Pagbati sa lahat ng mga tagasubaybay ng page na 'to, at sa mga nagpapanatili!1970's, ipinatayo ng lolo ko ang bahay namin, ang kwento, dati daw infirmary ng mga sundalo ang kinatatayuan ng bahay namin ngayon. Base na rin sa mga salaylay ng aking tatay at kanyang mga kapatid madalas daw silang makahukay noon ng mga lumang helmet at mga bote ng gamot.
Dahil na din sa nakaraan ng kinatatayuan ng aming tahanan may mga ilang hindi maipaliwanag na karanasan ang mga nakatira dito.
* Bolang Itim?
Umpisahan na lang natin sa akin, nakitulog ako noon sa kwarto ng kapatid ko, maliit lamang ang kwarto niya na may dalawang bintana. Ang bintana na nakatapat sa likod-bahay ay natatakpan ng isang malaking cabinet, pabor 'yon sa amin dahil wala namang gustong sumilip sa bintana na 'yon lalo na kung gabi na. Isang gabi, nakapatay ang ilaw at sarado ang pinto. Tulog na tulog na ang kapatid ko sa kanyang higaan, habang ako ay nakahiga na sa nilatag kong foam, nasa kaliwa ko ang higaan niya, habang ang pinto naman ay nasa kanan ko. Asa paanan namin ang cabinet na nakatakip sa bintana (pasensya na medyo magulo) kitang kita ko ang bawat gamit sa kwarto dahil siguro nakapag-adjust na ang mga mata ko sa dilim, nang napagpasyahan ko nang inaantok na ako, umikot ako sa gawing kanan, bago ko ipikit ang mata ko ay isang bagay ang napansin ko sa pinto, may kung anong itim na itim na nabuo na parang bola at umatake sa mukha ko, hindi ito tumama dahil agad akong humarap sa higaan ng kapatid ko at nagtakip ng unan, nanginig ako noon kaya't nagising ang kapatid ko nang tanungin niya ako ay hindi ako nakapagsalita at nang kinuwento ko sa kanila ito kinabukasan hindi nila ako pinaniwalaan. Isang palaisipan pa rin sakin kung ano ang bagay na yon. Kung may makakasagot, maraming salamat.
*Lalaking Nakaputi
Ilang buwan bago 'yon, nakitulog saamin ang boyfriend ko, sa kwarto kami muli ng kapatid ko natulog, tinanggal ang higaan doon at naglatag nalamang kami ng tatlong foam, pinagdikit dikit namin yon, boyfriend ko ang asa tabi ng pintuan, asa gitna namin ang kapatid ko (lalaki) at ako naman ay nakadikit sa pader. (asa paanan namin muli ang cabinet) Kwento ng boyfriend ko, nagising daw siya bandang alas tres (laging may suot na relo 'yon, oo, kahit tulog) medyo bukas ang pinto kaya maliwanag daw, nakita daw niya ang kapatid ko na nakayakap sakin, sa isip niya daw, ang sweet naman namin, bumalik din siya agad sa pagkakatulog. Maya maya, nagising naman ako, nakita kong wala na sa tabi ko ang kapatid ko, kaya lumabas ako at nakita ko siya at ang lola ko sa salas, sinulyapan ko ang orasan, alas kwatro palang, napagpasyahan ko ulit na bumalik sa higaan at matulog ulit, hanggang sa bandang alas singko nagising ako at ang boyfriend ko, pumasok na din sa kwarto ang kapatid at lola ko, kaya nag-umpisa ang kwentuhan.
:nakita ko si (pangalan ng kapatid ko) nakayakap kay ate niya kanina.
Kumunot ang noo ng kapatid ko,
:Napakaligo ka na (pangalan ng kapatid ko)?
;Hindi pa po.
:Bat kanina puti ang suot mo?
Doon ako nagtaka, walang nakaputi samin ng gabing yon, nakapula ang kapatid ko, nakaitim naman ako, yung boyfriend ko nakamakulay na damit. Wala kaming kumot na puti (mahirap maglaba at ang mga unan naman namin dark din ang kulay). Sabi ng lola ko, posible daw na namalikmata lang ang boyfriend ko dahil malabo ang mata, naisip ko naman, malabo ang mata pero hindi naman color blind.
* Sipol
Maaga akong nagising noon, may pasok kasi, matapos mag-almusal ng mga 5:30, mabilis akong pumunta sa banyo upang maligo, nagbabawas ako non nung umpisa kong marinig, siguro dahil wala pa ko sa tamang wisyo hindi ko pa naiisip na napaka imposible non. Nakarinig ako ng sumisipol, parang tono ng kanta, hindi bastang paswit, mahabang pagsipol mga tumagal siguro ng sampung segundo. Mabilis naman akong maligo, matapos maligo don ko naisip lahat, imposibleng kapit bahay yon, magkakalayo ang bahay ng mga tao sa amin, ang pinakamalapit ay ginagawa palang ng mga panahon na 'yon. Kung construction worker naman yon, hindi naman siguro siya papasok ng 5:30? At ang mga kasama namin sa bahay lahat ay tulog pa. Nang nabanggit ko yon sa lola ko, hindi ako pinaniwalaan, guni-guni ko lang daw siguro.
*Mug
Nung isang buwan lang nangyari 'to, nagbabasa ako noon sa kwarto ng lola ko, kaharap ko ang coffee table, may nakapatong na mug doon nq ginamit ko, habang nagbabasa may pakiramdam ako na hindi ako nag-iisa, hindi ko alam kung dahil gabi lumalawak ang imahinasyon ko o ano, pero ang nakapagpatayo sa akin ay ang paggalaw nung mug, gumalaw siya ng mga dalawang sentimentro papunta sa kaliwa. Nagpanic ako, nagmadali akong lumabs ng kwarto, sinabi ko muli yon sa lola ko pero hindi ako ulit pinaniwalaan, baka daw basa yung mug at dumulas lang (kahoy yung coffee table namin, di rin po basa yung mug, yung loob kasi may laman yon)
Hindi ko alam kung anong nangyayari, pero isa lang ang naiisip kong dahilan ng mga ito, unti-unti kasing nagsialis ang mga nainirahan sa bahay dahil nagkaroon ng mga trabaho, siguro nararamdaman nilang malungkot na ang atmosphere?
Pasensya na kung mahaba, maraming salamat sa pagbabasa!
BINABASA MO ANG
Wattpad Horror Confessions
HorrorCredits to the owner of these true to life horror experiences. Pwede po kayong mag PM ng mga experiences nyo para ma publish ko po rito