CHAPTER 6

877 8 2
                                    

Matapos pag-isipang mabuti ang sinabi ni Fretzie, nakumbinsi rin ni Tin ang sarili na in love nga din sa kanya si Slater. Dahil doon, nagkalakas siya ng loob na magtapat na dito ng tunay niyang nararamdaman. Balak niyang gawin iyon mamayang pagdating nito.

"It's now or never, Tin. Kaya mo yan!" paalala niya sa sarili.

Ginugol niya ang buong hapon sa pagbu-beauty rest para pagdating ni Slater ay maganda siya.

Kung pwede lang hilahin ang oras ay kanina pa ginawa ni Slater. Excited na kasi siyang umuwi. Sa wakas, may plano na siya kung paano magtatapat kay Tin, at balak niyang gawin 'yun mamayang gabi.

"Sir, Sir Jerico is here. Papapasukin ko po ba?" tanong sa kanya ng secretary nya.

"Yes. Thank you."

Hindi nagtagal ay pumasok na nga ang kaibigan. "Bro."

"Oh, hi! What brought you here?" nakangiting bungad niya dito. "Para ka talagang kabute, bigla ka na lang sumusulpot."

"Sorry, bro." Mukhang medyo nag-aalangan ito. "Hmm... I've been thinking about this for quiet some time now and I guess I have to ask you first before I make some moves."

Kumunot ang noo niya. "What is it?"

"Hmm... Do you like Tin?"

Nagulat siya sa tanong nito. "What made you ask?"

"Because I'm in love with her, I wanna court her."

Pakiramdam niya ay nayanig ang mundo niya sa deklarasyon ng kaibigan.

"Hello, Slater!"

Napalitan ng pag-aalala ang siglang nararamdaman ni Tin nang tumango lang sa kanya ang binata. Walang kabuhay-buhay ang ngiting iginawad nito sa kanya.

Nilapitan niya ito. "What's wrong? May nangyari ba?"

"Wala, Tin-Tin." Napansin niyang hindi ito makatingin nang diretso sa kanya. "Si Fretzie? Kumain na ba kayo?"

"Siya pa lang. Maaga natulog eh, inaantok na daw."

"Ikaw, bakit hindi ka pa sumabay sa kanya?"

"Hinihintay kita eh."

Ni hindi man lang ito ngumiti sa sinabi niya. Dati-rati ay ngingiti na ito nang pagkatamis-tamis at sasabihan pa siya na ang sweet-sweet niya kapag sinasabi niya iyon. "Tara, kain na tayo."

Wala mang ganang kumain ay pinilit pa rin ni Slater ang sarili na kumain. Ayaw kasi niyang makahalata si Tin na hindi siya okay. He can't even look at her because he is afraid she will see something in his face that he doesn't want her to see.

"Slater," basag nito sa nakabibinging katahimikang bumalot sa kanila.

"Bakit?" tanong niyang hindi pa rin ito tinitingnan.

"May problema ka ba? Nandito ako oh, you know you could tell it to me. I'm willing to listen."

"Wala akong problema, Tin. Kain ka na lang nang kain para maaga kang makapagpahinga."

Akala niya ay hindi na ulit ito magsasalita dahil tumahimik na lang ito. Mayamaya...

"Slater."

"Ano?"

"Hmm... Do you love me?"

"Of course! Best friend kita remember?" Gusto niyang suntukin ang sarili niya dahil alam niyang may mali sa sinabi niya. Because if he'll just be honest, iba ang isasagot niya. Yes, Tin. I love you. I love you so much!

Ramdam niyang natigilan ito. "Isipin mo na hindi mo ako best friend... Or isipin mo na ni hindi tayo magkaibigan... tapos tatanungin kita ulit, do you love me?"

"Ano ba kasi ang ibig mo talagang sabihin?"

Narinig niya itong bumuntong-hininga muna bago nagsalita. "What I'm trying to say is... kasi ako, I love you! I love you not because you are my best friend, but because you are you, Slater. I love you the way my mom loves my dad and vice versa! Now, I wanna know if you also feel the same way."

Kung iba lang ang sitwasyon nila, kanina pa siya nagtatatalon sa tuwa dahil pareho lang sila ng nararamdaman. Gustong-gusto niya itong yakapin at sabihin dito na mahal na mahal din niya ito pero hindi niya magawa. May isang tao na ayaw niyang masaktan. Nang maalala ang ginawang pag-amin ni Jerico ng nararamdaman para kay Tin ay hindi niya napigilan ang sariling matawa nang pagak. Tingnan mo nga naman ang buhay, minsan na nga lang siya magmahal nang totoo, magiging karibal pa niya ang kaibigan niya.

Tumatawa pa rin siya nang magsalita siya. "How could you fall in love with me, Tin? We're best of friends!"

Tuluyan nang bumagsak ang kanina pang pinipigilang luha ni Tin.

"But... But you made me feel that you love me. Ramdam ko kung paano mo 'ko titigan at alagaan."

Napailing ito. "You've got me all wrong Tin. Yeah, I love you." Muling tumawa ito. "I love you the way I love my sister."

"What about the kisses? You always kiss me." Hindi pa rin niya isinusuko ang katiting na pag-asang natitira sa puso niya. "Alam kong hindi halik ang mga 'yun para sa isang kapatid lang."

"Yeah right, Tin. Hindi halik ang mga 'yun ng isang kuya sa kanyang nakababatang kapatid. Have you heard about the term 'kissing friends'? Everyone do that. Ano ba tayo? We're friends, rather, best of friends, aren't we?"

Hindi na nakayanan ni Tin ang sinasabi ni Slater, patakbong iniwan na niya ito bago pa siya tuluyang mawalan ng respeto dito, at higit sa lahat, sa sarili niya. Nakuha pa nitong pagtawanan siya.

Ang tanga-tanga niya para mahalin ito. Masyado siyang nadala sa mga paglalambing nito, nag-iilusyon lang pala siya. What did he just say? Kissing friends? Ganun lang ang tingin nito sa kanya? He made her feel so cheap and humiliated at the same time.

"I'm so sorry Tin-Tin..." iyon ang paulit-ulit na sinasabi ni Slater sa utak niya.

Alam niyang nasaktan niya ito nang husto sa mga sinabi niya. But what could he do? Ang mga 'yun ang naisip niya para mapaniwala ito na hindi niya ito mahal katulad ng inaakala nito.

Kaninang umiiyak na tumakbo si Tin, wala siyang ibang gustong gawin kundi ang habulin ito at sabihin na walang katotohanan ang mga sinabi niya dito.

Gustong-gusto niyang sabihin ang totoong nararamdaman niya pero alam niya, sa oras na nagsabi siya ng totoo, isang matalik na kaibigan ang masasaktan niya. He would rather hurt himself and be a good friend than the other way around.

"Pero paano si Tin-Tin? You saw how broken she was," anang isang bahagi ng isip niya.

She's too young, and maybe, nadala lang siya sa mga nakita niya sa 'kin. Maybe she just had mistaken her feelings for me. I know she's strong, she could easily move on.

"How about you? Kakayanin mo ba?" tanong ulit ng makulit na bahagi ng isip niya.

"Damn!" Sinuntok niya ang pader, hindi alintanang nasaktan ang kamao niya.

ONLY ME AND YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon