Isa po tong panaginip, pero gusto KO pong itanong kung may meaning ito kasi takot na takot nako. Matagal napo akong nagkaka panaginip ng masama since grade 4 pako hanggang ngayon grade 9 na ako. Sa panaginip ko nato nandito po si Jesus, pag hapon na dumadaan sya sa isang kalsada which is walang dumadaan kahit sino, di po ako naniniwala sa chismis na iyon sa panaginip ko, pero nagpunta ako sa kalsada at naghintay hanggang sa dumaan sya doon, si Jesus nga. Kitang kita ko mukha nya pero diko mai-describe. Sa tapat naman ng kalsada nayon may mga halaman at puno, sumilip ako at nakita Ko naman si mama Mary sa kubo tas si Jesus din, mala paraiso rin yung lugar. Lumabas si Jesus sa halamanan nayon at sinubukan ko syang kausapin, pero pagkaharap nya sakin naging isang demonyo sya tas sa gilid ko nakita ko nagkaroon na ng flashflood nakita ko mga kapatid ko doon kaya nagsimula na akong umiyak. Nagmamakaawa ako sakanya na itigil na yon hanggang sa nagising ako sa panaginip ko nasa school ako.Pls paki sagot po kung may meaning to. At Sana po mapost to ."
-BMistress Pasig City
(c)Spookify
BINABASA MO ANG
Wattpad Horror Confessions
HorrorCredits to the owner of these true to life horror experiences. Pwede po kayong mag PM ng mga experiences nyo para ma publish ko po rito