Matapos mabayaran ang mga nainom ay nagpasya nang umuwi si Slater.
Hating gabi na siya nakarating sa kanila pero nadatnan pa niya ang sasakyan ni Jerico sa tapat ng bahay nila. Mukhang hinihintay siya nito dahil pagkakita nito sa kanya ay
dali-dali itong bumaba ng sasakyan. Bumaba na rin siya upang tanungin kung ano ang kailangan nito pero nagulat na lang siya nang salubungin siya nito ng isang malakas na suntok. Dumugo ang gilid ng labi niya na natamaan nito.
"Ano bang problema mo, pare?" kunot-noong tanong niya dito habang hawak ang nasaktang labi.
"Para 'yan sa pagsisinungaling mo."
"Anong---?"
"Tinanong kita dati kung may gusto ka kay Tin, ang sabi mo wala."
Nalilito siya sa sinasabi nito.
"Naghinala ako noon na baka may gusto ka rin sa kanya kaya kinumpirma ko muna mula sa'yo bago ako nagtapat sa kanya dahil ayokong may maapakan na ibang tao, lalo pa't matalik kitang kaibigan. Ang sabi mo wala kaya naniwala ako at ipi-nursue ko siya. Pero ngayon, ano’ng nangyayari? Salungat sa sinabi mo ang nakikita ko.”
“Huh?”
“Huwag ka na mag-deny. Alam ko na ang totoo. Nagkita kami kaninang umaga ni Jessica. Inamin niya sa akin ang lahat, ang deal nyo, ang pagpapanggap, at ang totoo mong feelings para kay Tin."
Wala na siyang dahilan para magkaila pa. "I'm sorry, bro. Pinilit kong itago ang nararamdaman ko dahil ayokong masira ang friendship natin, but what can I do?"
"Pero hindi mo kaya di ba? Kaya ba nung nagtapat sa'yo si Tin, ang sabi mo, kaibigan lang talaga ang tingin mo sa kanya?"
Sa naalala ay nainis na naman siya sa sarili. Malungkot na tumango siya. "'Yun lang ang nai---"
Isang suntok pa ang dumapo sa mukha niya na hindi niya napaghandaan kaya natumba siya. Dinuro siya nito. "Para 'yan kay Tin. All this time, you were trying to preserve our friendship without you considering how she would feel. Sinaktan mo siya, gago ka."
"I know. Kaya nga pinagsisisihan ko na 'yung nagawa ko eh."
"Kung totoong nagsisisi ka na, itama mo ang pagkakamali mo."
Natigilian siya sa narinig. "Anong---?"
Ngumiti na ito saka inilahad ang kamay sa kanya para tulungan siyang makatayo. "Bumawi ka kay Tin, I'm letting her go."
"What?"
"I want her to be happy at alam ko na hindi siya magiging masaya sa'kin." Napailing ito. "I love her so much and I know that she also loves me, pero magkaiba ang nararamdaman naming pagmamahal para sa isa't isa. She doesn't love me the way she loves you."
Sa narinig, pakiramdam niya ay huminto sa pag-ikot ang mundo. "Talaga? Sinabi niya na mahal niya 'ko?"
He shrugged. "Nope, but I think she does. Well, it's now time for you to be the one who should take the risk."
"Paano ka?"
"Don't worry about me, kakayanin ko 'to. Well, it won't be easy but it would be a lot harder for me seeing my princess unhappy. A modeling agency from New York called me and asked me to be one of them. I'm considering the idea para na rin makalimot kahit paano."
"Are you sure about this?"
"As sure as hell. Basta, promise me you won't make her cry this time or else..." pinadaan nito ang kamay sa leeg nito.
Natawa na siya dito. "I promise, bro. Hinding-hindi ko na siya sasaktan."
"Dapat lang."
Nagkamay sila.
"Bahala ka nang magpaliwanag sa kanya kung anong nangyari diyan sa mukha mo." Tumalikod na ito saka lumapit sa sasakyan nito.
Muli siyang natawa. "Don't worry. She wouldn't know na ikaw ang may gawa nito. Ahm... Thank you, bro. This means the world to me."
Natatawang binato nito sa kanya ang roll ng tissue paper na nakuha nito sa loob ng sasakyan. "Oh, and one more thing... Wala pang alam si Tin about sa inyo ni Jessica. Ang alam lang niya ay kayo. Bahala ka nang dumiskarte."
"Okay."
Sumakay na ito ng sasakyan at tuluyang umalis.
Thank you, Jerico. You're a good man.
BINABASA MO ANG
ONLY ME AND YOU
FanfictionWould you rather be a good friend and let the chance to be with the one you love pass you by or take that chance with someone and let destiny take over? (A SlaTin-Inspired Story)