
Pag dating na hapon. Isinugod ang kapatid ko sa hospital. Uminom ito ng tatlong bote ng sleeping pills na kaagad ding ikinamatay niya. Kitang kita ko kung pano sya naghirap maghingalo.
May 12, 2014.
Sumunod ang isa kong kapatid. Pero bago ba yun. Nagwala pa sya at nag amok. May hawak syang baril. At kitang kita ko pa kung paano nya inilagay sa bibig nya ang baril at kinalabit ang gatilyo nito. Bumagsak sya sa malamig na simento kung saan nakakalat ang figurine.Ubos. Naubos ang mga kapatid ko na sumubod sa pagpapakamatay ng tatay ko.
June 29, 2014.
Dalawa nalang kami ng nanay. Nangako kami sa isat isa na hindi namin gagawin ang kasalanang nagawa nila tatay. Dahil naging usap usapan na kami sa lugar. Nagpasya kami na umuwi nalang sa probinsya kung saan tahimik ang buhay.Nasa bus kami non. Nanghingi ako ng makakain kay nanay. Kinuha at binuksan nya ang isa sa mga bags namin nang maramdaman kong may malamig na kamay na humahaplos sa aking batok at may batang umiiyak at tumatawa akong naririnig. Hanggang tumambad na naman ang figurine. Hindi dinala iyon dahil damit at mga papeles lang ang dinala namin. At sigurado ako doon. Ang tiyahin ko ang pag iiwanan ng mga gamit na hindi madadala sa probinsya. Pero heto na naman at sinundan kami ng figurine. Gusto kong umiyak nalang non. Gustong gusto kong sana ako nalang ang kunin. Niyakap ko si nanay kasabay ng malakas na ingay at pagsabog ang lumamon sa mundo ko. Dumilim nalang noon at nawalan na ako ng malay.
July 14, 2014
Nagising ako. Alam ko. Alam na alam ko ng mag isa lang ako. Napakatagal siguro akong nakahiga sa higaan ng hospital. Nilingon ko ang paligid ko. Puro puti. May lamesa. Kung saan naroon ang mga gamot. Aparato, balat ng pagkain. At ang figurine. Naiiyak akong dinampot iyon. Marahil ito na ang parusa ko. Katulad ng tipikal na figurine. May butas din ito sa ilalim. Napansin kong may papel na nakarolyo ito sa loob. Marahan ko itong hinugot.Isa itong litrato. Litrato namin ng bestfriend kong si erika. May mga kung anong sulat ang di ko maintindihan. Pero alam ko na, sa simula palang ay pag aari ito ni erika. Namimiss ko na sya. Lahat ng mga ala ala naming magkasama Ay hinding hindi na maibabalik pa. Hindi ko na sya maibabalik pati ang batang dinadala nya. Nakakapanghinayang na inuna ko ang galit ko dahil sa lihim na relasyon nila ng long time boyfriend ko. Kung nakinig lang sana ako sa mga paliwanag nya. Kung inintindi ko lang sana ang sitwasyon nya. Kung nasa ay mas naging mahinahon ako. Kung sana ay hindi ako naging padalos dalos. Pero wala na. Tapos na. Huli na ang Lahat para doon. Kung hindi ko lang sana sya tinulak.
Credits: Deoxyribo/ Spookify
BINABASA MO ANG
Wattpad Horror Confessions
HorrorCredits to the owner of these true to life horror experiences. Pwede po kayong mag PM ng mga experiences nyo para ma publish ko po rito