Mental hospital

78 0 0
                                    

Mental hospital in infermary

Hi admin share ko lang po yung story ko nung na hospital ako nun sa mental, hindi sa nananakot pero totoo po talaga yung nangyari.

So eto nanga, gabi ng madaling araw sinugod ako sa mental hospital sa infermary dahil nga suka ako ng suka at inaapoy na ako ng lagnat. (Motor lang ang gamit namin nun papunta sa infermary) pagdating namin sa infermary parang chineck up muna ako tapos hiniga na ako sa kama, umiiyak ako kasi ayaw ko mag stay sa hospital at takod tin ako sa matutulis na bagay pero sabi ni mama kaylangan daw talaga para gumaling na ako. Ang lakas nang iyak ko nun nang tinusok sa kamay ko yung malaking karayum, nagmamakaawa pa ko kay mama na umuwi na kami pero bawal daw talaga.

Dahil nga ayaw ni mama na nahihirapan ako pinalipat niya ako sa private room, dalawang beses pa kaming nag palipat lipat, hanggang sa doon nalang sa katabi ng cr yung kwarto ko para hindi na daw ako mahirapan. 3 days ago pagtapos kong kumain naihi ako nun kaya nag pasama ako kay mama na pumunta sa cr para alalayan yung dextrose na nakakabit sakin, pagtapos kong umihi nag pasya akong mag stay muna sa labas (may mga upuang nakahilera sa tapat ng kwarto ko dun kami tumambay ng mama ko at nakalimutan pa niya isarado yung pinto) so eto nanga nagdadrama nanaman ako iiyak iyak ganun, sabi ko kay mama gusto ko nang umalis dito dahil sawa na ko tas sabi niya ganun daw talaga pag may sakit ka. Habang nag uusap kami ni mama biglang sumarado yung pinto ng napaka lakas, kaya napatingin ako e magkatabi lang kami ni mama kaya alam ko na hindi siya yun, pero dahil ayaw niyang matakot ako sinabi niyang siya daw yung nag sarado ng pinto sa cr.

And eto pa napaka creepy talaga nung mga nangyayari dun sa hospital dahil tanghali nun kaming dalawa lang nung pinsan ko. Nagpaalam siya na huhugasan niya lang daw yung plato, ang tagal niya nun sa labas tas maya maya may narinig akong kumalabog. Pag balik niya nagkuwento siya kaagad kagaya ng nangyari sakin naranasan niya din pero yun dumiretso daw siya sa girl cr pero wala daw lababo kaya dun daw siya sa may boy cr pag bukas niya ng pinto may lalaki daw na Umiihi kaya sinarado niya kaagad yung pinto nag antay pa daw siya nun saglit tas lumabas na daw yung lalaki kaya pumasok na siya at nag hugas ng plato, pag labas niya daw bigla daw sumarado yung pinto nung girls kasi nakalimutan niya daw isara. Ps. Kinakabahan siya habang kinukwento niya yun.

And yung last na nangyari sakin e naglalaro ako ng minecraft tapos tulog pa yung tita ko na nagbabantay sakin. Gabi na nun gumagawa ako ng hot bathtub sa minecraft tas mayamaya may kumatokok sa bintana halata talaga yung kamay na kumakatok sa bintana(blurred yung bintana) kaya ginising ko yung tita ko sabi ko buksan niya yung bintana tignan kung sino yun pero takot din siya dahil parang gubat yung likod ng bintana. Kinwento niya din yun kala mama kaya minadali na nila yung pag alis ko dun sa infermary. At sa mga nakakakilala sakin wag nalang po kayo maingay kung sino ako😂😂

Sana ma post po ito admin thankyou😘

-pandacocoy
M.cruz st
(C)Spookify

Wattpad Horror ConfessionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon