"Thank you Tin at sinamahan mo ako ha."
Ngumiti si Tin. "Wala 'yun, Kevin. Ikaw pa!"
Si Kevin ay isa sa mga naging kaibigan niya sa pinapasukang University. Nagpasama ito sa kanyang bumili ng regalo para sa girlfriend nitong si Pamu. May tiwala daw kasi itong magugustuhan ng girlfriend nito ang kung anumang pipiliin niya dahil parehas sila ng taste.
"Thank you din sa paghatid."
"Wala 'yun. Sige, I'll go ahead. Thank you ulit."
Nang marinig ni Slater na may pumaradang sasakyan ay dali-dali siyang sumilip sa bintana upang alamin kung sino ang dumating.
"At last, they're here!"
Kanina pa niya hinihintay ang pagdating ni Tin upang usisain ito. Kaninang sinundan niya ito at ang kasama nito ay nakita niyang pumasok ang mga ito sa isang coffee shop at kumain. Matiyaga siyang naghintay sa loob ng sasakyan hanggang sa muling lumabas ang mga ito. Ang akala niya ay uuwi na ang mga ito pero dumiretso ang mga ito sa isang jewelry store.
"Don't tell me...?" Sa sobrang inis ay pinasibad na niya ang kotse niya at nagpasyang umuwi.
Ganoon na lang ang pagkayamot niya nang past 7 na ay wala pa rin si Tin. "Dapat hindi na lang ako umuwi. Damn! Baka sa kung saan-saan pa siya dinala ng lalaking 'yun!"
Ang sumunod na eksena ang nagpabalik sa isip niya sa kasalukuyan. Naikuyom niya ang kamao nang makita niyang hinalikan ng lalaki ang pisngi ni Tin bago ito muling sumakay sa kotse at umalis. At ang mas nakakainis, mukhang masaya pa ang kaibigan niya sa ginawa ng lalaking 'yun!
"Shit!"
"Where have you been?"
Muntik nang mapatalon si Tin nang marinig niyang magsalita si Slater. "Ano ka ba? Papatayin mo ba ako sa gulat?" inis na sabi niya dito. Sinara na niya ang pinto.
Nakahalukipkip ito at seryoso ang mukha. "I said where have you been? Bakit hindi ka man lang nagpasabi na male-late ka ng uwi? May cellphone ka naman siguro."
Teka, galit ba ito?
"Bakit 'di ka makasagot diyan? Kung maglalakwatsa ka, sana naman maalala mo man lang na mag-text o tumawag para hindi ako nag-aalala dito."
Narindi siya sa narinig. Lalo pa at naalala na naman niya ang ginawa nito nang nagdaang araw.
"Look who's talking!" pumalatak siya. "Ngayon alam mo na kung ano ang pakiramdam ng nag-aalala habang parang tangang naghihintay sa isang taong ni hindi nagpasabi kung saan siya pupunta at kung makakauwi siya nang maaga."
Nilampasan na niya ito pero mahigpit na hinawakan nito ang kanang braso niya.
"Kinakausap pa kita, Christine!"
"Aray! Ano ba? Nasasaktan ako!" reklamo niya habang sinusubukang kumawala sa pagkakahawak nito.
Noon naman lumuwang ang hawak nito sa braso niya, subalit seryoso pa rin ang mukha. "Sino 'yung kasama mo ha? Boyfriend mo ba 'yun?"
So, nakita nito nang ihatid siya ni Kevin?
"Kaibigan ko lang 'yun, ano ba?"
"Eh bakit ginabi kayo? Tsaka bakit ka pumapayag na magpahalik sa lalaking 'yun? Ano na lang ang iisipin ng mga tao kung makikita nila kayong naglalampungan sa labas?" galit na sunud-sunod na tanong nito.
Sa narinig ay hindi na siya nakapagpigil. Nasampal niya ito. "Sumosobra ka na, Slater! FYI lang, wala kaming ginagawang masama ni Kevin! Bitiwan mo na ako, ayokong makipag-usap sa'yo!" Muli, sinubukan niyang bawiin ang braso mula dito.
BINABASA MO ANG
ONLY ME AND YOU
FanfictionWould you rather be a good friend and let the chance to be with the one you love pass you by or take that chance with someone and let destiny take over? (A SlaTin-Inspired Story)