Tatlo kaming magkakapatid, pangalawa ako. Buntis si mama noon sa pang apat 'sana' naming kapatid. Isang gabi, mababaw yung tulog ko nang may kumalabog sa bubong, parang may tumalong tao kase iba naman yung talon ng pusa eh. Dumilat ako, nakita ko sa bintana may sumilip na lalake, kumbaga nakatuwad sya kase nasa bubong sya. Kayo na bahala umintindi. Tas di ako natakot. Natulog lang ako ulet. Kinabukasan, nagkwento si mama.Nagising daw sya kase may tumalon sa bubong, pagdilat nya, dun sa isa pa naming bintana yung malapit sa kanya, may lalake na pumapasok. Kalahati na nung katawan nya yung nakapasok. Kitang kita nya daw yung mata. Ginising ni mama si papa, e si papa duwag tas lasing pa kaya sabi ni papa "Wala yan. Pusa lang yan. Matulog ka na ulet". Di pa rin natahimik si mama, binuksan nya yung ilaw kasabay ng pagkawala ng lalake sa bintana.
Mataas yung bintana na yun, kailangan mo ng upuan para makadungaw man lang doon. Paglabas nya walang tao, ni upuan para tuntungan. Lumabas sya ng kalsada pero wala ding tao. Pagtingin nya daw sa bubong namin, nakita nya may malaking itim na pusang nakatitig yung nanlilisik na mata sa kanya. Hindi daw sya natatakot kaya ginawa nya pinagmumura nya "T@!ñ@ mo! Ggo ka!!" Etc. Tas unti unti umalis na daw yung pusa. Ilang araw after that, nakunan si mama. End.
-Aripussy❤️
(c)Spookify
BINABASA MO ANG
Wattpad Horror Confessions
HorrorCredits to the owner of these true to life horror experiences. Pwede po kayong mag PM ng mga experiences nyo para ma publish ko po rito